Mga Salita ni Pablo sa Tagapamahala ng Bilangguan sa Filipos
Nang isang araw nasumpungan ko ang isang artilkulo sa The Trinity Review– isang publikasyon na 5-Point Calvinist at nagtuturo ng halos kapareho ng Free Grace na mensahe sa kahulugan ng nakapagliligtas na pananampalataya- na ang titulo ay “What Is It to Believe on the Lord Jesus Christ?”. Isang napakahusay na artikulo. Maya pag-usapan natin.
Ang mga salitang “Manampalataya ka sa Panginoong Jesu-Kristo” ay matatagpuan sa sikat na sagot ni Pablo sa tagapamahala ng bilangguan sa Filipos sa katanungan nitong, “Ano ang kinakailagan kong gawin upang maligtas?” ang sagot ni Pablo ay simple: “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka.”
May iba na nagbabasa sa kasagutan na ito ni Pablo sa tagapamahala ng bilangguan na kailangan niyang ibigay ang kaniyang buhay sa Pagkapanginoon ni Kristo. Ngunit hindi ito ang sinabi ni Pablo. Nananawagan siya ng pananampalataya sa Panginoong Jesu-Kristo. Hindi niya sinabi, “Ibigay mo ang iyong buhay sa Panginoong Jesu-Kristo” o “sumunod ka sa Panginoong Jesu-Kristo.”
Ang persona na dapat nating sampalatayahan ay ang Panginoong Jesu-Kristo. At kailangan nating siyang sampalatayahan para sa kung ano mang hiningi ng tagapamahala ng bilangguan (ie buhay na walang hanggan).
Mga Salita ni Jesus sa Mga Judio
Tinanggap ni Pablo ang kaniyang ebanghelyo mula sa Panginoong Jesu-Kristo (Gal 1:10-12). Ang Panginoon ang nagturo kay Pablo na ang lahat ng manampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan. Iyan ang sinabi ng Panginoong Jesus kay Nicodemo ((Juan 3:14-18), sa babae sa balon (Juan 4:10-26), kay Martha (Juan 11:25-27), at paulit ulit sa madla sa Israel (Juan 5:24, 39-40; 6:35-47). Ang sinumang manampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan.
Ang Posisyon ni Luke Miner sa Kaniyang Artikulo sa The Trinitiy Review
Sa ilang aspeto, ang artikulo ni Luke Miner ay walang kasinhalaga. Sinulat niya na ang iba ay nagtuturo na kailangan pa raw na malaman ang nagkailang doktrina upang ipanganak na muli. Sinulat niya,
Kapansin pansin kapag sinilip ang mga listahan ng pananampalataya sa Kasulatan (hal 1 Cor 15:3-8 at Roma 10:9) ang mga listahang ito ay hindi nagtataglay ng mga tinuturing ng iba na pangunahing saligan na madalas tawaging “Ang Ebanghelyo”, at ang mga listahang ito ay may iba’t ibang proposisyon na tinataglay. Kumplikado ang bagay na ito (p1).
Nagtanong siya,
“Dapat ba nating isipin na nang ginamit ni Jesus ang mga salitang “ang sinumang sumampalataya sa Akin ay may buhay na walang hanggan,” ang ibig Niyang sabihin ay “ang sinumang sumampalataya sa 10 puntong lista na ito ng mga pangungusap ay may buhay na walang hanggan?” Kung ganuon, saan matatagpuan ang listahan na ito sa Kasulatan? Ibabaon ba ng DIyos ang napakaimportanteng sagot sa napakaimportanteng tanong nang malalim sa Kasulatan anupa’t iilan lang ang makatatagpo nito? Hindi siguro. (p. 1)
Napakahalaga ng pagtalakay na ito sa aking opinyon. Subalit, pagkatapos niyang talakayin kung paano pinaliwang ng kasaysayan ng simbahan ang kahulugan ng pananampalataya, at ito ay malaking tulong, bahagyang naligaw ng landas si Miner nang kaniyang talakayin ang layon (object) ng nakapagliligtas na pananampalataya.
Tama si Miner na ang pananampalataya kay Jesus ay “pananampalataya na ang Kaniyang sinabi ay totoo at tutuparin NIya ang Kaniyang mga pinangako.” Ngunit nang tinanong niya, “Alin sa mga ito?” hindi alam ni Miner.
Ang aktuwal niyang pagkasabi,
[May mga tututol sa suhestiyon ni Miner na hindi lahat nakakaunawa o nanininiwala sa Trinidad sa punto ng kapanganakang mag-uli. Sinulat niya iyan pagkatapos ng sipi sa itaas. Iniimbitahan ko ang lahat na basahin ang kaniyang artikulo upang matimbang ang kaniyang pagtalakay sa mga punto na kaniyang pinakita. Matatagpuan ang artikulo niya dito.Kailangan nating ipahayag ang salita ng Diyos nang husto, mas marami mas maigi, sapagkat hindi natin alam kung alin sa mga detalye ang gagamitin ng Espiritu upang itulak ang tao na manampalataya sa punto ng kaligtasan…Ang Kasulatan ay hindi nagbigay kung alin sa mga salita ng Diyos ang dapat sampalatayahan bago maganap ang justipikasyon” (p.9).
Patas lamang banggitin na tinapos niya ang kaniyang artikulo ng mga salita ng “The Gospel Song.” Tinawag niya ang mga salitang ito bilang “isang magandang paalala at nakatutulong na gabay” at “isang pagbubuod ng maluwalhating Salita ng Diyos” (p 10). Sa huling linya ng kanta ay mababasa, “Sa Kaniyang kamatayan ako ay nabuhay muli.” Tila ba pinapahiwatig ni Miner sa pinakahuli ng kaniyang artikulo na ang pangako na dapat nating sampalatayahan ay ang pangako ni Jesus ng buhay na walang hanggan. Ang pangako na ito ay totoo sapagkat “Sa krus kinuha Niya ang aking kasalanan” (ikalawa sa huling linya).
Sinusundan ni Miner ang pananaw ni Gordon Clark sa kaniyang aklat na Faith and Saving Faith. Tulad ni Miner mahal ko ang aklat na iyan. Subalit, bagaman malinaw si Clark na ang nakapagliligtas na pananampalataya ay ang pagkakumbinse na ang nakapagliligtas na proposisyon ay totoo, hindi naman nilinaw ni Clark kung ano ang nakapagliligtas na proposisyon. Hindi rin ito nilinaw ni Miner maliban na lang kung ang kaniyang kasagutan ay ang kantang “The Gospel Song.”
Kahit sa Kalinawan, Mayroon Pa Ring Kalituhan
Nirerekomenda ko si Miner at ang The Trinity Review sa kalinawang matatagpuan sa artikulong ito patungkol sa pananampalataya at nakapagliligtas na pananampalataya. Ang pagtalakay ay napakahusay.
Subalit, hinihimok ko si Miner at ang The Trinity Review na magkaroon ng malinaw na sagot sa kung ano ang pangako na dapat sampalatayahan upang ang tao ay maipanganak na muli. Ayon sa Gawa 16:31 ito ay ang pangako ng kaligtasan sa lahat ng nanampalataya kay Jesus para sa pangako ng kaligtasan. Ito rin ang sabi ng Juan 3:16, sa maraming pasahe sa Juan at sa natitirang bahagi ng Bagong Tipan. Nakasumpong si Lewis Sperry Chafer ng mahigit 150 pasahe sa Kasulatan na nagtuturo nito.