Para maganap ang isang matagumpay na pakikipagtalastasan, ang nagpapadala ng mensahe at ang tumatanggap nito ay dapat na nasa iisang pahina. Subalit, madalas na bigong maganap ang komunikasyon. Minsan, ang nagpapadala ng mensahe ay malabo at natural lamang na hindi maunawaan ng tagatanggap kung ano ang sinasabi. Minsan naman, ang nagpapadala ng mensahe ay malinaw. Ngunit sa maraming posibleng kadahilanan, bigo pa rin ang komunikasyon dahil ang tagatanggap ng mensahe ay bigong unawain nang maayos ang sinabi ng nagsalita. Sa katotohanan, minsan napakalaki ng kabiguan anupa’t kapag inulit ng tagapakinig ang sinasabi, ito ay kabaligtaran ng sinabi ng nagsalita.
Isang halimbawa ng ganap na kawalan ng pakikipagtalastasan ay naganap kamakailan nang ang Sekretarya ng Edukasyon ay nakikipulong sa isang grupo ng mga tao kung paano ang kaniyang departamento ay makatutulong sa kanila. Sinipi niya si Pangulong Ronald Reagan na nagsasabing, “Ako ay mula sa pamahalaan at narito ako upang tumulong.” Sinasabi ng Sekretarya na siya at si Reagan ay parehong sang-ayon na ang pamahalaan ay isang maiging pinagmumulan ng tulong kapag ang tao ay humaharap sa problema.
Ito ay nakakatawa dahil ganap na hindi naunawaan ng sekretarya ang sinasabi ni Reagan. Bago sinabi ni Reagan ang mga salitang ito, kaniya munang sinabi, “Ang siyam na pinakanakakatakot na salita sa lenggwaheng Ingles ay…” Sa madaling salita sinasabi ni Reagan ang kabaligtaran ng sinabi ng sekretarya! Ang pamahalaan ay hindi pinagmumulan ng tulong. Kapag ito ay nag-alok ng tulong, tumakbo ka palayo. Pasasahulin lamang ng pamahalaan ang mga pangyayari. Hindi nakagugulat na ang Sekretarya ng Edukasyon ay naging tampulan ng panunuya sa mga balita.
Ang parehong bagay ay nagaganap din minsan sa pagtuturo ng Biblia. Maaaring ituro ng isang tao ang kabaligtaran ng sinasabi ng Diyos sa Kaniyang Salita. Karamihan sa mga Free Grace ay batid ng isang halimbawa nito sa Santiago 2. Narinig natin, sa maraming pagkakataon, na sinasabi ni Santiago na ang mga demonyo ay may pananampalataya at nanginginig (San 2:19). Ngunit hindi ito sinabi ni Santiago. Isang gawa-gawang taong tutol kay Santiago ang gumawa ng pahayag na ito. Subalit, maraming mangangaral ang nagsasabing sa pahayag na ito, sinasabi ni Santiago na ang isang taong naligtas ng tunay na pananampalataya ay gagawa ng mabubuting gawa. Sa katotohanan, ang sinasabi ng gawa-gawang taong ito ay walang koneksiyon sa pagitan ng tunay na pananampalataya at mabubuting gawa.
Sa madaling salita, kapag narinig natin ang aral sa San 2:19, madalas ang naririnig natin ay kabaligtaran ng kaniyang ibig ipakahulugan. Halos imposibleng makahanap ng mas masahol pa sa kawalan ng pag-unawang ito ng sinasabi ni Santiago. Madaling tawanan ang kabiguang ito sa komunikasyon kung hindi lang malaki ang dulot nitong disgrasya sa Iglesia.
Isa pang magandang halimbawa ay masusumpungan sa 1 Juan 5:13. Sa sitas na ito, sinabi ni Juan na sinulat niya ang 1 Juan upang malaman ng kaniyang mambabasa na sila ay may buhay na walang hanggan. Ang sinumang manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay taglay ang buhay na ito (v 10-12).
Ang kagilagilalas ay maraming guro ngayon ang nagsasabing ang 1 Juan ay nagtuturo sa ating hindi natin malalaman kung tayo ay may buhay na walang hanggan. Sinasabi nilang sumulat si Juan ng maraming pagsusuri na dapat ilapat ng mga Cristiano sa kanilang mga buhay. Hindi malalaman ng mga Cristiano kung sila ay may buhay na walang hanggan dahil tayong lahat, sa iba’t ibang antas, ay bigong tuparin ang mga pagsubok na ito.
Aaminin kong tumawa ako nang malakas nang marinig ko ang maling sipi ng Sekretarya ng Edukasyon kay Pangulong Reagan. Matanda na ako naaalala ko si Reagan at may malinaw akong alaala ng siping ito, at kung gaano ito nakakatawa nang una niya itong sabihin. Ito ay hindi malilimutang sipi. Sa loob ng maraming taon, marami na akong narinig na mga taong tumutukoy sa sinabi ni Reagan na hindi matitiwalaan ang pamahalaan. Nakatatawa na ang Sekretarya ng Edukasyon ay makagagawa ng isang hayag na pagkakamali sa isang klasikong mga historikal na pananalita.
Ngunit hindi nakakatawa kapag bigo ang taong ipahayag ang sinabi ng Diyos. Ang pinakamasamang mangyayari na resulta ng kamalian ng Sekretarya ng Edukasyon ay nagmumukha siyang hindi kwalipikadong manghawak sa kaniyang posisyun. Ngunit ang pagpilipit sa Kasulatan ay nagreresulta sa binaluktot ng evangelio at ang nakapipilay na kawalan ng katiyakan sa buhay ng isang mananampalataya. Ito ay nagbubunga ng pagkatalo sa Cristianong pamumuhay at ang pagkawala ng gantimpala sa mundong darating.
Lumalabas na hindi ginawa ng Sekretarya ang kaniyang takdang aralin bago niya pinahayag ang sinabi ni Reagan. Kapag tayo ay nagtuturo ng Salita ng Diyos, huwag nating gawin ang kaparehong pagkakamali. Bilang mga tagatanggap ng Salitang ito, sana ay maging masikap tayo sa pagpahayag ng sinasabi ng Tagapagsalita.