Kamakailan napabilang ako sa maraming talakayan tungkol sa evangelio ng buhay na walang hanggan. Maraming tao ang iniisip na hindi kailangang ipilit na maunawaan ng isang hindi mananampalataya na ang inaalok ni Jesus ay buhay na walang hanggan para sa lahat ng nanampalataya sa Kaniya para rito. Ang isang hindi mananampalataya ay maaaring maligtas kahit hindi alam ito. Sa halip, maaari lamang na manampalataya kay Jesus para sa kung iba’t ibang bagay. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring maligtas magpakailan pa man kung siya ay mananampalatayang si Jesus ay ang Anak ng Diyos na namatay sa krus at bumangon mula sa mga patay.
Dahil dito napaisip ako. Ano ang sinasampalatayahan ng mga Judio noong unang siglo tungkol sa parating na Cristo? Alam kong maraming iba’t ibang pananampalataya sa mga ito. Ang ilan ay naniniwalang ang Mesiyas ay darating at tatalunin ang Roma at magdadala ng panahon ng kasaganaan gaya nang panahon ni David at ni Solomon. Marami ang naniniwalang kapag kanilang tinupad ang Kautusan ni Moises sila ay papasok sa kahariang ito. Marahil ang mga Pariseo ang pinakakilalang halimbawa ng mga ito. Ang ilang Judio ay naniniwalang ang kaharian ay walang hanggan at ang mga pumasok dito ay mabubuhay magpakailan man. Subalit, ang iba, ay naniniwalang ang mga papasok sa kahariang ito ay mamamatay. Ang buhay na walang hanggan ay ni hindi mga inalok ng Diyos. Ang darating na kaharian ay ang pinanggagalingan ng masidhing pambansang pagmamalaki. Karamihan sa mga Judio marahil ay iniisip na kailangan nilang matuli upang maging bahagi ng alin man sa walang hanggan o sa temporal na kaharian.
Mula sa nasabi sa akin, isang grupo ng mga Judio na tinatawag na Essenes ang naniniwalang sila ay magiging bahagi ng kaharian kapag kanilang hiniwalay ang kanilang sarili sa nakikita nilang apostadong sistemang relihiyon ng mga Judio ng kanilang kapanahunan. Ang ilan sa kanila ay tumungo sa disyerto sa paligid ng Jerusalem upang mapabilang na karapat-dapat sa karangalang ito. May ilang indikasyong ang ilang Judio, kabilang na ang Essenes ay naniniwala sa dalawang Mesiyas. At siyempre, mayroong, kagaya ni Abraham, na alam na sila ay tutungo sa walang hanggang kaharian dahil sila ay naniniwala sa darating na Mesiyas para sa regalong ito.
Ang iba’t ibang grupong ito ay naniniwala sa darating na Mesiyas. Lahat sila ay naniniwala sa darating na kaharian. Lahat sila ay mga relihiyoso. Ngunit malinaw na ang pinaniniwalaang nilang kailangan upang makapasok sa kahariang ito, at kung anong uring kaharian ang kahariang ito, ay magkakaiba nang husto sa kani-kanilang sarili.
Madaling makita ang pagkakapareho sa ating kalagayang teolohikal. May iba’t ibang grupong naniniwala na si Jesus ang Mesiyang pinangako ng LT na darating. Lahat sila ay mga relihiyoso at lahat sila ay sinsero sa kanilang pananampalataya. ngunit magkakaiba sila sa pinaniniwalaang inaalok Niya. Karamihan ay magsasabing aalukin Niya sila ng pagpasok sa kaharian kung sila ay gagawa ng sapat na bilang ng mabubuting gawa. Ang iba ay nagsasabing makakapasok ang tao kung sila ay gagawa ng ilang tiyak na ritong panrelihiyoso. Para sa iba, ang buhay na walang hanggan ay probisyunal. Maaari itong maiwala. Para sa iba, ang isang tao ay hindi makakakuha ng buhay na walang hanggan hangga’t hindi sila namamatay, at kung sila ay may sapat na kabanalan.
Maraming magsasabing ang mga taong ito ay may buhay na walang hanggan, kahit hindi nila ito napagtatanto. Hindi na sila kailangang i-evangelio, dahil ang kaalamang si Jesus ay nag-aalok ng buhay na walang hanggan ay hindi esensiyal.
Subalit dapat bigyang-pansin na hindi ganito ang saloobin ni Jesus sa Kaniyang ministeryo dito sa lupa. Inevangelio Niya ang lahat ng may maling pananaw tungkol sa Kaniyang inaalok. Inaalok Niya ang buhay na walang hanggan sa lahat ng sumampalataya sa Kaniya para rito.
Para sa mga iniisi na kailangan nilang gumawa para matamo ang pagpapalang ito, si Jesus ay may matinding pagsaway. Itinuro Niyang kahit sila ay relihiyoso pa at naniniwala sa darating na Mesiyas at darating na kaharian, wala silang buhay na walang hanggan. Sa isang halimbawa ng Kaniyang evangelismo, sinabi Niya, “Sinisiyasat ninyo ang Kasulatan, sapagkat sa kanila iniisip ninyong mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito ang nagpapatotoo sa Akin. Ngunit hindi ninyo ibig na lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).
Noong unang siglo, inevangelio ni Jesus ang mga relihiyosong taong hindi naniniwalang mayroong silang buhay na walang hanggan sa pananampalataya lamang sa Kaniya para rito. Inisip nilang kailangan nilang mabuhay sa isang partikular na paraan upang mabilang na karapat-dapat na makapasok sa kahariang ito. Maraming Judio ang kagaya nito.
Maraming taong kagaya niyang ngayon. Sila ay mabubuting tao. Sila ay mga relihiyosong tao. Kailangan nilang marinig ang mensahe ng buhay gaya ng mga Judio sa Juan 5. Kailangan nilang ma-evangelio.