Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Bakit hindi sinabi ng Biblia na ang pag-aaring matuwid/kapanganakang muli ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang?

Bakit hindi sinabi ng Biblia na ang pag-aaring matuwid/kapanganakang muli ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang?

April 18, 2023 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Sinulat ni O. O. (hindi si 7):

“Patuloy kang makakakita ng mga indibidwal na pasaheng nagsasabing ang isang tao ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit kailan ma’y hindi nila sinabing sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.”

Noong Enero ng 1996, nakadebate ko ang isang evangelista ng Iglesia ni Cristo sa pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Isa sa kaniyang mga punto ay ang tanging lugar sa Bibliang nagbabanggit ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ay nagsasabing ito ay hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang (San 2:24).i

Sa totoo lang, kahit ang pasaheng iyan ay hindi nagbabanggit ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ito ay dapat isaling, “Nakkita mo na ang isang tao ay inaring matuwid sa pamamagitan ng mga gawa at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.” Ang salitang monon ay isang pang-abay na naglalarawan ng inaring matuwid, hindi isang pang-uring naglalarawan ng pananampalataya. Ang ilang saling Ingles ay nakuha ito nang tama at sinalin ang monon bilang lamang (KJV, NKJV, MEV): at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Sinasabi ni Santiagong may isang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, sa harapan ng Diyos, at isang hiwalay na pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng mga gawa, sa harap ng mga tao. Ikumpara ang Roma 4:1-2.

Malinaw na hinayag ng Juan 3:16 na ang sinumang sumampalataya kay Jesus ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. Hindi kailangang ilista ng Panginoon ang lahat ng mga bagay na hindi naman kailangan. Hindi na Niya kailangang idagdag ang salitang lamang.

Sinasabi ng Efeso 2:8-9 na ang kapanganakang muli (ikumpara ang 2:5) ay sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa. Malinaw na sinasabi ni Pablo na ang pananampalataya ang tanging kundisyon.

Mahigit isandaang beses sa Biblia, ang pananampalataya kay Cristo ang tanging kundisyong ibinigay para sa kapanganakang muli at pag-aaring matuwid. Dahil sa walang iba pang kundisyon, hindi mali sabihing ang pag-aaring matuwid at kapanganakang muli ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

Ang isyu ay hindi ang pangangailangan ng paglilinaw ng Panginoon at ng Kaniyang mga apostol. Ang isyu ay hindi sang-ayon ang mga tao sa kanilang malinaw na pinahayag. Ang pagtutol ng evangelista ng Iglesia ni Cristo ay isa sa mga argumentong ginagamit ng mga tao upang itakwil ang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

Narito ang ilang sa mga paraang kinakalaban ng mga tao ang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang:

  • Ang pagdepina ng pananampalataya bilang pagtalikod mula sa mga kasalanan, pagtatalaga, at pagtitiis sa pagsunod.
  • Pagsasabing ang pananampalataya lamang ay nagreresulta sa inisyal na kaligtasan, ngunit ang pagtitiis sa pagsunod ay kailangan upang magtamo ng pinal na kaligtasan.
  • Pagtuturong ang pananampalataya lamang ay nagreresulta sa pansamantalang kaligtasan, ngunit upang maingatan ito kailangang magtiis sa mabubuting mga gawa.

Ang Kasulatan ay malinaw. Ang sinumang sumampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay sigurado magpakailan man. Na marami sa mga tao ay tinatakwil iyan- kahit ang mga taong nagpapakilalang mga Cristiano- ay nakakabagabag sa akin.

Nababagabag ka ba?

__________

  1. Ang ilang salin ay mayroong “hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang” (KJV, NKJV, MEV). Marami sa mga salin ay mayroong “hindi sa pamamagitan ng nag-iisang pananampalataya” (NLT, NET, NASB, HCSB, RSV, LEB, ESV, GNT).

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

June 1, 2023

Don’t People Who Believe in “Once Saved, Always Saved” Promote Sinful Living?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and David Renfro are responding to the accusation that Free Grace Theology promotes sin and licentious...
June 1, 2023

What About Micaiah? (1 Kgs 22:1-28)

In any venture, everybody knows the name of the star. For example, Michael Jordan is considered by most basketball experts to be the greatest basketball...
May 31, 2023

Aren’t People Who Believe in Works Salvation Saved?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and David Renfro are answering why works systems will not and do not bring eternal salvation....

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • Turn and Live: The Power of Repentance $15.00 $10.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • A Gospel of Doubt: The Legacy of John MacArthur's The Gospel According to Jesus $22.00 $11.00
  • The Epistle of James $15.00 $10.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube