Hindi ko alam kung tama bang tawagin ang binili mo para sa iyong sarili na isang regalo. Ngunit naririnig ko ang mga taong nagsasabi nito.
Kaya nagdesisyon akong magsiyasat sa Google. Tinipa ko ang “bilihan ang iyong sarili ng regalo.” Angular ako na mayroong 566 milyong resulta. Ang unang resulta ay nagsabi, “Ang pagsasaliksik ay nagsasabing ang paggastos ng pera sa iba ay nagbibigay ng mas maraming kasiyahan kaysa paggastos ng pera sa ating mga sarili. Subalit, hindi ito nangangahulugang ang pagbili ng regalo para sa iyong sarili ay hindi mabuting ideya” (dinagdagang diin).
Ang sunod na artikulo ay “Ang Kasiyahan ay ang Pagbili Para sa Iyong Sarili ng Regalo: Karapat-dapat ka Rito!” Ang sunod na titulo ay “Bakit Kailangan mong Bilihan ang Iyong Sarili ng Regalo.” Sunod ay “40 Pinakamainam na Regalong Mabibili Para sa Iyong Saril isa 2024.” “Paano Yapusin ang Akto ng Pagreregalo sa Sarili.” “Ilibre Mo ang Iyong Sariili: 4 na Lehitimong Rason Upang Bilihan ang Iyong Sarili ng Regalo.” At patuloy-tuloy ang mga artikulo.
Ngunit paano ang regalong binigay ng Diyos sa mga taong nanampalataya sa Kaniyang Anak? Maaari ba nating bilihin ang regalong iyan?
Tinawag ng Panginoong Jesus ang buhay na walang hanggan bilang “kaloob o regalo ng Diyos” (Juan 4:10, 14), at ganuon din si Apostol Pablo (Ef 2:5, 8-9).
Binili ng Panginoong Jesucristo ang regalo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Kaniyang dugong nabubo sa krus. Madalas nating awitin, “Jesus paid it all. All to Him I owe.” (Binayaran Niya ang lahat. Lahat ay utang ko sa Kaniya). Ngunit ang ekspresyong binayaran Niya ang lahat ay hindi masusumpungan sa Kasulatan. Ang salitang binayaran ay hindi kailan man ginamit sa Kasulatan na pantukoy sa kamatayan ni Jesus sa krus.
Ilang salita ang ginamit patungkol sa kamatayan ni Jesus. Ang isa ay ang salitang binili (agorazo). “Sapagka’t kayo’y binili sa halaga…” (1 Cor 6:20; 7:23). Ang isang kaugnay na salita ay tinubos (exagarzo). “Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo…” (Gal 3:13; 4:5). “Na inyong nalalamang kayo’y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto… kundi ng mahalagang dugo ni Cristo.” )1 Ped 1:18-19). “Ikaw… binili mo sa Dios ng iyong dugo…” (Pah 5:9). Mayroon din salitang pantubos (antilutron). “Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat…” (1 Tim 2:6).
Ngunit possible bang ang regalo ng buhay na walang hanggan ay binayaran ng Panginoong Jesus ngunit may halagang dapat nating bayaran?
Maraming pastor at teologo ang nagsasabing ang buhay na walang hanggan ay isang regalong babayaran natin ng lahat ng bagay. Si Jerry Moyer ay may artikulong may titulong “Salvation Is a Free Gift that Will Cost You Everything!” Tingnan dito. Ang Brandonweb.com ay may artikulong, “The High Cost of the Free Gift Romans 6:23.”
Sila Drs. James Boice, John Piper, at John MacArthur ay lahat nagtuturong ang regalo ay babayaran mo ng lahat ng bagay. Tingnan ang anim na minutong video ko.
Bgama’t tila reasonable ito, ito ay gaya ng kwento ni Hans Christian Andersen Ang Emperador ay Walang Damit. Ang Kasulatan ay malinaw na ang ating kaligtasan ay “hindi sa mga gawa upang ang sinuman ay huwag magmapuri” (Ef 2:8-9). Ang buhay na walang hanggan ay binigay sa atin ng libre, walang gastos mula sa atin (Pah 22:17).
Kung kailangan mong isuko ang lahat upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, ito ay hindi regalo ng Diyos. Nang ang Diyos ay nagbigay ng regalo ng buhay na walang hanggan, ito ay ganap na libre sa lahat ng tumanggap.
Hindi ko alam kung tama bang sabihing regalo ang anumang binili natin para sa ating sarili. Ngunit, kung oo, binili natin ito.
Hindi ko alam kung tamang tawaging regalo ang binayaran ng iba ang kalahati at ang kalahati ay binayaran natin. Ngunit kung oo, ito ay binili natin na may kaunting tulong mula sa ating kaibigan.
Sa buong buhay ko, marami akong natanggap na regalo para sa aking kaarawan o Pasko. Kailan man ay walang humingi sa akin ng ambag. Kayo?
Siyempre, alam natin tayong sigurado kailan man sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo, hiwalay sa anumang bayad mula sa atin, ay dapat may mataas na motibasyon para mamuhay sa Kaniya. Ang pasasalamat ay isang makapangyarihang motibasyon. Ganuon din ang pagnanasang makamit ang pagsang-ayon ng Isang pinakamakahulugan sa atin (1 Cor 9:27). Dapat tayong mamuhay kada araw sa Liwanag ng Hukuman ni Cristo. Ngunit ang sabihing dapat tayong mamuhay para sa Kaniya para makapasok sa Kaniyang kaharian ay ang baluktutin ang pangako ng buhay.