Sinulat ni O. O. (hindi si 7):
“Patuloy kang makakakita ng mga indibidwal na pasaheng nagsasabing ang isang tao ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit kailan ma’y hindi nila sinabing sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.”
Noong Enero ng 1996, nakadebate ko ang isang evangelista ng Iglesia ni Cristo sa pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Isa sa kaniyang mga punto ay ang tanging lugar sa Bibliang nagbabanggit ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ay nagsasabing ito ay hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang (San 2:24).i
Sa totoo lang, kahit ang pasaheng iyan ay hindi nagbabanggit ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ito ay dapat isaling, “Nakkita mo na ang isang tao ay inaring matuwid sa pamamagitan ng mga gawa at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.” Ang salitang monon ay isang pang-abay na naglalarawan ng inaring matuwid, hindi isang pang-uring naglalarawan ng pananampalataya. Ang ilang saling Ingles ay nakuha ito nang tama at sinalin ang monon bilang lamang (KJV, NKJV, MEV): at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Sinasabi ni Santiagong may isang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, sa harapan ng Diyos, at isang hiwalay na pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng mga gawa, sa harap ng mga tao. Ikumpara ang Roma 4:1-2.
Malinaw na hinayag ng Juan 3:16 na ang sinumang sumampalataya kay Jesus ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. Hindi kailangang ilista ng Panginoon ang lahat ng mga bagay na hindi naman kailangan. Hindi na Niya kailangang idagdag ang salitang lamang.
Sinasabi ng Efeso 2:8-9 na ang kapanganakang muli (ikumpara ang 2:5) ay sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa. Malinaw na sinasabi ni Pablo na ang pananampalataya ang tanging kundisyon.
Mahigit isandaang beses sa Biblia, ang pananampalataya kay Cristo ang tanging kundisyong ibinigay para sa kapanganakang muli at pag-aaring matuwid. Dahil sa walang iba pang kundisyon, hindi mali sabihing ang pag-aaring matuwid at kapanganakang muli ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
Ang isyu ay hindi ang pangangailangan ng paglilinaw ng Panginoon at ng Kaniyang mga apostol. Ang isyu ay hindi sang-ayon ang mga tao sa kanilang malinaw na pinahayag. Ang pagtutol ng evangelista ng Iglesia ni Cristo ay isa sa mga argumentong ginagamit ng mga tao upang itakwil ang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
Narito ang ilang sa mga paraang kinakalaban ng mga tao ang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang:
- Ang pagdepina ng pananampalataya bilang pagtalikod mula sa mga kasalanan, pagtatalaga, at pagtitiis sa pagsunod.
- Pagsasabing ang pananampalataya lamang ay nagreresulta sa inisyal na kaligtasan, ngunit ang pagtitiis sa pagsunod ay kailangan upang magtamo ng pinal na kaligtasan.
- Pagtuturong ang pananampalataya lamang ay nagreresulta sa pansamantalang kaligtasan, ngunit upang maingatan ito kailangang magtiis sa mabubuting mga gawa.
Ang Kasulatan ay malinaw. Ang sinumang sumampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay sigurado magpakailan man. Na marami sa mga tao ay tinatakwil iyan- kahit ang mga taong nagpapakilalang mga Cristiano- ay nakakabagabag sa akin.
Nababagabag ka ba?
__________
- Ang ilang salin ay mayroong “hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang” (KJV, NKJV, MEV). Marami sa mga salin ay mayroong “hindi sa pamamagitan ng nag-iisang pananampalataya” (NLT, NET, NASB, HCSB, RSV, LEB, ESV, GNT).