Sinabi ng Panginoong Jesus na ang LT ay “nagpapatotoo sa Akin: (Juan 5:39). Daan-daang hula sa LT ang natupad sa unang pagparito ni Jesus. Ngunit ano ang ilan sa pinakagila-gilalas na mga propesiya?
Ang blog na ito ay nakabase sa isa sa mga sagot sa gabay sa guro para sa aking pag-aaral ng Evangelio ni Juan. Ang pag-aaral ay may lamang maraming impormasyon mula sa aking komentaryo sa Juan. May sampu o higit pang tanong sa bawat kabanata. Ibinigay ko ang aking mga sagot sa mga tanong na ito sa gabay sa guro.
Ang sumusunod ay ang sinulat ko para sa gabay sa guro, na aking dinagdagan.
Genesis 3:5. Ito ang proto-evangelium, ang unang evangelio. Ang binihi ng ahas (si Satanas) ay dudurog sa sakong ng binhi ng babae, ang Mesiyas. Ngunit ang Mesiyas ang dudurog sa ulo ni Satanas.
Ang Genesis 3:15 ay propesiya tungkol sa Krus ni Cristo. Dito dinurog ni Satanas ang sakong ni Jesus at dinurog ni Jesus ang ulo ni Satanas. Ang pagpatay kay Jesus ay, sa katotohanan, Kaniyang tagumpay at pasimula ng pagkatapon ni Satanas sa Lawa ng Apoy (Lukas 10:18; Roma 16:20; Pah 12:9; 20:10). (Pansining ang ilan ay nauunawaan ang pagdurog sa sakong ng binhi ng babae na pantukoy sa lahat ng sangkatauhan dahil sa konsekwensiya ng Pagkahulog. Ang ilan ay minumungkahing ito ay tumutukoy sa sangkatauhan at sa Mesiyas.)
Awit 22:14-18. Sinulat ni David ang awit na ito libong taon bago si Cristo, sa panahong ang pagpako sa krus ay hindi pa alam. Pansinong limang espisipikong propesiya ang tinupad ng Panginoong Jesucristo sa Krus. Una, ang Kaniyang dila ay dumikit sa Kaniyang ngala-ngala, isang pantukoy sa matinding uhaw (Juan 19:28). Ikalawa, ang Kaniyang mga kamay at paa ay bubutasin (Lukas 24:39; Juan 20:20-27). Ikatlo, wala kahit isa sa Kaniyang mga buto ang nabali (Juan 19:36). Ikaapat, paghahatian nila ang Kaniyang mga damit (Mat 27:35; Marcos 15:24; Juan 19:24). Ikalima, sila ay magsusugal para sa Kaniyang tunika (Juan 19:24).
Isaias 52:13-53:12. Ito ay ang pantastikong pasahe ng Nagbabatang Alipin. Ang Mesiyas ay hindi lamang “Leon ng Tribo ni Juda” (Gen 49:9-10; Pah 5:5). Siya rin ay “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan” (Juan 1:29, 36; cf Gen 22:8; Rev 5:6, 12; 13:8).
Nagbigay si Isaias ng pitong napakahusay na propesiya sa seksiyon na ito ng Nagbabatang Alipin. Una, “Ang Kaniyang mukha ay napakakatuwa/basag” (Is 52:14. Ito ay natupad nang Siya ay nilatigo, hinampas, dinuruan, at binigyan ng putong na tinik (cf Marcos 15:15-19). Ikalawa, sinabi ni Isaias na Siya ay hinamak at tinakwil ng mga tao (Is 53:3). Ito ay natupad sa buo Niyang ministri at sa pagpako sa Kaniya sa Krus (cf Mat 27:27-31, 39-41; Marcos 15:29-32; Juan 8:33-59; 1:11). Ikatlo, tinukoy ni Isaias ang krus nang kaniyang sinulat, “Ngunit Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang” (Is 53:5). Ang mga kamay at pa ani Jesus (at ang Kaniyang tagiliran) ay binutas sa Krus (Lukas 24:39; Juan 20:20-27). Ikaapat, ang mga salitang “hindi Niya ibinukas ang Kaniyang mga bibig” (Is 53:7) ay natupad sa Kaniyang paglilitis at sa Krus nang hindi Niya ipinagtanggol ang Kaniyang Sarili (Mat 27:12; Juan 19:9-10; Gawa 8:32). Ikalima, hinula ni Isaias na “ang Kaniyang libingan ay ibibilang sa masama.” Ito ay tumutukoy sa pagpako sa Kaniya kasama ng dalawang magnanakaw at kapalarang malibing na kasama Nila (Mat 27:38, 44). Ikaanim, sinabi ni Isaias na sa halip, “Siya ay kasama ng mayaman sa Kaniyang kamatayan” (Is 53:9). Ang katawan ni Jesus ay inangkin ni Jose ng Arimatea at nilagay sa kaniyang sariling libingan (Mat 27:57; Marcos 15:43; Lukas 23:51; Juan 19:38). Ikapito, sinabi niyang ang Nagbabatang Alipin na “makikita Niya ang Kaniyang lahi” at “magtatagal ang Kaniyang mga araw” (Is 53:10). Ito ay tumutukoy sa pagkabuhay na maguli ni Jesus (Mat 28:6-7; Marcos 16:6; Lukas 24:6, 34; Juan 2:22; 20:28).
Marami pang kagila-gilalas na propesiya patungkol sa unang pagdating ni Jesus. Narito pa ang ilan: Gen 49:10; Deut 18:15-18; Awit 16:7-11; Is 7:14; 9:6-7; 11:1-10; Dan 9:24-27; Zac 9:9; Mic 5:2).
Marami ring kagila-gilalas na propesiya tungkol sa Kaniyang Ikalawang Pagbabalik. Sila rin ay matutupad kagaya ng una.
Paano nagawa ng Diyos ito? Paano Niya nasasabi nang may katiyakan ang hinaharap nang hindi ginagawang robot ang mga tao? Ang sagot ay nakikita ng Diyos ang hinaharap bago ito mangyari. Siya ay omnisiyente (alam Niya ang lahat ng bagay). Ito ay kahanga-hanga! Ito ay isang munting sulyap sa Kahanga-hangang Isa na ating pinaglilingkuran.