Isang nagngangalang I. R. ang nagtanong, “Ano ang pinakamahuhusay na mga denominasyon para sa mga Kristiyanong Free Grace kung hindi sila makasumpong ng iglesia sa GES tracker?”
Isa kong kaibigan ang dumalo sa isang kumperensiya kung saan ang tagapagsalita ay naglista ng mga denominasyong sinasabi niyang nanghahawak sa Free Grace Theology. Nilista niya ang mga sumusunod na denominasyon (direktang hinango sa kaniyang PowerPoint slide):
- Independent churches
- Free Brethren
- Baptist
- Southern Baptist
- Presbyterian
- Lutheran
- Pentecostal
- Charismatic
- At marami pang iba
Hindi ako masyadong optimistiko gaya ng tagapagsalita. O marahil magkaiba lamang kami ng pagkaunawa kung ano ang Free Grace Theology.
Bagama’t tiyak na makasusumpong ka ng mga nanghahawak sa Free Grace sa mga denominasyong ito, sa tingin ko mahahirapan ang isa na makahanap ng iilang iglesiang nanghahawak sa Free Grace sa mga grupong ito.
Sa tingin ko walang denominasyon kung saan ang lahat ng mga iglesia rito- o kahit karamihan sa mga iglesia rito- ay nanghahawak sa Free Grace Theology.
Hindi ako gumawa ng mga surbey. Ang aking sagot ay nakabase sa aking paglahok sa iba’t ibang mga iglesia, pagkikipag-usap sa mga pastor, pagbabasa ng mga materyales, at pakikinig sa karanasan ng ibang nanghahawak sa Free Grace.
Sa tingin ko ang mga sumusunod na denominasyon o grupo ay mas malamang kumpara sa ibang denominasyon o grupo na may mga iglesiang nanghahawak sa Free Grace Theology:
Doctrinal Churches (mga iglesiang impluwensiyado ni R. B. Thieme)
Plymouth Brethren Churches
Independent Bible Churches
Mga Iglesiang kakabit ng Florida Bible College
Mga iglesiang hawig sa mga Brethren (mga iglesiang impluwensiyado ni Watchman Nee)
Kabilang sa mga denominasyon o grupo na may ilang pastor na Free Grace ang Evangelical Free, Southern Baptist, Independent Baptist, Calvary Chapel, mga iglesiang kakabit ng AWANA, at mga iglesia sa bahay-bahay. (Ang GARBC at IFCA ay may mga iglesiang mayroong ilang Free Grace na mga pastor).
Ang GES ay hindi denominasyon o iglesia, at wala kaming mga iglesia. Subalit ang mga iglesia sa aming church tracker list ay nagpahayag ng pagsang-ayon sa amin. Ang mga ito ay magandang simulan kung ikaw ay naghahanap ng iglesiang Free Grace malapit sa iyo.
Sa aking opinyon, may apat na uri ng iglesia: 1) mga iglesiang Free Grace, 2) mga iglesiang kaibigan ng Free Grace, 3) mga iglesiang galit sa Free Grace, at 4) mga liberal na iglesia.
May naririnig kami sa mga taong hindi makasumpong nga iglesiang Free Grace malapit sa kanila at hindi makalipat sa panahong ito. Sa ibang kaso, sila ay dumadalo sa iglesiang kaibigan ng Free Grace (Free Grace- Friendly, FGF). Ito ay konserbatibong iglesia na matapat na nangangaral ng Biblia at nagpapahayag ng generikong mensahe ng kaligtasan. Ito ang tipo ng iglesia kung saan ang pastor ay tatanggapin ka sa iglesia kahit alam niyang ikaw ay Free Grace. Maaaring imbitahan ka niyang magturo ng Sunday School class.
Ang pastor sa isang iglesiang FGF ay nagbibigay ng iba’t ibang mensaheng ebanghelistiko gaya ng: “Kung tinanggap mo si Cristo bilang Tagapagligtas, ikaw ay ligtas minsan at magpakailan man” o “Kung ibibigay mo ang iyong buhay kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, ikaw ay may walang hanggang katiyakan,” o “Manamapalataya ka sa Panginoong Jesucristo at ikaw ay maliligtas,” o “Ang sinumang manampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan at hindi mapapahamak.” Bagama’t isa sa mga mensaheng ito ay bahagyang Lordship Salvation, ito ay malayong malayo sa mga iglesia na hayagang nagtuturo ng Lordship Salvation. Ang mga pastor na ito ay maaaring magbigay ng mensaheng kaligtasang Free Grace sa ilang Linggo.
Sa tingin ko ang isang magandang opsyon para sa iyo ay ang magsimula ng isang maliit na iglesia sa iyong sariling tahanan, kahit sa pamilya mo lamang. Ngunit marami ang ayaw gawin ito. Sa kasong ito, hangga’t ang iglesia ay hindi nagpapahayag ng malinaw at konsistent na Lordship Salvation, naiintindihan ko kung bakit may mga pumipiling dumalo sa mga ito kung ang turo rito ay solido kadalasan at may ilang pamilyang Free Grace na dumadalo rito.