Makalawa sa Santiago 2 nabasa natin: “Ang pananampalatayang walang gawa ay patay” (San 2:20, 26). At minsan nabasa natin, “Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili” (San 2:17). Maraming komentarista ang nakapokus sa salitang patay. Iniisip nila, at ito ay mali, na ang ibig sabihin ni Santiago ay ang pananampalatayang walang gawa hindi pananampalataya. Ngunit ang patay sa konteksto na ito ay nangangahulugang walang kapakinabangan. Pansinin ang eksperesyong “Ano ang kapakinabangan?” sa simula ng v14 at sa katapusan ng v16. Saka sinabi ni Santiago na, “Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili/walang kapakinabangan”(San 2:17).
Tingnan ang artikulong ito para sa higit na paliwanag sa ekspresyon pananampalatayang walang gawa ay patay.
Ang mga tao ay hindi nagpopokus sa unang bahagi ng ekspresyong ito. Ano ang pananampalatayang walang gawa?
Sinasabi natin ang kahulugan ng ekspresyong ito nang ilang beses sa kabanata 2.
Sa v17, sinabi ni Santiago na ang pananampalatayang walang gawa ay “sa kaniyang sarili.” Sa v20 at 26, inulit niya ang ekspresyong “pananampalatayang walang gawa.”
Ang pananampalataya sa kaniyang sarili ay nangangahulugang nag-iisang pananampalataya. Sa Latin ay sola fide.
Sa v12 at 15-16 ang pananampalatayang walang gawa ay patungkol sa mga taong hindi ginagawa ang sinasabi.
Sa v13 at 15-16 ito ay hindi pagpapakita ng awa sa nangangailangan.
Sa v14 ang pananampalatayang walang gawa ay ang paniniwala sa isang prinsipyo ng Biblia ngunit hindi isinasagawa ang prinsipyong ito.
Kung babalik tayo sa Kabanata 1, ipinahiwatig ni Santiago na ang pananampalatayang walang gawa ay pakikinig ng Salita, ngunit hindi ito ginagawa (walang aplikasyon) (San 1:22, 23, 25).
Sa Ingles at sa Griyego ang pananampalatayang walang gawa ay kabaligtaran ng pananampalatayang may gawa. Malinaw ito. Ngunit bihira itong sabihin o ipaliwanag.
Narito ang ilang sa mga paliwanag ng Santiago 2:17 mula sa mga nangungunang komentarista sa Epistula ni Santiago:
“Ang sitas na ito ay isang buhay na paraan ng pagpapahayag na ang walang gawa na pananampalataya ay hindi talaga pananampalataya kung paanong ang isang bangkay ay hindi tao” (Adamson, James, p. 124, may dagdag na hilis).
“Si Santiago ay hindi nagtataltal ng pananampalataya sa halip na gawa, o ng gawa sa halip na pananampalataya, o maging ng mga gawa sa ibabaw ng pananampalataya, kundi sa pananampalataya at gawa. Ang dalawa ay parehong mahalaga at dapat parehong nariyan dahil kung nag-iisa ay “walang halaga,” kung paanong ang katawan at Espiritu ay parehong “walang halaga” kung magkahiwalay sa bawat isa” (Davids, James, p.123).
Sinasabi ni Adamson na ang pananampalataya ay hindi pananampalatayang malibang ito ay samahan ng mga gawa.
Iminumungkahi ni Davids na ang pananampalatayang nag-iisa ay hindi makapagliligtas (mula sa walang kundenasyon). “Ang dalawa ay parehong mahalaga at dapat parehong nariyan.”
Tinatakwil nila ang ideya ng kapanganakang muli ay sa pamamagitan ng pananampalatayang walang gawa. Sa madaling salita, tinatakwil nila ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
Sinumang nagsasabing ang pananampalatayang walang gawa ay hindi makapagliligtas mula sa walang hanggang kundenasyon ay nagtatakwil ng Juan 3:16 at Ef 2:8-9.
Tingnan ninyo ang ilustrasyon sa San 2:15-16 bilang isang halimbawa. Madaling makita kung ano ang itsura ng pananampalatayang may gawa sa sitwasyong iyan. Ang mananampalataya ay magbibigay ng pagkain at inumin sa nangangailangang kapatid na lalaki at babae.
Ang pananampalataya kay Jesus ay pananampalatayang walang gawa. Ang pananampalataya sa Gintong Aral ay pananampalatayang walang gawa. Ang pananampalatayang walang gawa ay pananampalatayang sa kaniyang sarili.
Sinabi ng Panginong Jesus na ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan (Juan 3:16). Hindi Niya dinagdag na, ngunit kung wala kang gawa, wala ka talagang buhay na walang hanggan.
Ito rin ang sinasabi ni Pablo sa Ef 2:8-9. Tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa. Ang pananampalatayang hiwalay sa mga gawa ay pananampalataya sa kaniyang sarili. Ang kaligtasan mula sa walang hanggang kundenasyon ay hindi maaaring sabay na pananampalatayang may gawa at pananampalatayang walang gawa. Ang mga ito ay salungatang konsepto.
Narito ang aking tesis: Kung matatamo natin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalatayang may gawa, hindi natin ito natamo sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ito ay malinaw.
Bilang karagdagan, kung matatamo natin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalatayang may gawa, hindi mo matatamo ang buhay na ito hangga’t hindi mo natatapos ang mga gawa. Ito ay malinaw din.
Anong mga gawa, at gaano katagal? Sa teorya, ang isang mangangaral ay maaaring magsabing ang sinasabi ni Santiago ay ang mabuting gawa matapos manampalataya kay Cristo ay nagbibigay katuturan sa pananampalatayang iyan at nagresulta sa kapanganakang muli sa sandaling iyan. Ngunit wala akong alam na nagsasabi niyan. Lahat sila ay nagsasabing ang habambuhay na paggawa ng mabuti ay kailangang idagdag sa pananampalataya upang ang isang tao ay magtamo ng buhay na walang hanggan. Sa pananaw na ito, hindi ka ipinanganak na muli sa isang sandali. Kung oo, hindi na kailangan ang nagpapatuloy na gawa. Sa halip, ikaw ay naliligtas lamang matapos mong makatiis sa habambuhay na paggawa nang may pag-ibig.
Ang pananampalatayang may gawa ay iba sa pananampalatayang walang gawa. Malinaw ito kay Santiago.
Paano ang isang tao ipinapanganak na muli? Siya ba ay ipinapanganak na muli sa pamamagitan ng pananampalatayang walang gawa? O siya ba ay ipinanganak na muli sa pamamagitan ng pananampalatayang may gawa? Isa lamang ang tama rito. Ngunit hindi pwedeng pareho silang tama.
Ang ilan ay sinisikap sabihing parehong tama ang mga ito. Ngunit ito ay walang kasaysayan. Iyan ang aking punto.