Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Bakit Ang Mga Sitas Tungkol Sa Mga Gantimpalang Walang Hanggan Madalas Namimintisan

Bakit Ang Mga Sitas Tungkol Sa Mga Gantimpalang Walang Hanggan Madalas Namimintisan

January 5, 2022 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Isang napakahusay na email ang natanggap ko mula kay B ng California:

Napakinteresante sa akin na maraming mga iglesia at mga denominasyon ang hindi makita ang maraming banggit sa gantimpala sa Biblia. Dahit dito, madalas apektado ang kanilang pagpaliwanag ng pasahe ng sitas ng Kasulatan.

Ang aking inisyal na kaisipan ay ganito:

  • Nauunawaan ng manunulat ng Bagong Tipan ang pagkakaiba ng isyu ng kaligtasan at isyu ng pakikisama
  • Sa sumunod na siglo ang mensahe ng gantimpala ay natabunan ng iba’t ibang heresiya
  • Ang Iglesia Katoliko ay tinuon ang simbahan sa mga isyung political
  • Ang Repormasyon ay binalik ang tuon sa mga isyu ng kaligtasan at mga isyung Lordship (Pagiging Panginoon)

Ginamit ng Diyos ang mensahe ng Free Grace sa mga nakaraang mga taon upang maliwanagan ang mga isyung kaligtasan at mga isyung gantimpala.

Tunay na nasisiyahan akong basahin ang iyong mga blogs. Tinutulungan nila ako na pagkumparahin ang mga doktrinang madalas nating marinig sa ngayon laban sa mas malinaw na mensahe ng ebanghelyo at pagiging alagad.

Mahusay na inihayag ng nagtatanong ang paksa. Tunay na ako’y sumasang-ayon na ang mga manunulat na sumunod sa mga Apostol (tinatawag na mga Apostolic Fathers) ay naiwala ang pagkakaiba ng kaligtasan na libre at mga gantimpala na pinaghihirapan. Para sa kanila ang kaligtasan ay natamo- at napapanatili- ng mga gawa. Tingnan ang libro ni Thomas F. Torrance, The Doctrine of Grace in the Apostolic Fathers.

Bagama’t si Calvin at si Luther ay nanghahawak sa pagkakaiba ng kaligtasan at mga gantimpala, karamihan sa kanilang mga tagasunod ay agarang iniwan ang ideya ng walang hanggang gantimpala. Sa pagkawalang iyan ay nawala rin ang kalinawan ng ano ang dapat gawin ng isang upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ngunit may kontrobersiya sa hanay ng mga Reformed sa Scotland nuong ika-18 siglo na tinatawag na the Marrow Controversy. Hango ito sa naunang librong tinatawag na The Marrow of Modern Divinity. Ang aklat na iyan ay nagtataguyod ng Free Grace na pagkaunawa ng pagkakaiba ng walang hanggang kaligtasan at walang hanggang gantimpala.

Marami bago ang ika-20 na siglo ang nagbanggit ng mahalangang pagkakaiba na ito, kabilang na sila Robert Sandelman, John Glass, John Nelson Darby, C. H. MacIntosh at maraming manunulat na Plymouth Brethren.

Sa tingin ko napakabait mo nang iyong banggitin na ang kabiguang kilalanin ang pagkakaibang ito ay “madalas apektado ang kanilang pagpaliwanag ng pasahe ng sitas ng Kasulatan.”

Mamintisan mo ang pagkakaibang ito at ang iyong pagkaunawa ng Kasulatan ay tuluyang sablay. Hindi lang ilang pasahe dito o duon. Buong libro ang hindi nauunawaan. Silipin ito para sa isang artikulo na tumatalakay sa kahalagahan ng pagkakaibang ito.

Tingnan natin ang Santiago halimbawa. Mayroon siyang matinding diin sa Hukuman ni Kristo at walang hanggang gantimpala (e. g. San 2:13; 3:1; 5:9). Ngunit marami ngayon ang nag-aakala na tinatakot ni Santiago ang mga huwad na kapatid ng walang hanggang paghatol. Iniisip nila na sinasabi ni Santiago na gumawa nang mas maiigi dahil kung hindi ikaw ay mapupunta sa dagat-dagatang apoy.

Isa pang halimbawa ang 1 Juan. Si Juan ay nag-aalala sa mga mananampalataya na magkaroon ng pagtitiwala at hindi ng kahihiyan sa harapan ng Panginoong Kristo sa Kaniyang pagdating (1 Juan 2:28). Ito ang tema ng buong sulat. Tingnan din ang 1 Juan 4:17-19 kung saan binabanggit ni Juan ang “araw ng paghuhukom” ng mananampalataya. Ang nakalulungkot, marami ang mintis dito at iniisip na si Juan ay nagbibigay ng mga pagsubok na tutulong sa isang tao na tingnan ang kaniyang mga gawa at magdesisyon kung siya ba ay isa sa maaaring makapasok sa kaharian ni Kristo.

Ang Hebreo ay isang panawagan sa mga Judiong pinanganak na muli na maging mga kapartner (metochoi) sa buhay na darating (Heb 1:9, 14; 3:14). Ngunit karamihan ay iniisip na ang may-akda ay nagbababala sa mga hindi sangkap na Kristiyano na ang kanilang mga gawa ay maaaring hindi sapat upang makapasok sa kaharian.

Halos walang libro sa Biblia na mauunawaan kung ang pagkakaibang ito ay hindi maunawaan.

Naalala ko nang ako ay nasa DTS, naraanan ko ang isang libro ni Sale-Harrison na sinulat nang 1938 na ang pamagat ay The Judgment Seat of Christ: A Truth That Every Christian Should Know. Nagsisimula ko pa lang maunawaan ang mga katotohanan ng mga gantimpala at nasumpungan ko na ang aklat na ito ay tunay na tama.

Ang aking Kristiyanong pamumuhay ay naging mas ganap at kapanapanabik nang aking maunawaan ang mga walang hanggang gantimpala. Alam kong ganuon rin kayo.

Tingnan ang artikulong ito ni Zane Hodges kung saan kaniyang binigyang-diin ang ang kahalagahan ng pananampalataya sa walang hanggang gantimpala.

Maaaring malaman na ang walang hanggang buhay ay isang libreng regalo at pananampalataya kay Kristo ang nag-iisang kundisyon ng buhay na walang hanggan ngunit hindi malinaw sa walang hanggang gantimpala. Ganiyan ako nang unang anim na taon ng aking Kristiyanong pamumuhay. Naunawaan ko lamang ang walang hanggang gantimpala nang ako’y tumuntong sa ikalawang taon sa seminary. Bago yun wala akong magandang paliwanag sa maraming mga sitas. Nang maunawaan ko ang kanilang pagkakaiba, ang Biblia ay naging buhay para sa akin. Maraming mga pasahe na minsang malabo sa akin ay biglang naging malinaw.

Sa liwanag ng 1 Cor 9:27 at 2 Cor 5:11, tila hindi sapat na tayo ay maging mga ebanghelista lamang ng libreng regalo ng buhay na walang hanggan. Tayo rin ay dapat magbahagi nang may kasiyahan ng mensahe na ang lahat ng mananampalataya ay tatayo sa Hukuman ni Kristo at tatanggap ng kagantihan sa mga bagay na ginawa sa katawan, mabuti man o masama. Tayo ay dapat na makiusap sa mga hindi mananampalataya na sumampalataya kay Kristo para sa buhay na walang hanggan at sa mga mananamplataya na buong pusong mamuhay para kay Kristo para sa walang hanggang gantimpala.

Panatilihing malinaw ang pagkakaibang ito. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng tinatawag ni Pablo na “kaisipan ni Kristo” (1 Cor 2:16).

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

January 27, 2023

Who Are the Elect in 1 Peter 1:1-2 and in Romans 8:28-30? Are We to Understand the “Elect” in 1 Peter the Same as the “Predestined” in Romans 8?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and Ken Yates take up a question about election and predestination. What does the Bible say...
January 27, 2023

A Novel Argument Against Inerrancy 

Kathryn Wright shared with me an interesting argument against inerrancy: I heard something today and thought it might make a good blog topic for you....
January 26, 2023

Will There Be Poor People in Heaven?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates and Bob Wilkin answer an interesting question about our status in Heaven or the quality of...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • The Journey of Faith $15.00 $9.00
  • Grace in Eclipse: A Study in Eternal Rewards (Second Edition) $15.00 $8.00
  • Confident in Christ, 2nd Edition $22.00 $5.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube