Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin (1 Cor 9:26, may dagdag diin).
Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya… (1 Tim 6:12, may dagdag diin).
Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita (2 Tim 4:7-8, may dagdag diin).
Mula 776 BC hanggang 393 AD, ang matandang Olympic Games ay isinasagawa kada apat na taon sa Olympia, Greece. And Corinto ay may sariling paligsahang atletiko na tinatawag na Ishtmian Games. Ang mga ito ay ginagawa kada dalawang taon sa Isthmus ng Corinto. Ang ilang sa mga palaro ay pagtakbo, pagbubuno at boksing. Ginamit ni Pablo ang mga larawan ng pagtakbo at boksing upang tawagan ang kaniyang mga mambabasa na magtiis sa pananampalataya upang sila ay tumanggap ng aprubal ni Cristo sa Hukuman ni Cristo (1 Cor 9:27; ikumpara ang 2 Tim 4:7-8).
Ngunit bakit kinumpara ni Pablo ang Cristianong pamumuhay sa isang laban? Hindi ba’t si Cristo ang namumuhay ng Cristianong pamumuhay para sa atin?
Ang pagtuturo ng sanktipikasyon ay may dalawang ekstrem. Una ay ang pasibong paraan: Hayaan at hayaan ang Diyos. Huwag sumubok; magtiwala. Ang ikalawa ay lahat ay nakadepende sa atin: Isinasabuhay natin ang Cristianong pamumuhay sa pamamagitan ng dedikasyon, komitment at matiyagang gawa. Ang katotohanan ay nasa kalagitnaan.
Kailangan ang pagpapagal. Nagbanggit si Pablo ng “masipag na magsasaka” bilang modelo ng Cristianong pamumuhay (2 Tim 2:6). Ngunit hindi lahat ay nakadepende sa atin. Tayo ay binigyang kapangyarihan ng Espiritu Santo (Roma 15:16; Gal 2:20; 2 Ped 1:3). Hiwalay kay Cristo, wala tayong magagawa (Juan 15:5).
Ang transpormasyon ay hindi madaddan sa dedikasyon, komitment at matiyagang gawa. Ito ay dumarating sa pamamagitna ng pagbabago ng isipan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos (Roma 12:2; 2 Cor 3:18). Subalit, ang Salita ng Diyos ay hindi tila mahikang mag-uugat sa atin. Kailangan natin nasain ito (1 Ped 2:2). Kailangan nating dumalo sa simbahan at makinig (Heb 10:23-25). Kailangan nating magpasakop sa mga aral ng Panginoon (1 Juan 1:9). Kapag dumating ang pag-uusig, kailangan nating manghawak at huwag bibitiw (1 Cor 15:58; Col 1:21-23; 1 Ped 5:9).
Nakikibaka tayo laban sa sanlibutan, sa laman at sa diablo (Ef 2:2-3). Ang Diyos ay kasama natin. Binibigyan Niya tayo ng kapangyarihan. Ngunit hindi Niya tayo pinipilit na sumunod. May kalayaan tayo upang magtagumpay o mabigo.
Hanapin ninyo ang kagitnaan. Mahahanap ninyo ito kung kayo ay mananahan sa Kaniyang Salita (Juan 8:32; 1 Juan 2:24, 28; 3:6; 2 Juan 9).
Kung susundan natin ang halimbawa ng Panginoong Jesucristo (Heb 12:2) at ng Apostol Pablo (2 Tim 4:6-8), makikipagbaka tayo sa mahusay na pakikipagbaka hanggang sa Rapture o sa ating kamatayan. Kung gagawin natin ito, tayo rin ay tatanggap ng putong ng katuwiran sa Hukuman ni Cristo.i
Magpokus sa biyaya.
_______________
i Lahat ng nanampalataya sa Panginoong Jesus para sa buhay na walang hanggan ay may eternal na kasiguruhan (Juan 3:16). Ngunit ang walang hanggang gantimpala ay ibang usapan. Ang mga putong, paghahari at papuri at aprubal ni Cristo ay nakakundisyon sa ating pagtitiis sa pananampalataya (2 Tim 2:12; Pah 2:26).