Sa taunang kumperensiya ng GES nang nakaraang Mayo 22-25, nakarinig ako ng napakahusay na mensahe mula kay Bob Bryant. Sa isang sandali, tinukoy niya ang isang artikulo sa July 2009 edisyon ng Grace in Focus na aking sinulat, “Four Free Grace Views Related to Two Issues.” Tingnan dito. Hindi ko ito nakilala dahil ipinaliwanag niya ito nang mas maigi kaysa sa akin. Sinabi niya sa akin matapos na kaniyang pinasimple ang aking sinulat.
Ang blog na ito ay isang pag-uulit.
Ayon sa karamihan sa mga tagataguyod ng Free Grace, mayroong isa o dalawang isyung nagliligtas. Ang isang grupo ay nagsasabing kailangan mong sampalatayahan ang unang katotohanan upang maligtas. Ang isa namang grupo ay nagsasabing kailangan mong paniwalaan ang ikalawang katotohanan. Ang ikatlong grupo ay nagsasabing ang parehong katotohanan ay dapat sampalatayahan. Ang ikaapat na grupo ay nagsasabing hindi kailangang paniwalaan ang alin man sa mga katotohanang ito.
Unang grupo. Si Jesus ang Tagapagbigay, tagagarantiya ng Regalo ng Diyos, ang buhay na walang hanggan, sa lahat ng sumampalataya sa Kaniya para sa regalong ito (Juan 3:16; 4:10-14; Ef 2:9).
Ikalawang grupo. Ang lahat ng sumampalataya sa pagka-Diyos ni Jesus, sa Kaniyang kamatayan para sa ating mga kasalanan at pagbangong muli ay ligtas, naniniwala man sila o hindi na sila ay may seguridad (1 Cor 15:1-11).
Ikatlong grupo. Upang maligtas, kailangan mong sumampalataya sa Kaniyang pagka-Diyos, sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, AT sa pangako ng buhay na walang hanggan na hindi maiwawala.
Ikaapat na grupo: Hindi mo kailangang manampalataya sa pagka-Diyos, kamatayan, at pagkabuhay na mag-uli o sa pangako ng buhay na walang hanggan. Sa halip, kailangan mong sumampalatayang sinugo ng Diyos si Jesus (Juan 5:24).
Narito kung paano ang apat na magkakaibang nagliligtas na mensaheng ito ay makakaapekto sa iyong pagnanais na ibahagi ang iyong pananampalataya sa mga nagpapakilalang Cristianong nanininiwala sa kaligtasan sa pananampalataya na may kalakip na pagtitiis sa mabubuting gawa.
Angn unang grupo ay nagmamalasakit sa walang hanggang kapalaran ng halos lahat ng nasa loob at labas ng Cristianismo. Ang tanging taong hindi nila iniisip ay ang mga nanampalataya kay Jesus para sa regalo ng buhay na walang hanggan na hindi maiwawala.
Ang ikalawang grupo ay nagmamalasakit sa walang hanggang kapalaran ng mga hindi Cristiano. Dahil sa halos lahat ng mga nagpapakilalang Cristiano ay naniniwala sa pagka_diyos ni Jesus, sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, ang grupong ito ay walang pakialam sa karamihan ng mga Protestante, Katoliko at Ortodox.
Ang ikatlong grupo ay walang katiyakan sa parehong grupo ng unang grupo- halos lahat ng tao.
Ang ikaapat na grupo ay hindi nagmamalasakit sa kaligtasan ng karamihan ng mga Cristiano. Kung tatanggapin natin ang kanilang sariling salita, hindi rin sila nagmamalasakit sa karamihan ng mga Muslim, Hindi, at Budista dahil ang mga relihiyong ito ay nagtuturo na si Jesus ay sinugo ng Diyos.i
Ano ang iyong pinaniniwalaang dapat sampalatayahan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan? Ito ay isang mahalagang tanong para sa iyong katiyakan ng walang hanggang kapalaran. Ngunit ito rin ay may epekto sa kung paano (at kung gagawin mo) ieebanghelyo ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay.
_________________
iTinatawag Siya ng mga Hindu na isang acharya, isang taong ang buhay ay nagliliwanag bilang halimbawa ng tunay na espirituwalidad. Tinatawag ng mga Muslim si Jesus bilang Isa at binibilang Siya bilang isang propetang Muslim. Ang mga Budista ay tinuturing si Jesus na isang banal at marunong na tao.