Noong Marso 17, 1942, nilisan ni Heneral Douglas MacArthur ang Pilipinas dahil ang mga isla ay malapit nang masakop ng pwersa ng mga kaaway. Ngunit siya ay nangako, “Ako ay babalik.”
Dalawa at may kalahating taon ang nakalipas, sa Oktubre 20, 1944 binigay ni Heneral MacArthur ang kaniyang sikat na “Ako ay Nagbalik” na talumpati sa mga isla ng Leyte sa Pilipinas. Ito ay isa sa pinakamemorableng pahayag noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa loob ng tatlumpu’t isang buwan ang mga mamamayan ng Pilipinas ay matiyagang naghihintay sa kaniyang madaling pagbabalik. Marami silang tiniis na paghihirap dahil alam nilang tutuparin ni MacArthur ang kaniyang pangako, babalik at papalayain sila.
Tinawag ni Bill Fiess ang utos ni Jesus na maghintay sa Kaniyang nalalapit na pagbabalik (Mat 24:42-44) na nalimutang utos. Tama siya.
Maraming Evangeliko ang hindi naniniwala sa Rapture at sa nalalapit na pagbabalik ni Jesus upang saklolohan tayo. Sa palagay nila hindi tayo dapat maghintay sa Kaniyang pagbabalik. Iniisip nilang ito ay kaduwagan. Dapat tayong maging abala sa pagsigurong ang kalooban ng Diyos ay matupad sa mundo habang lumilipas ang mga araw.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Datapuwa’t ito’y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya’y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay. Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mat 24:42-44).
Pansinin ang pag-uulit ng salitang paririto, parousia sa Griyego.
Pansinin ding makalawang beses Niyang tinawag tayo na magpuyat hanggang sa Kaniyang pagparito.
Ang tinutukoy ng Panginoon ay ang Rapture na maaaring mangyari sa anumang siglo sa anumang henerasyon at maaaring maganap anumang oras ngayon.
Hindi lamang inutos ng Panginoon na tayo ay magpuyat ngunit pinaliwanag kung bakit ito mahalaga sa ating sanktipikasyon. Agaran matapos Niya tayong tawaging magpuyat, nagbigay Siya ng tatlong talinghaga: ang talinghaga ng matuwid at hind matuwid na lingkod (Mat 24:45-51), ng sampung birhen (Mat 25:1-13) at ng mga talento (Mat 25:14-30). Ang tatlong talinghaga ay patungkol sa paghaharing kasama ni Cristo at ng iba pang walang hanggang gantimpala.
Ang pagpupuyat at pagbabantay sa Kaniyang nalalapit na pagparito ay mahalaga sa ating sanktipikasyon dahil ang akawntabilidad ay mahalaga sa banal na pamumuhay.
Sinabi rin ng mga apostol na ang pagbabantay sa nalalapit na pagbabalik ni Cristo ay mahalaga sa sanktipikasyon. Ginamit ni Pablo ang parehong salita, magpuyat, sa 1 Tes 5:6, 10 tungkol sa nalalapit na pagbabalik ni Cristo. Itinali niya ang pagpupuyat sa walang hanggang gantimpala sa 2 Tim 4:8: “Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.” Tanging ang mga nagpupuyat sa Kaniyang pagparito ang umiibig sa Kaniyang pagbabalik.
Ginamit ni Pedro ang parehong salita, magpuyat, sa pagbabalik ni Cristo sa 1 Ped 4:7: “Nguni’t ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga’y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin.” Ang ating mga panalangin ay marapat na mapagpuyat na panalangin.
Sa 2 Ped 3:10-12, binanggit ni Pedro ang Araw ng Panginoon, na ito ay darating bilang isang mandarambong sa gabi- ang parehong larawang ginamit ng Panginoon sa Mateo 24.
Ang temang sitas ng unang epistula ni Juan, 1 Juan 2:28, ay nagbibigay-diin sa pagpupuyat sa pagbabalik ni Cristo: “At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, kung siya’y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.”
Ang pagpupuyat at pagbabantay sa nalalapit na pagbabalik ni Cristo ay isang sus isa kabanalan.
Nakarating ako sa pananampalataya kay Cristo para sa hindi nababawing kaligtasan noong Jesus Revolution. Ang pananampalataya sa Rapture at sa Ikalawang pagbabalik ni Cristo ay mahalagang bahagi ng Jesus Revolution. Isang madalas na kawikaan ay, “Lahat ay masusunog.” Alam naming ang kayamanan dito sa lupa ay nawawala.
Ang kantang Come Jesus Come ni Stephen McWhirter ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpupuyat sa Kaniyang nalalapit na pagparito:
Come Jesus come
We’ve been waiting so long
For the day You return to heal every hurt
And right every wrong
We need you right now
Come and turn this around
Deep down I know this world isn’t home
Come Jesus come
Come Jesus come
Maririnig ninyo ang napakagandang bersiyon ni CeCe Winan ng kantang ito dito insert html here.
Sinabi ni Jesus kung saan dapat ang ating pokus hanggang sa Siya ay muling bumalik: “Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.”
Manatiling nakapokus sa biyaya.