Ang ikalawang sulat ni Pedro ay patungkol sa salita ng hula at pagiging tapat dito. Sa sulat na ito, pinaalalahanan niya ang kaniyang mambabasa na si Jesus ay muling babalik at gagantimpalaan ang lahat ng nagtitiis sa pananampalataya at mabubuting gawa.
Sinabi ni JND Kelly na “ang masumpungna ng Panginoon kapag Siya ay bumalik… ay malinaw na tumutukoy sa paghuhukom” (p.370). Pinakahuhulugan niya ang Paghuhukom ng Dakilang Puting Luklukang. Iniisip ni Kelly na lahat ay hahatulan dito. Ngunit ang binabanggit ni Pedro ay ang paghuhukom ng mga mananampalataya, na magaganap sa Hukuman ni Cristo (2 Cor 5:9-11), 1000 taon bago ang Paghuhukom ng Dakilang Puting Luklukan.
Naalala ninyo nang masumpungan ng Panginoon si Adan at si Eva sa Hardin ng Eden pagkatapos nilang magkasala? Naglalakad Siya sa Hardin, sa kulimlim ng araw, at natagpuan Niya sila Adan at Evang nagtatago mula sa Kaniya sa kahihiyan (Gen 3:8)!
Kapag bumalik si Jesus, masusumpungan Niya tayong walang batik at walang kapintasan (lit walang dungis), o may batik at may dungis. Ikumpara ang kumpiyansa at kahihiyan sa 1 Juan 2:28.
Sa kaniyang komentaryo sa 2 Pedro sa 1-2 Peter and Jude, ipinaliwanag ni Zane Hodges ang mga salita ni Pedro sa ganitong paraan,
Ang mga salitang walang batik at walang kapintasan ay hindi nangangahulugang walang kasalanan kundi sa halip ay mga buhay na isinabuhay na malaya sa pangkalahatang deprabidad at pagkasirang nasa paligid nila, lalong lalo na ang uring hinihikayat ng kalayawan ng mga huwad na guro (p. 170).
Sinabi ni Pedrong ang mga mambabasa ay dapat “ariin ang pagpapahinuhod ng Panginoon ay pagliligtas“.
Paano naging “pagliligtas” ang pagpapahinuhod ng Panginooon? Hindi tinutukoy ni Pedro ang kaligtasan mula sa impiyerno dito bagman maraming komentaristang iniisip na oo.
Sa kaniyang komentaryo, iniisip ni Zane Hodges na ang pagliligtas (soteria) dito ay tumutukoy sa Rapture. Kapag dumating ang Panginoon, tayo ay maliligtas mula sa poot ng Tribulasyon kapag tayo ay Kaniyang dinala sa alapaap upang salubungin Siya.
Maliligtas tayo mula sa masamang panahong ito at sa mga huwad nitong guro. Kung patuloy tayong nakatingin sa Panginoong Jesus, tayo ay masusumpungang walang batik at walang kapintasan.
Ipinaalala sa atin ni Pedro na si Pablo ay may sinulat tungkol sa pangangailangang laging nakatuon kay Cristo at mamuhay nang matuwid sa liwanag ng Kaniyang nalalapit na pagbabalik. Iminungkahi ni Hodges na nasa isip ni Pedro ang 1 Tesalonica.
Sinabi ni Pedro na may mga sinulat si Pablo na mahirap maunawaan. Hindi ba at lahat tayo ay magsasabing “Amen” dito?
Sinabi niya ring ang mga hindi nakakaalam at walang tiyaga ay sinisinsay sa “kanilang ikapapahamak, gaya ng ibang bahagi ng Kasulatan.” Tinawag ni Pedro ang mga sulat ni Pablo na Kasulatan!
“Magsipagingat kayo, baka… mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan” (2 Pedro 3:17). Sa kasalukuyan nagtitiyaga ang mga mambabasa.
Pansinin ang pagkakaiba ng katiyagaan ng mga mambabasa at ang kawalang katiyagaan ng mga huwad na guro (1 Pedro 3:16).
Dahil may mga taong sinisinsay ang Kasulatan (v16), mga masasamng taong nagtuturo ng kamalian (v17), dapat tayong magsiingat na tayo ay mahulog!
Lahat tayo ay may naaalalang mga taong dating regular sa ating mga simbahan at lumakad na kasama ng Panginoon ngunit ngayon ay tumigil nang lumakap na kasama ng Panginoon.
Maaari itong mangyari kahit kanino sa atin. Hindi tayo ligtas sa kapahamakan ng pagkahulog. Kailangan natin ang regular na pakikisama sa Salita ng Diyos upang manatiling matiyaga.
Ang paraan upang huwag tayong mahulog, upang manatili tayong matiyaga, ay ang pagpapatuloy sa paglago sa biyaya at kaalaman ng Diyos (2 Pedro 3:18).
Ikumpara ang Judas 24. Maiingatan tayo ng Diyos na huwag mahulog.
Kung ikaw ay lumalago, hindi ka mahuhulog malibang tumigil kang lumago. Hanggang nagpapatuloy ka sa pakikinig at paglalapat ng Salita ng Diyos ayon sa pagkaturo, ikaw ay lalo pang lalago.
Mayroong napakahusay na obserbasyon si Zane Hodges tungkol sa pangangailan ng pagmintini ng tamang pagkaunawa ng biyaya ng Diyos sa ating pag-aaring matuwid at sa ating sanktipikasyon:
Sa modernong evangelikong simbahan, kung saan ang ipinanganak nang muli ay nabitag ng mga doktrinang naghahalo ng biyaya at mga gawa, ang paglago sa kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo ay tumigil na. Hindi ito nakapagtataka dahil ang ating pundamental na relasyon sa Diyos ay nakabase sa Kaniyang nagliligtas na biyaya sa atin kay Jesucristo. Kapag nalito ang tao tungkol dito, ang kaniyang kalituhan ay naglalagay ng takip sa Kasulatan. Ang paglago ay tumitigil. (1-2 Peter & Jude, p. 173, ang hilis ay sa kaniya).
Pansining tayo ay lumalago sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Ang Crisitanong pamumuhay ay nakasentro kay Cristo. Lumalago lamang tayo sa pamamagitan ng paglalim ng pagkakilala sa Kaniya.
Siya ang karapatdapat sa kaluwalhatian “ngayon at magpakailan man.” Siya ay maluwalhati. At dapat nating luwalhatiin Siya ng ating mga buhay.
Pinunto ni Michael Green, “Marapat lamang na ang kaluwalhatian ni Cristo ang magtapos ng epistulang maraming binanggit… tungkol sa umakyat na Panginoon” (p. 152).
Hindi tayo namunuhay sa sanlibutang nagtataguyod ng tamang pananaw tungkol sa Panginoong Jescristo at Kaniyang mga aral. Kahit ang mga gurong tinatawag ang kanilang mga sariling Cristiano ay madalas sinisinsay at minamali ang malinaw na turo ng Salita ng Diyos.
Dapat tayong magbantay, at baka mahulog tayo mula sa Panginoon. Kailangan nating manatiling lumalago.
Sa kahulihan, kapag hindi tayo sumulong sa ating Cristianong pamumuhay, tayo ay umaatras. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag natin ang mga Cristianong nahulog na tumalikod.
Ipinangako ng Panginoong Jesus na Siya ay muling babalik. Tinutupad Niya ang lahat Niyang pangako.
Mamuhay sa bawat araw na tila baga babalik ang Panginoon ngayon. Mamuhay sa liwanag ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoon at sa inyong kahatulan sa Bema.
Gusto nating masumpungan Niyang walang batik at walang kapintasan. Hindi ba’t gusto nating marinig na lahat ang ating Panginoon at Tagapagligtas na magsabi, “Mahusay, tapat na lingko”?