Si Al ay may ilang magandang tanong:
Binabasa ko ang iyong mga artikulo at pinapanood ang iyong mga videos sa Youtube nang ilang panahon na. Nauunawaan kong naniniwala kang upang maipanganak na muli, kailangan ng isang taong manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan.
Subalit kamakailan nagsimula akong magnilay-nilay kung ano ba ang kahuluguan nito sa detalye. Partikular akong nagtataka kung gaano karami ang dapat maunawaan ng isang tao tungkol sa buhay na walang hanggan at tungkol kay Jesus upang siya ay maipanganak na muli.
Halimbawa, kailangan ba ng isang taong malaman ang tungkol sa bagong lupa o tungkol sa pisikal na pagkabuhay na maguli upang maipanganak na muli? Pareho ito, sa aking palagay, ay bahagi ng pagkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Narinig ko ang iyong pagtalakay tungkol sa Juan 11:25-27 patungkol sa laman ng nagliligtas na panananampalataya ngunit ito ay tila hindi lubos na sumasagot sa aking tanong dahil ang pasaheng ito ng Biblia ay hindi espisipikong nagpapahayag kung ano ang dapat sampalatayahan ng tao tungkol kay Jesus at tungkol sa buhay na walang hanggan.
Natanto kong ito ay tila isang kahangalang tanong. Ngunit isipin mo ang isang taong walang ideya kung sino si Jesus at kung ano ang kahulugan ng buhay na walang hanggan. Kung ang taong ito ay makatagpo ng isang piraso ng papel na may lamang, halimbawa ng Juan 3:16, ang taong ito ba ay maliligtas kahit wala siyang alam tungkol sa bagong lupa, pisikal na pagkabuhay na mgauli ng isang mananampalataya o kahit ng pangalan ni Jesucristo. Ano ang pinakaminimum na impormasyong dapat malaman ng isang tao upang siya ay maipanganak na muli?
Ganap akong umaasang may oras ka upang tulungan ako sa bagay na ito.
Huwag tayong humiwalay sa Kasulatan. Maaari akong magbigay ng ilang paliwanag kung bakit ang Kasulatan ay tama ngunit ang pinakapunto ay ang anumang sinabi ng Diyos ay totoo.
Ang ilang sitas sa Evangelio ni Juan ay nagbibigay ng mas maraming detalye kaysa iba. Ngunit lahat ng mga sitas evangelistiko sa Juan ay nagtataglay ng tatlong element: 1) ang sinumang sumampalataya 2) kay Jesus 3) ay may buhay na walang hanggan/hindi mapapahamak. Ito ang minimum na impormasyong kailangan upang ang isang tao ay maipanganak na muli.
Ang Juan 11:25 ay nagtataglay ng karagdagang impormasyon: ang pangako ng pisikal na pagkabuhay na maguli. Dahil sa ito ay hindi masusumpungan sa ilan- sa katotohanan ay sa karamihan- ng mga sitas evangelistiko ng Juan, aking nabuod na ito ay hindi esensiyal na katotohanan. Ang isang tao ay maaaring may maling paniniwala sa espirituwal na pagkabuhay na maguli ngunit manampalataya pa rin sa pangako ng Juan 3:16.
Nagtanong si Al tungkol sa bagong lupa. Ibig ko ang tanong na ito.
Kung kailangang manampalataya ng isang tao na sila ay gugugol ng eternidad sa bagong lupa, marami ang hindi mapapabilang sa hanay ng mga taong ipinanganak nang muli. Karamihan sa mga taong aking nakasalamuhang sumampalataya sa pangako ng buhay ay may maling paniniwalang sila ay gugugol ng eternidad sa langit, na nakalutang sa alapaap.
Isang hamon sa aking kumbinsehin ang mga mananampalatayang ang ating walang hanggang tahanan ay ang bagong lupa, at hindi ang langit. Ang pagkaunawa at paniniwala sa bagay na ito ay hindi karagdagang kundisyon ng buhay na walang hanggan.
Nagtataka si Al tungkol sa taong hindi alam kung ano ang buhay na walang hanggan. Sa tingin ko walang ganitong tao.1 Tingnan ang Juan 5:39. Samantalang minsan lang binanggit ng LT ang buhay na walang hanggan (Dan 12:2), ang konsepto ng pamumuhay magpakailan man kasama ang Mesiyas sa Kaniyang kaharian ay ganap na nauunawaan. Tingnan ang Job 19:25-26.
Siyempre maraming tao ang hindi nauunawaang ang buhay na walang hanggan ay nagsisimula kapag ang isang tao ay nanampalataya kay Jesus para rito. May mga nakasalamuha akong tao- at ganuon din ako sa unang tatlong buwa ng aking Cristianong pamumuhay- na alam na sila ay ligtas minsan at magpakailan man,ngunit iniisip na ang buhay na walang hanggan ay nagsisimula kapag ikaw ay namatay. Ang taong ito ay nanampalataya sa pangako ng buhay bagama’t hindi niya ganap na nauunawaan.
Nag-aalinlangan ako kung karamihan sa mga Judiong tagapakinig ni Jesus ay nauunawaang sinasabi ni Jesus na ang buhay na walang hanggan ay isang pangkasalukuyang pag-aari ng isang mananampalataya. Ngunit sa Juan 5:39 sinabi Niya na ang Kaniyang mga tagapakinig ay nagsisiyasat ng LT dahil iniisip nilang mayroon silang buhay na walang base sa kautusan. Tinama ni Jesus ang kanilang pagkaunawa ng buhay. ito ay si Jesus mismo. Hindi ang mga kautusan ng LT. Ngunit hindi Niya pinagdiinan ang kanilang pagkaunawa ng buhay na walang hanggan.
Sa panghuli, kung hindi alam ng isang tao ang pangalan ni Jesus, kahit man lang sa kaniyang sariling lenggwahe (ang Kaniyang pangalan ay hindi talaga Jesus kundi Yeshua), ay kailangan niyang malamang ang taong ito ang nangako gaya ng pagkatala sa Biblia. Ang babae sa balon ay maaaring hindi alam na ang Kaniyang pangalan ay Yeshua. Ngunit siya ay naniwalang Siya ang Mesiyas na naggagarantiya ng buhay na walang hanggan sa lahat ng nanampalataya sa Kaniya (Juan 4:10-26).
Karamihan sa mga hipotetikal na tanong na ito ay hindi tinatanong ng mga hindi mananampalataya. Subalit, si Al ay nagtataas ng ilang tanong na tinatanong ng mga mananampalatayang nagnanais na maging malinaw sa kanilang evangelismo.
Nais nating maging malinaw. Ito ay isang magandang bagay. Para mangyari ito, sundan natin ang Panginoong Jesucristo. Kung tila hindi Siya malinaw para sa iyo, baguhin mo ang iyong pag-iisip. Siya ay tama. Malinaw Siyang mag-evangelip.
_______
- Ang bawat isa ay naniniwala o hindi sa buhay matapos ang kamatayan. Karamihan ay oo. Kapag narinig ng mga tao na magbanggit ka ng buhay na walang hanggan, alam nilang tinutukoy mo ang buhay matapos ang kamatayan. Maaaring hindi ganap na mapahawakan na ito ay pangkasalukuyang realidad sa ilang tao o na ang ilang taong may buhay na walang hanggan ay mga mananampalataya kay Jesucristo. Ang Espiritu Santo ang nagkukumbikta ng sanlibutan ng kasalanan, katuwiran at sa paparating na paghuhukom (Juan 16:7-11).