Si Jack ay nag-email sa akin ng isang magandang tanong: “Bakit tila tanging mga dispensasyonalista lamang ang naniniwala sa Hukuman ni Cristo?”
Para sa mga hindi nerd sa teolohiya, ang isang dispensasyonalista ay naniniwalang sa iba’t ibang panahon- o dispensasyon- sa kasaysayan ng sanlibutan, binago ng Diyos ang Kaniyang mga utos.
Halimbawa, ngayon hinahayaan tayo ng Diyos na kumain ng baboy o hipon. Maaari tayong magtrabaho kapag Sabado.
Ngunit sa pagitan ng 1440 BC at AD 33, ang mga bagay na ito ay pinagbabawal.
Hindi na rin tayo naghahandog ng mga hayop o sumasamba sa templo sa panahong ito.
Ang dispensasyonalismo ay marami ring sinasabi tungkol sa eskatolohiya, ang pag-aaal ng mga huling araw. Isang aspeto ng eskatolohiya ay ang paghatol eskatolohikal sa hinaharap.
Marami sa mga tradisyong Kristiyanismo (samakatuwid, ay ang mga hindi dispensasyonalista) ay nagsasabing mayroon lamang isang paghatol eskatolohikal sa hinaharap. Ito ay madalas tawaging ang huling paghuhukom. Karamihan sa Sangkristiyanuhan ay naniniwalang walang makaaalam ng kaniyang huling hantungan hanggan sa siya ay sumailalim sa huling paghuhukom.i
Subalit, ang mga dispensasyonalista ay naniniwalang ang mga mananampalataya ay hahatulan sa isang hiwalay na paghuhukom sa hinaharap na tinatawag na Hukuman ni Cristo, o Bema. Ang layon ng Bema ay idetermina ang walang hanggang mga gantimpala, hindi ang walang hanggang kapalaran. Ang tanging taong hahatulan sa Bema ay ang mga mayroong buhay na walang hanggan.
Marami sa mga hindi dispensasyonalista ay naniniwalang ang Hukuman ni Cristo ay isa lamang na pangalan para sa Dakilang Puting Luklukan. Kaya hindi tamang sabihing tanging mga dispensasyonalista lamang ang naniniwala sa Hukuman ni Cristo. Lahat ng Cristiano’y naniniwala sa Hukuman ni Cristo. Ngunit ang punto ni Jack ay karamihan sa Kristiyanismo ay hindi ito nauunawaan bilang paghuhukom para sa mga gantimpala ng mananampalataya lamang. Tama siya sa bagay na iyan.
Naniniwala ang mga dispensasyonalistang ang mga mananampalataya ay walang huling paghatol (Juan 5:24). Ang mga mananampalataya sa Panahon ng Iglesia ay hindi hahatulan sa Dakilang Puting Luklukan (DPL, Pah 20:11-15). Ang mga hindi mananampalataya ay hahatulan doon. Ngunit hindi ang mga mananampalataya.
Ang layon ng DPL ay dalawa: ang ihayag ang walang hanggang kundenasyon ng lahat na hindi masumpungan sa Aklat ng Buhay (Pah 20:15) at idetermina ang antas ng walang hanggang pighati base sa kung ano ang masumpungan sa mga aklat ng mga gawa (Pah 20:12-13). Ang mga mananampalataya at hindi mananampalataya ay parehong aanihin ang kanilang hinasik sa buhay na ito (Gal 6:7).
Balik sa tanong ni Jack. Bakit tanging mga dispensasyonalista lamang ang naniniwala na ang Hukuman ni Cristo ay hiwalay na paghuhukom para sa mga mananampalataya?
Una, bahagyang nagmamalabis si Jack. May ilang hindi dispensasyonalistang naniniwala sa hiwalay na paghuhukom, na tinatawag na Bema, para sa mga mananampalataya. Subalit, patas lamang sabihing mahigit 95% ng mga hindi dispensasyonalista ang naniniwalang may isa lamang na kahatulang eskatolohikal at ang Bema ay isa lamang pangalan para sa DPL.
Ikalawa, makapangyarihan ang tradisyon. Kung lumaki ka sa tradisyong hindi naniniwala sa Bema bilang isang hiwalay na paghuhukom, marahil ganuon ka rin. Kung lumaki ka sa isang tradisyon at lumipat nang ikaw ay matanda na, marahil ikaw ay nasa tradisyon pa ring nakikita lamang ang nag-iisang eskatohikal na kahatulan.
Ikatlo, kung ikaw ay nasa isang dispensasyonal na simbahan, maaaring hindi mo pa rin marinig ang ekspresyong Hukuman ni Cristo. Nakalulungkot, ngunit maraming dispensasyonalista ang hindi nagtuturo tungkol sa Bema at walang hanggang gantimpala. Marami akong nakilalang dekada na sa mga iglesiang dispensasyonalista ngunit nagsabi sa akin- matapos na marinig ang aking mensahe tungkol sa Bema- na hindi sila kailan man nakarinig ng anumang turo tungkol sa Bema at walang hanggang gantimpala.
Karamihan sa mga tao ay hindi pa nakarinig ng kahit isang sermon tungkol sa Bema.
Marami sa mga komentaryo, podcasts, at videos ang nauunawaan ang mga pasahe tungkol sa walang hanggang gantimpala bilang patungkol sa walang hanggang kapalaran.
Mahirap maunawaan ang Bema nang tama kung hindi matuturuan ng iba. Mayroong nakaunawa. Ngunit bibihira.
Ang pinakamahusay na pagkakataon mong matuto tungkol sa Bema ay ang makinig sa isang gurong dispensasyonalista o magbasa ng isang aklat dispensasyonal.
Ngunit hindi lamang ito ang posibilidad. Ang Diyos ay Tagagantimpala ng lahat ng masikap na naghahanap sa Kaniya (Heb 11:6).
Minsan kong tinanong si Zane Hodges sa isang klase sa Hebreo sa DTS kung bakit niya inaakalang ang Bema at walang hanggang gantimpala ay laganap sa aklat na iyan. Sinabi niyang nag Hukuman ni Cristo at ang doktrina ng walang hanggang gantimpala ay masusumpungan sa halos bawat pahina ng Bagong Tipan.
Kumbinsido akong totoo ito. Ikaw?
_______
- Hindi ko alam kung paano nila ito pinanghahawakan. Hindi ba’t ang lahat nang nasumpunang ang kanilang sarili sa langit pagkamatay, nakasisiguro na sila ay may walang hanggan kasiguruhan? At hindi ba ang kabalitaran ay totoo rin? Kung ang