Isang napakahusay na email ang natanggap ko mula kay B ng California:
Napakinteresante sa akin na maraming mga iglesia at mga denominasyon ang hindi makita ang maraming banggit sa gantimpala sa Biblia. Dahit dito, madalas apektado ang kanilang pagpaliwanag ng pasahe ng sitas ng Kasulatan.
Ang aking inisyal na kaisipan ay ganito:
- Nauunawaan ng manunulat ng Bagong Tipan ang pagkakaiba ng isyu ng kaligtasan at isyu ng pakikisama
- Sa sumunod na siglo ang mensahe ng gantimpala ay natabunan ng iba’t ibang heresiya
- Ang Iglesia Katoliko ay tinuon ang simbahan sa mga isyung political
- Ang Repormasyon ay binalik ang tuon sa mga isyu ng kaligtasan at mga isyung Lordship (Pagiging Panginoon)
Ginamit ng Diyos ang mensahe ng Free Grace sa mga nakaraang mga taon upang maliwanagan ang mga isyung kaligtasan at mga isyung gantimpala.
Tunay na nasisiyahan akong basahin ang iyong mga blogs. Tinutulungan nila ako na pagkumparahin ang mga doktrinang madalas nating marinig sa ngayon laban sa mas malinaw na mensahe ng ebanghelyo at pagiging alagad.
Mahusay na inihayag ng nagtatanong ang paksa. Tunay na ako’y sumasang-ayon na ang mga manunulat na sumunod sa mga Apostol (tinatawag na mga Apostolic Fathers) ay naiwala ang pagkakaiba ng kaligtasan na libre at mga gantimpala na pinaghihirapan. Para sa kanila ang kaligtasan ay natamo- at napapanatili- ng mga gawa. Tingnan ang libro ni Thomas F. Torrance, The Doctrine of Grace in the Apostolic Fathers.
Bagama’t si Calvin at si Luther ay nanghahawak sa pagkakaiba ng kaligtasan at mga gantimpala, karamihan sa kanilang mga tagasunod ay agarang iniwan ang ideya ng walang hanggang gantimpala. Sa pagkawalang iyan ay nawala rin ang kalinawan ng ano ang dapat gawin ng isang upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ngunit may kontrobersiya sa hanay ng mga Reformed sa Scotland nuong ika-18 siglo na tinatawag na the Marrow Controversy. Hango ito sa naunang librong tinatawag na The Marrow of Modern Divinity. Ang aklat na iyan ay nagtataguyod ng Free Grace na pagkaunawa ng pagkakaiba ng walang hanggang kaligtasan at walang hanggang gantimpala.
Marami bago ang ika-20 na siglo ang nagbanggit ng mahalangang pagkakaiba na ito, kabilang na sila Robert Sandelman, John Glass, John Nelson Darby, C. H. MacIntosh at maraming manunulat na Plymouth Brethren.
Sa tingin ko napakabait mo nang iyong banggitin na ang kabiguang kilalanin ang pagkakaibang ito ay “madalas apektado ang kanilang pagpaliwanag ng pasahe ng sitas ng Kasulatan.”
Mamintisan mo ang pagkakaibang ito at ang iyong pagkaunawa ng Kasulatan ay tuluyang sablay. Hindi lang ilang pasahe dito o duon. Buong libro ang hindi nauunawaan. Silipin ito para sa isang artikulo na tumatalakay sa kahalagahan ng pagkakaibang ito.
Tingnan natin ang Santiago halimbawa. Mayroon siyang matinding diin sa Hukuman ni Kristo at walang hanggang gantimpala (e. g. San 2:13; 3:1; 5:9). Ngunit marami ngayon ang nag-aakala na tinatakot ni Santiago ang mga huwad na kapatid ng walang hanggang paghatol. Iniisip nila na sinasabi ni Santiago na gumawa nang mas maiigi dahil kung hindi ikaw ay mapupunta sa dagat-dagatang apoy.
Isa pang halimbawa ang 1 Juan. Si Juan ay nag-aalala sa mga mananampalataya na magkaroon ng pagtitiwala at hindi ng kahihiyan sa harapan ng Panginoong Kristo sa Kaniyang pagdating (1 Juan 2:28). Ito ang tema ng buong sulat. Tingnan din ang 1 Juan 4:17-19 kung saan binabanggit ni Juan ang “araw ng paghuhukom” ng mananampalataya. Ang nakalulungkot, marami ang mintis dito at iniisip na si Juan ay nagbibigay ng mga pagsubok na tutulong sa isang tao na tingnan ang kaniyang mga gawa at magdesisyon kung siya ba ay isa sa maaaring makapasok sa kaharian ni Kristo.
Ang Hebreo ay isang panawagan sa mga Judiong pinanganak na muli na maging mga kapartner (metochoi) sa buhay na darating (Heb 1:9, 14; 3:14). Ngunit karamihan ay iniisip na ang may-akda ay nagbababala sa mga hindi sangkap na Kristiyano na ang kanilang mga gawa ay maaaring hindi sapat upang makapasok sa kaharian.
Halos walang libro sa Biblia na mauunawaan kung ang pagkakaibang ito ay hindi maunawaan.
Naalala ko nang ako ay nasa DTS, naraanan ko ang isang libro ni Sale-Harrison na sinulat nang 1938 na ang pamagat ay The Judgment Seat of Christ: A Truth That Every Christian Should Know. Nagsisimula ko pa lang maunawaan ang mga katotohanan ng mga gantimpala at nasumpungan ko na ang aklat na ito ay tunay na tama.
Ang aking Kristiyanong pamumuhay ay naging mas ganap at kapanapanabik nang aking maunawaan ang mga walang hanggang gantimpala. Alam kong ganuon rin kayo.
Tingnan ang artikulong ito ni Zane Hodges kung saan kaniyang binigyang-diin ang ang kahalagahan ng pananampalataya sa walang hanggang gantimpala.
Maaaring malaman na ang walang hanggang buhay ay isang libreng regalo at pananampalataya kay Kristo ang nag-iisang kundisyon ng buhay na walang hanggan ngunit hindi malinaw sa walang hanggang gantimpala. Ganiyan ako nang unang anim na taon ng aking Kristiyanong pamumuhay. Naunawaan ko lamang ang walang hanggang gantimpala nang ako’y tumuntong sa ikalawang taon sa seminary. Bago yun wala akong magandang paliwanag sa maraming mga sitas. Nang maunawaan ko ang kanilang pagkakaiba, ang Biblia ay naging buhay para sa akin. Maraming mga pasahe na minsang malabo sa akin ay biglang naging malinaw.
Sa liwanag ng 1 Cor 9:27 at 2 Cor 5:11, tila hindi sapat na tayo ay maging mga ebanghelista lamang ng libreng regalo ng buhay na walang hanggan. Tayo rin ay dapat magbahagi nang may kasiyahan ng mensahe na ang lahat ng mananampalataya ay tatayo sa Hukuman ni Kristo at tatanggap ng kagantihan sa mga bagay na ginawa sa katawan, mabuti man o masama. Tayo ay dapat na makiusap sa mga hindi mananampalataya na sumampalataya kay Kristo para sa buhay na walang hanggan at sa mga mananamplataya na buong pusong mamuhay para kay Kristo para sa walang hanggang gantimpala.
Panatilihing malinaw ang pagkakaibang ito. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng tinatawag ni Pablo na “kaisipan ni Kristo” (1 Cor 2:16).