Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan, Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan. 1 Corinto 15:1-2, may dagdag na diin).
May mga sinulat na akong blogs patungkol sa 1 Cor 15:1-2 dati. Tingnan ang blog na ito noong Agosto, 2019 na may mga sipi mula sa nangungunang mga komentaristang, sa aking opinyon, ay hindi nauunawaan ang sinasabi ni Pablo. Inisip nilang tinuturo niyang ang isang tao ay kailangang magtiis sa pananampalataya at mabubuting gawa upang makapasok sa kaharian ni Cristo.
Gusto kong panatilihing makitid ang pokus ng blog na ito. Bakit sinabi ni Pablo na “Ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo?”
Sa Ef 2:8-9, ginamit ni Pablo ang pangnagdaan, “Sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya….? (dinagdagang diin). Ngunit sa 1 Cor 15:2, ginamit niya ang pangkasalukuyang aspeto ng pandiwa at kinundisyon ang kaligtasang pinag-uusapan sa matiyagang pag-iingat ng evangelio ni Pablo.
Ang paliwanag ay simple.
Ang ilan sa mga mananampalataya sa Corinto ay inisip na ang pagkabuhay na mag-uli ay nangyari na. Sabi ni Pablo, “ Kung si Cristo nga’y ipinangangaral na siya’y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?” (1 Cor 15:12). Ito ay pagtanggi sa evangelio ni Pablo. Ang evangelio o ang mabuting balita, ng 1 Corinto 15, ay namatay si Jesus, nalibing, at bumangong muli. Ang buong kabanata ay nakapokus sa katotohanang Siya ay bumangon mula sa mga pataya at tayong nanampalataya sa Kaniya ay babangon din mula sa mga patay. Ang pinakahuling sitas sa kabanata ay patungkol sa walang hanggang gantimpala para sa mga matiyagang nag-iingat ng evangelio ni Pablo (1 Cor 15:58).
Ang salitang ligtas sa 1 Cor 15:2 ay hindi tumutukoy sa kapanganakang muli. Ito ay sigurado sa sandaling nanampalataya tayo kay Cristo. Hind natin kailangang matiyagang mag-ingat sa mabuting balita ng pagkabuhay na maguli upang mapanatili ang buhay na walang hanggan. Ang ligtas sa 1 Cor 15:2 ay tumutukoy sa pagiging espirituwal na malusog. Ikumpara ang 1 Cor 3:15; 5:5.
Upang manatiling malusog espirituwal, kailangan nating magtiyagang ingatan ang pagkamatay, pagkalibing at pagkabuhay na maguli ni Jesus at ang pangako ng ating pagkabuhay na maguli.
Gaya nang nabanggit sa itaas, maraming komentarista ang inisip na nagtuturo si Pablo na ang pagtitiis ay kailangan upang makapasok sa kaharian ni Cristo. Subalit, si Dwight Hunt, na kamakailan, ay tumungo sa Panginoon ay pinaliwanang ito nang mahusay. Sinulat niya:
Ang pahayag na ito ay nagbibigay-diin sa katotohanang ang evangelio ay higit pa sa pag-aaring matuwid, na nagdadala ng buhay na walang hanggan; kabilang din dito ang pang-araw-araw na sanktipikasyon (ligtas) kung ang mga mananampalataya ay matiyagang mag-iingat (o mananahan sa) sa salita (cf. Juan 8:31-32; Gal 2:20; Ef 2:10; San 1:21). Ang pang-araw-araw na prosesong ito ng sanktipikasyon ay may kaugnayan sa kalidad ng buhay ng mga Cristiano sa eternidad (3:9-15; Lukas 19:11-27; Rom 8:16-17; 2 Ped 1:10-11) (“1 Corinthians” sa The Grace New Testament Commentary, p. 758).
Si Dave Lowery ay may kaparehong pagkaunawa:
15:1-2. Ang evangeliong ipinangaral ni Pablo sa Corinto ay hindi nagbago (2:1-2); ngunit natakot siya na kung paanong may pag-atras patungkol sa mensahe ng pagkapako ni Cristo at ng implikasyon nito para sa mga mananampalataya, ang pareho ay nagaganap patungkol sa mensahe ng pagkabuhay na maguli ni Cristo. Kung paanong ang naunang mensahe ay mahalagang elemento sa karanasan ng mga taga-Corinto ng nagpapatuloy na kaligtasan (ang pres tense ng pandiwang ligtas ay nakapokus sa sanktipikasyon), ganuon din ang panghuli. Ang itanggi ang pagkabuhay na maguli ng katawan ay winawakwak “ang evangelio” at winawalang kabuluhan ang pananampalataya (eike, “walang dahilan”, o “walang tagumpay”; cf vv14, 17) dahil ito ay may layong hindi karapat-dapat (cf 15:13, 17). Kabilang sa pananampalataya sa evangelio ang matiyagang panghahawak sa pananampalataya sa pagkabuhay na maguli ni Cristo. Malibang matiyagang manghawak ang isang tao, ang kaniyang pananampalataya ay “walang kabuluhan”; cf. Mat 13:18-22) (“1 Corinthians” sa The Bible Knowledge Commentary, p. 542).
Oo. Upang manatiling malusog espirituwal, kailangan nating matiyagang mag-ingat ng mabuting balita ng kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay na maguli ni Jesus. Ito ang ibig sabihin ni Pablo sa 1 Cor 15:2.