May natanggap akong sulat mula sa isang bilanggo galing Texas na nagngangalang Eric, na nakumberte mula sa Arminianismo patungong Calvinismo. Sa isang pagkakataon, pinaliwanag ni Eric kung bakit siya ay kumbinsidong totoo ang Lordship Salvation:
Kaming nanghahawak sa Lordship Salvation ay naiiba sa mga tagataguyod ng Free Grace sa iisang pundamental na punto. Kami ay naniniwalang ang evangelio ay nagbabago ng buhay ng isang Cristianong makikita sa naoobserbahang bunga. Ang Free Grace ay hindi rito naniniwala.
Binigyang diin ni Eric ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay nanghahawak sa Lordship Salvation. Hindi sila naniniwalang ang masasamang tao ay makapapasok sa kaharian ni Cristo. Sa kanilang pananaw, ang isang tao ay kailangan munang mabago mula sa masama hanggan sa maging mabuti upang matamo ang tinatawag nilang pinal na kaligtasan.
Ang Calvinist Lordship Salvation ay nagmumungkahing binabago tayo ng Diyos. Iyan ang kanilang sinasabi. Pero dahil kinikilala rin nila ang lahat ng mga utos at babala. Kung ganuon nakikita nila ang pagbabago bilang isang pagtutulungan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao.
Ang Arminian Lordship Salvation ay nagmumungkahi ring ang pagbabago ay isang pagtutulungan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao.
Sa esensiya, ang Lordship Salvation ay pareho lamang mapa-Calvinista man o Arminiano.
May ilang pangunahing problema sa mungkahing ang pagbabago ay kailangan upang makapasok sa kaharian ni Cristo. Una, sinabi ng Panginoong Jesus na ang sinumang nanampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan (Juan 3;16). Sinasalungat ng Lordship Salvation ang Panginoon. Ikalawa, ang katiyakan ay imposible kung ito ay nakasalalay, kahit bahagi lang, sa naoobserbahang pagbabago ng buhay.
Ang kasiguruhan ng kaligtasan ng isang tao ay imposible ayon sa Lordship Salvation.
Iniisip ng mga Lordship Salvation na ang katiyakan ng eternal na kapalaran ng isang tao ay magreresulta sa lisensiyang magkasala. Naniniwala silang ang kawalan ng katiyakan ay isang magandang bagay. Kung ganuon, ang walang hanggang paghahanap ng naoobserbahang pagbabago ay mabuti. Ang nagpapatuloy na takot sa impiyerno ay isang paraan upang panatilihin ang mga taong motibadong gumawa ng mabuti.
Kahit ang Apostol Pablo ay hindi sigurado kung siya ay aprubado ni Cristo (1 Cor 9:27). Tanging sa punto ng kamatayan niya lang nalamang siya ay nakibaka ng mabuting pakikibaka, nakatapos ng kaniyang karera at napanatili ang pananampalataya (2 Tim 4:7-8). Ang lordship salvation ay naniniwalang ang kapanganakang muli at ang aprubal ay pareho lamang. Ayon sa Lordship Salvation, hindi ka makapapasok sa Kaniyangkaharian kung hindi ka inaprubhan ni Cristo.
Kinikilala ng Free Grace na may pagkakaiba. Ang aprubal ay hindi garantisado ngunit ang kapanganakang muli ay oo.
Narito ang nakalulungkot na katotohanan ng Lordship Salvation: ang isang tao ay kailangang mamuhay buong buhay niyang natatakot na baka siya ay mapunta magpakailan pa man sa lawa ng apoy. Ito ay nakalulungkot na paraan upang mamuhay. Hindi ganito ang paraan ng pamumuhay na ibig ng Diyos para sa atin.