Ang ideyang ito ay dumating sa akin sa isang panaginip kagabi. Umiinom ako ng isang miligramo ng melatonin pag gabi at ang aking mga panaginip ay mas buhay. Hindi ko minumungkahing ang ideya sa blog na ito ay kinasihan ng Diyos o ng melatonin. Ngunit gusto ko ang ideya na sana nga.
Hinayaan mo ba ang iyong mga anak na mabigo? Nakaiisip ako nang tatlong dahilan kung bakit hinahayaan ng ating Ama sa langit ang posibilidad ng pagkahulog ng mga mananampalataya palayo sa pananampalataya.
Una, tinuturing Niya ang pagsubok sa atin sa buhay na ito na isang mabuting bagay. Kung lahat ng mga mananampalataya ay nabuhay ng buhay na walang kasalanan sa sandali ng bagong kapanganakan, walang pagsubok sa mga mananampalataya. Walang Hukuman ni Cristo matapos ang buhay na ito.
Bagama’t marami ang nagtuturong ang mga mananampalataya ay maaaring magkasala, at ang iba ay maaaring mahulog nang ilang sandali, hindi sila tuluyong malalayo. Kung gaano “kaikli” ang pagkahulog na ito ay hindi malinaw. Bukod diya, kung ginarantiyahan ng Diyos ang kabanalan para sa lahat ng mananampalataya, ang lohika ay ginagarantiyahan niya ang perpeksiyon. Ngunit kahit pa limitado pa ang ginarantiyahang kabanalan, lahat ng mananampalataya ay aabutin ito. Kung lahat ng mananampalataya ay matapat, walang pangangailangan ng pagsubok ngayon o ng paghuhukom matapos ang buhay na ito (1 Cor 3:1-5).
Ikalawa, mabuti sa paningin ng Diyos na iilang mananampalataya lamang ang maghaharing kasama ni Cristo sa darating na kaharian.
Sa Milenyo, ang ilang sa mga niluwalhating mga banal ay maghaharing kasama ni Cristo sa mga taong nasa natural na katawan. Sa Israel man o sa gitna ng mga bansa, ang mga nasa natural na katawan ay paghaharian ng mga nasa niluwalhating katawan.1
Hinihingi ng Diyos na tayo ay maging matapat sa buhay na ito upang maghari sa susunod na buhay (1 Cor 6:1-5; 2 Tim 2:12; 1 Juan 2:28; Pah 2:26). Ang mga hindi tapat na mananampalataya ay nasa kaharian magpakailan man. Ngunit hindi sila maghahari.
Ikatlo, ang malayang pagpili ay mahalaga sa Diyos pareho sa kaligtasan at pagiging alagad. Ang mga tao ay dapat bukas at handang manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan (Juan 5:39-40; Gawa 10). Gayon din, ang mga mananampalataya ay dapat maging handang tumakbo sa karera at makibaka (1 Cor 9:24-27; 2 Tim 4:6-8). Kung pinanganak ng Diyos ang mga tao bago manampalataya at awtomatikong pinabanal sila, ang mga tao ay walang pinagkaiba sa mga manika. Ayaw ng Diyos sa mga manika. Kaya binigyan Niya tayo ng malayang pagpili.
Ang ating mga buhay ay puno ng mga pagsubok: mataas na paaralan, kolehiyo, isport, trabaho, pagkamamamayan, tahanan, simbahan, atbo. Ang kabiguan ay posible sa lahat ng lugar na ito. Ang buhay ay makahulugan dahil sa mga pagsubok. Kung ang buhay ay walang mga pagsubok, anong uring buhay ito? Walang halaga? Walang kabuluhan? (Tingnan ang 1 Cor 15:19-32).
Ang ating mga buhay ay may walang hanggang halaga dahil hinayaan tayo ng Diyos na magkaroon ng posibilidad ng kabiguan. Inilagay Niya sa ating harapan ang posibilidad ng tagumpay at kabiguan.
Hindi ba’t isang malaking karangalang marinig ang Panginoong Jesucristong magsabi, “Mahusay tapat at mabuting lingkod”? Ito ang pinagsisikapan ni Pablo (1 Cor 9:27). Lahat tayo ay dapat na magsikap na makuha ang Kaniyang pagsang-ayon. Hindi kagaya ng buhay na walang hanggan, ang Kaniyang aprubal ay hindi garantisado sa mga mananampalataya. Kailangan nating magtiis para makuha ang panalong ito (1 Cor 9:24-25; 2 Tim 2:12).
___________
1 Posibleng may mga tao ring nasa natural na katawan sa Bagong Lupa. Para sa higit na detalye, tingnan ang artikulong ito ni Philippe Sterling (pp. 49-62). Kung ganuon, kapag ang kaharian ay lumipat na dito, ang paghahari ay sa mga taong may natural na katawan.