Ang mga aklat ng seryeng Left Behind ni Tim LaHaye at ang mga pelikulang nakabase rito ay nagbigay ng malaking atensiyon sa teolohiya ng rapture. Bagamat marami ang nakakaalam sa Rapture, marami sa mga nagpapakilalang Cristiano ay hindi naniniwala rito. Dalawang pangunahing pagtutol sa posisyun ng rapture ay 1) ang salitang rapture ay hindi masusumpungan sa Biblia, at 2) ang turo ay bago o kamakailan lamang.
Pagtuunan natin ng pansin ang mga pagtutol.
Ang unang pagtutol ay walang saysay. Maraming pangunahing ekspresyong teolohikal ang hindi masusumpungan sa Biblia: eternal na seguridad, Trinidad, ang hypostatic union, akawntabilidad, responsabilidad, soberaniya (minsan lang ginamit sa NKJV patungkol kay Haring Saul sa 1 Sam 14:47), omnipotensiya (ang salitang omnipotente ay minsan lang ginamit sa Pah 19:6), omnipresensiya, omnisiyensiya, sanktipikasyon at pagiging disipulo.
Kung ang ideya ay sumasalamin sa turo ng Kasulatan, hindi mahalaga kung ang ekspresyon ay hindi nasumpungan sa Biblia. Ang konsepto ay oo.
Ang ikalawang pagtutol ay wala ring halaga. Maraming mabuti at masamang pananaw teolohikal ang mas makabago kaysa sa Rapture (tinuro ito ni Anne Hutchinson sa Massachusetts Bay Colonoy noong 1630s at pinasikat ito ni John Nelson Darby noong 1830s). Kabilang sa mga pananaw na ito ay bautismo ng mananampalataya (ang bautismo sa mga sanggol ang nakagawian hanggang sa ika-16 siglo), ang Hapunan ng Panginoon, Dispensationalismo, tekstuwal kritisismo (Tekstong Kritikal at Tekstong Mayoridad), ang Bagong Perspektibo kay Pablo, Open Theism, egalitarianismo, neoortodoksiya at postmodernidad.
Kung ang teolohikal na ekspresyon ay malinaw na sumasalamin sa tinuturo ng Biblia, hindi mahalaga kung kailan ito lumitaw.
Ang turo ng Rapture ay masusumpungan sa parehong LT at BT.
Ang mga sumusunod ay mga tipo ng Rapture sa OT: si Enoch at Elias ay buhay na umakyat sa langit sa isang ipo-ipo; si Noe at ang kaniyang pamilya ay naligtas mula sa baha sa pamamagitan ng arko; at si Lot at ang kaniyang asawa at mga anak ay lumikas mula sa Sodoma.
May mga tipo rin ng Rapture sa BT: si Pablo ay umakyat sa ikatlong langit (2 Cor 12:2); ang pag-akyat ni Juan sa ikatlong langit (Pah 4:1-2); at ang pag-akyat ng Panginoong Jesus sa langit habang nakamasid ang Kaniyang mga alagad (Gawa 1:9-10).
Mayroon ding direktang turo ng Rapture sa BT.
Ang mga salita ni Pablo sa 1 Tes 4:13-18 ay makapangyarihan at malinaw. Ang mga patay kay Cristo ay unang babangon, at tayong mga buhay ay aagawing kasama nila upang sumalubong sa Panginoon at sa mga yumaong mananampalataya sa langit (v17).
Tinuro rin niya ang Rapture sa 1 Tes 5:1-11. Ang mga mananampalataya sa Panahon ng Simbahan ay hindi papasok sa Tribulasyon (poot) sa pamamagitan ng kaligtasang dala ng Rapture (1 Tes 5:9).
Tinuro rin ng Panginoong Jesus ang Rapture sa Mat 24:40-42. Tingnan ang tatlong napakahusay na artikulo ni Dr. John Hart na nagbibigay ng sampung patunay (Part 1, Part 2, Part 3).
Ang katotohanang ang Simbahan ay hindi nabanggit sa Pahayag 6-19 ay suporta rin sa katuruan ng Rapture. Ganuon din ang Juan 14:1-3.
Bakit mahalagang manampalataya sa Rapture?
Una, ito ay nagbibigay sa atin ng kasiyahang hindi papayagan ng Panginoon na pumasok tayo sa teribleng oras ng Tribulasyon. Ang biglaang pagkawasak ay darating sa mundo ng hindi mananampalataya (1 Tes 5:3), ngunit maliligtas tayo mula rito (1 Tes 5:9).
Ikalawa, ang Rapture ay nagpapaalala sa ating ang Panginoong Jesus ay maaaring dumating anumang sandali. Ito ay nagtutulak sa ating maging mapagmatiyag sa Kaniyang nalalapit na pagbabalik. Nagtutulak ito sa atin upang hilingin ang Kaniyang aprubal at marinig Siyang magsabi, “Mahusay, mabuting lingkod.”
Ang pinakamahalagang aspeto ng Rapture ay iminensiya. Iminente ito mula nang umakyat si Jesus. Pinapakita ng Santiago 5:9 na ito ay iminente sa unang bahagi ng unang siglo. Ang sabi ni Juan, “Ito ang huling oras” (1 Juan 2:18).
Tingnan ang Mat 24:48. Ang tapat na lingkod ay nawalan ng katapatan nang kaniyang isiping, “Magtatagal ang pagdating ng aking Panginoon.” Ito ay totoo rin sa 2 Ped 3:4, “Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka’t, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.” Nakalulungkot na marami ang tumatakwil sa ideya ng Rapture at ng iminenteng pagbalik ni Cristo. Sa ginagawa nilang ito, itinatakwil nila ang isang napakahalagang motibasyon sa Cristianong pamumuhay. Sa aking palagay, pinalit nila ang ideya na maaari silang mamatay anumang sandali, bagamat hindi lahat ng tao ay ganito mag-isip. Ngunit kung panghahawakan natin ang katotohanan ng rapture, tayo ay motibado ng katotohanang si Jesus ay maaaring balikan tayo anumang sandali.
Nakarating ako sa pananampalataya kay Cristo sa edad bente. Natutunan ko ang Rapture nang panahong iyon. Naalala ko ang mga kasabihan, “Lahat ay masusunog.” Naalala kong umaasa ako nang lubos sa Rapture. Hindi kami umaasang mamatay. Isa sa aming mga kasabihan kapag may naiwan kami at maaaring hindi na namin sila muling makita, “Dito, doon o sa alapaap.”
Mahalaga ba ang Rapture sa iyo? Kung oo, bakit?
Ang pagpokus sa Rapture ay tutulong sa iyong magpokus sa biyaya.