Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Bakit Hinahayaan Ng Diyos Ang Masasamang Pinuno

Bakit Hinahayaan Ng Diyos Ang Masasamang Pinuno

May 13, 2022 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

May magandang tanong si FH:

Marami na akong nabasang pasahe at napangkinggang mga mangangaral at mga Cristiano, ngunit hanggang ngayon sinisikap ko pa ring maunawaan kung ang Diyos ba ang naglalagay at nag-aalis na bawat hari, pinuno, at presidente sa lahat ng nasyon, sa nakalipas, sa kasalalukuyan at hinaharap. Mabuti man sila o masama, maka-Diyos man o hindi, mananampalataya man o hindi? Uunawain ko bang ang Diyos ang naglagay ng masasamang pinuno sa kapangyarihan?

Anong lenggwahe mismo ang ginamit ng Panginoon mismo patungkol sa mga pinuno?

“Ang bawat tao ay magpasakop sa mga namamahalang awtoridad, sapagkat walang pamamahala na hindi mula sa Diyos; at ang mga namamahalang iyon ay itinalaga ng Diyos” (Roma 13:1).

Ang mga pinuno kung ganuon ay “mula sa Diyos” at “itinalaga ng Diyos.” Hindi ito nangangahulugan na pinilit ng Diyos ang mga nasyon o estado o siyudad na pumili ng mga pinunong hindi maka-Diyos. Ngunit hindi rin ito nangangahulugan na pinasimulan lang ng Diyos ang sanlibutan at iniwan Niya na sa tao ang mga detalye. Sa isang diwa, ang Diyos ang naglagay sa lugar ng mga pinuno.

Ang sabi ng Biblica.com (tingnan rito), “Ang kailangan nating ilagay sa isipan ay mabuti man o masama ang isang lider, patuloy na tinutupad ng Diyos ang Kaniyang kalooban. Siya ay makapangyayari. Siya ang responsible sa paglagak ng mga pinuno sa lugar (kalimitan sa mga dahilan at layuning hindi natin nauunawaan).”

“Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang batis ng tubig; ibinabaling Niya ito saan man Niya ibig” (Kaw 21:1). Ang punto rito ay binibigyan ng Diyos ang mga pinuno ng limitadong kalayaan. Marahil iniisip nila na ganap silang malaya. Ngunit sa bandang huli ang mga masasamang pinuno na gaya ni Stalin, Hitler, Pol Pot at Idi Amin ay nawala ang kanilang kapangyarihan. At kahit nang sila ay nasa kapangyarihan pa, hindi sila malaya na gawin ang lahat ng kasamaan na nais nilang gawin.

Nasusumpungan ko ang isyung ito na na sadyang nakalulungkot dahil ang tunog nito ay gaya ng sinasabi ni FH. Bakit hinahayaan ng Diyos ang mga masasamang lalaki at babae na umangat sa kapangyarihan?

Kailangan nating matanto, na maliban sa mga monarkiya, diktadurya, at mga komunistang bansa, ang mga tao ang pumipili ng kanilang pinuno. At kahit sa mga bansang ito, pinili ng mga tao sa nakalipas na maging bahagi ng rebolusyon na nagresulta sa diktadurya o sa komunistang rehimen. O pinili nila ang monarkiya at pumili ng hari. Alalahanin natin ang karanasan ng Israel kay Haring Saul.

Kung pinili ng mga tao sa mundong ito na sumunod sa Panginoon pagkatapos ng Pagkahulog o pagkatapos ng Baha, ang mga pamahalaan sana ng mundong ito ay mabubuting pamahalaan.

Hindi natin masisisi ang Diyos dahil sa ating mga pinuno.

Ngunit hindi ba ang tunay na konsern dito ay bakit hinayaan ng pa Diyos ang kasamaan sa mundong ito? Bakit minsan hinahayaan ng Diyos ang mga maka-Diyos na mananampalatayang mamatay nang bata? Bakit Niya hinahayaan minsan ang mga masasamang tao na umasenso sa pinansiyal at magkaroon ng mahahabang buhay?

Ang kasagutan ay dahil ang kaharian ay hindi pa dumarating. Kapag ang isanlibong taong paghahari ni Jesus ay dumating, maghahari Siya at aayusin Niya ang mga pinuno ng mga bansa upang walang teribleng pinuno (Zacarias 14:9-19). Kung magkaganuon ang mabubuti ay hindi mamamatay nang bata (Is 65:22). Pag nagkataon ang masasama ay hindi aasenso o mamumuhay ng mahabang mga buhay (Is 65:20). Ang katuwiran, katarungan at kapayapaan ay dadaloy sa lupa na gaya ng mga ilog.

Tingnan ang pagdadalamhati ni Pablo sa 2 Cor 5:1-8. Umiiyak tayo sa ating mga katawan dahil sa sakit at paghihirap. Ngunit alam nating ang kaharian ay darating (2 Cor 4:18) at tayo ay lalakad sa pamamagitan ng pananampalataya sa darating na kahariang iyan, at hindi sa pamamagitan ng paningin ng ating katawang puno ng paghihirap o ng kasamaang nakikita natin ngayon (2 Cor 5:7).

Tama si FH. Dapat tayong malungkot na marami sa mga pinuno ng sanlibutan ay napakalayo sa katuwiran at katarungan sa paraan ng kanilang pamumuno. Ito ay dapat magtulak sa ating nasain ang mabilisang pagdating ni Jesus.

Ngunit hindi tayo dapat lumahok sa rebolusyon at naising ibagsak ang ating mga pamahalaan. Ang liberation theology ay salungat sa Salita ng Diyos. Dapat tayong sumunod sa namamahalang awtoridad (Roma 13:1) at manalangin para sa kanila na silipin ng Diyos na bigyan nila tayo ng kalayaang sumamba (1 Tim 2:1-4).

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

March 30, 2023

What is a Puritan? Also: Will You Have a Rich Entrance into Christ’s Kingdom?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Steve Elkins and Bob Wilkin are looking closely at 1 Peter 1:5-11. This passage talks about some things...
March 30, 2023

Can Democrats Be Saved?

I had to laugh when I read this question from Mike: Dear Bob, I believe the same thing about salvation—once saved, always saved. I am...
March 29, 2023

What is the Purpose of Church Discipline?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin, Steve Elkins and Ken Yates are answering a question about the purpose of Church discipline. Can...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • A Free Grace Primer: The Hungry Inherit, The Gospel Under Siege, and Grace in Eclipse $20.00 $12.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • The Road to Reward, 2nd Edition $9.95 $5.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • Absolutely Free, 2nd Edition $20.00 $12.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube