Pinangungunahan ko ang GES nang halos apatnapung taon na. Sa aming taunang board meeting kapag summer, ang board ay sinusuri ako. Upang maging handa para sa pagsusulit na iyan, kailangan kong maging tapat sa aking trabaho araw-araw.
Kung makalimutan ko ang aking ebalwasyon, magiging pabaya ako sa aking paggpapagod. Ngunit kung nakapokus ako sa aking ebalwasyon, dodoblehin ko ang aking pagpapagod.
Ang Bema ay kagaya nito. Maraming sinabi sa atin ang Panginoon tungkol sa pagsusulit na ating haharapin pagkatapos ng buhay na ito. Sa pagiging tapat araw-araw, tayo ay nasa mabuting posisyun upang marinig Siyang magsabi, “Mahusay, mabuti at tapat na lingkod.”
Pinapalagay kong kaya mo binabasa ito ay dahil ikaw ay motibado nang mamuhay para kay Cristo, at ang isa sa iyong mga motibasyon ay ang Bema. Nais mong marinig, “Mahusay, mabuti at tapat na lingkod.” Nais mong magharing kasama ni Cristo sa buhay na darating.
Gusto kong ibahagi ang madalas na nalilimutang aplikasyon ng ating paniniwala sa Bema. Hindi lang tayo dapat magpuyat sa Kaniyang nalalapit na pagbabalik at Bema, ngunit kailangan din nating ituro sa iba ang mahalagang katotohanang ito.
Kung hindi natin sasabihin sa ating mga pamilya at mga kaibigan ang tungkol sa iyong nalalapit na pagsusulit sa Bema, iiwan ninyo silang hindi handa sa mangyayari.
Inutusan tayo ng Panginoong Jesus na ituro sa iba ang Kaniyang mga kautusan (Mat 28:18-20). Inutusan Niya tayong ilagak ang ating puso sa mga kayamanan sa langit (Mat 6:19-21). Nagbigay Siya ng maraming mga talinhaga tungkol sa kahalagahan ng pagpupuyat sa Kaniyang nalalapit na pagparito at sa Bema na susunod (hal Mat 24:25-51; 25:14-30; Luk 19:11-27).
Ipinangaral ng Apostol Pablo ang Bema sa lahat ng mananampalataya (1 Cor 3:5-15; 4:1-5; 9:24-27; 2 Cor 5:9-10; Gal 6:7-9; Fil 3:14; 4:17; 2 Tim 1:12; 4:6-8).
Nagbabala ang Panginoon at ang Kaniyang mga apostol tungkol sa mga negatibong konsekwensiyang haharapin ng mga hindi tapat na mananampalataya sa Bema (Mat 24:48-51; 25:24-28; Luk 19:20-26; 1 Cor 15:2; Gal 6:8; Col 1:21-23; San 2:13; 3:1; 1 Juan 2:28; Pah 2-3).
Dapat din nating isabi sa ating mga kapamilya’t kaibigang hindi mananampalataya ang Bema, bagamat walang sitas na nag-uutos sa ating ihayag ito sa hindi mananampalataya.
Tinutukoy ng Panginoon ang Bema nang Siya ay nakikipag-usap sa hindi mananampalatayang mayamang batang pinuno. Ipinangako Niya sa kaniya ang kayamanan sa langit kung kaniyang ipagbibili ang lahat at ibigay sa mahirap (Lukas 18:22). Hindi nagtatanong ang batang pinuno tungkol sa kayamanan sa langit. Nagtatanong siya kung paano magmana ng buhay na walang hanggan, na ang ibig niyang ipakahulugan, “Ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” (Mat 19:16). Gusto ni Jesus na ang hindi mananampalatayang batang lalaking ito na malamang kung siya ay manampalataya sa Kaniya, siya ay may walang hanggang kasiguruhan at kung siya ay susunod sa Kaniya, siya ay magtatamo ng gantimpalang walang hanggan.
Inutusan tayong turuan ang ating mga anak, at resonableng ipalagay na ituturo natin sa kanila ang Bema kahit hindi pa sila nakarating sa pananampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan.
May binigay na mensahe si Pastor Bob Bryant kung saan sinabi niyang kapag siya ay nag-eebanghelyo sa mga tao, sinasabi niya sa kanila ang tungkol sa Bema dahil natuklasan niyang nakatutulong sa kanilang maunawaan kung paano ang Diyos makapagbibigay ng buhay na walang hanggan nang walang kapalit, habang- pareho sa buhay na ito at sa buhay na darating- ang Diyos ay pinapanagot ang mga mananampalataya sa kanilang mga gawa.
Hindi ito pagmumungkahing dapat maunawaan ng mga hindi mananampalataya ang Bema upang maunawaan ang payak na mensahe ng Juan 3:16. Subalit ang pagkaalam tungkol sa Bema ay maaaring magtulak sa kanila sa direksiyong ito.
Minsan kong narinig si Zane Hodges na magsabing halos bawat pahina ng BT ay nagtuturo ng doktrina ng Bema at walang hanggang gantimpala. Kung tama siya, at naniniwala akong oo, kailangan nating ipaliwanag ang mga sitas tungkol sa Bema sa ating mga kapamilya at kaibigan upang sila ay maging ganap na handa sa ating nalalapit na paghuhukom.
Hindi ko masasabi nang may katiyakan kung kailan babalik ang Panginoong Jesus upang kunin tayo para sa Kaniyang sarili sa Rapture. Ngunit masasabi ko sa inyo na Siya ay malaong paparito, at kapag ginawa na Niya ito, huhukuman Niya tayo sa Bema.
Sa kaniyang maraming binigay, marami ang hihingiin. Inaasahan ng Panginoong sasabihin mo sa iyong pamilya at mga kaibigan ang tungkol sa Bema. Huwag ninyo silang iwanang hindi handa para sa pinakamahalagang pagsusulit sa buhay.
Ang pagsusulit na ito ay iba sa pagsusulit sa kolehiyo. Ito ay tila taunang pagsusuri ng iyong gawa sa trabaho. Ang tanging paraan upang maging handa ay ang maging tapat sa iyong paglilingkod sa Panginoon araw-araw.
Samantalang ang buhay na walang hanggan ay isang regalong tinanggap natin sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hiwalay sa mga gawa (Juan 3:16; 6:28-29; Ef 2:8-9), tayo ay mananagot sa kung paano tayo mamuhay. Inutos ng ating Panginoon na maging handa para sa Bema, ang magpokus dito araw-araw. Kailangan nating ibahagi ang utos na ito sa ating pamilya at mga kaibigan. Kung paanong tayo ay inatasang magbahagi ng mensahe ng buhay na walang hanggan, tayo ay tinawag ding magbahagi ng mensahe ng pananagutan at gantimpalang walang hanggan.
Manatiling nakapokus sa biyaya.