Siya ang kabayaran para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang para sa atin kundi para din sa kasalanan ng buong sanlibutan (1 Juan 2:2).
Ang mga Calvinista ay naniniwalang si Cristo ay namatay para sa kasalanan ng maliit na bahagi ng sangkatauhan, na tinatawag na mga halal. Dahil sa ang limitadong pagtubos ay tunog negatibo, maraming Calvinista ang mas nais gamitin ang ekspresyong partikular na pagtubos.
Sinulat ni R. C. Sproul:
Hindi ko nais gamitin ang terminong limitadong pagtubos dahil sa ito ay nakapanliligaw. Mas nais kong magbanggit ng depinidong pagtubos o depinidong kabayaran na naghahayag na ang Diyos Ama ay may dinesenyong gawain ng pagtutubos na espisipikong tumitingin sa pagbibigay ng kaligtasan para sa mga halal, at si Cristo ay namatay para sa Kaniyang mga tupa at ibinigay ang Kaniyang buhay para sa mga taong ibinigay ng Ama sa Kaniya (tingnan dito).
May tatlong malaking problema sa paniniwalang si Cristo ay namatay lamang para sa kasalanan ng iilang tao.
Una, kung ito ay totoo, hindi ka makasisiguro ng iyong walang hanggang kapalaran hanggang huli na ang lahat. Ayon sa Calvinismo, tanging kapag ikaw ay namatay saka mo lamang masusumpungan kung si Cristo ay namatay para sa iyo o hindi. Kailangan mong isabuhay ang buo mong pamumuhay na may takot ng eternal na kaparusahan. Ito ay isang nakalulungkot na paraan ng pamumuhay.
Maaari mong sabihing, “Ngunit kung ako ay nanampalataya kay Cristo, alam ko kung ganuon na Siya ay namatay para sa akin.” Hindi ayon sa Calvinismo na nagsasabing ang nagliligtas na pananampalataya ay hindi malalaman. Hindi mo matitiyak kung ikaw aymay tunay na pananampalataya o wala. Kailangan mong tumingin sa iyong mga gawa o sa iyong mga damdamin upang makakuha ng ideya kung ano ang posibilidad na ikaw ay magtitiis sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang kamatayan, at sa ganitong paraan ay mapatunayan kung ikaw ay may tamang uri ng pananampalataya.
Ikalawa, kung ikaw ay naniniwala sa limitadong pagtubos. Hindi mo maibabahagi ang ebanghelyo sa kaninuman maliban ang malabong mensahe. Hindi mo masasabi sa iyong anak, “Si Cristo ay namatay para sa iyong mga kasalanan upang kung ikaw ay manampalataya sa Kaniya, ikaw ay may buhay na walang hanggang hindi mo maiwawala kailan man.” Bakit hindi mo masasabi ito? Dahil hindi mo alam kung si Cristo ay namatay para sa kaniya, o para sa iyo! Buong buhay niya kailangang niyang gawin ang pinakamainam niyang magagawa sa pagsisikap na sumunod kay Cristo, ngunit malalaman niya lang kung saan siya tutungo kapag siya ay namatay. Ito ay kaisipan ng kaligtasan sa gawa. Ito ay kaisipang salungat sa mensahe ng Juan 3:16.
Ito ang uri ng ebanghelismong kumikilos na gaya nito: “Hindi ko alam kung saan ako pupunta kapag namatay. Kung mayroon kang 10 minuto, tutulungan kitang huwag malaman kung saan ka tutungo kapag ikaw ay namatay.”
Ikatlo, kung ang limitadong pagtubos ay totoo, wala akong magagawang anuman upang impluwensiyahan ang aking walang hanggang kapalaran. Kung ako ay halal, namatay si Cristo para sa akin, at ang Diyos ay bibigyan ako ng regalo ng pananampalataya, at ako ay makatitiis hanggan sa hulihan at mapagtatagumpayan ang tinatawag ng mga Calvinistang pinal na kaligtasan. Ngunit kung ako’y hindi halal, hindi namatay si Cristo para sa akin, at ako’y mapapahamak. Sa katotohanan, ayon sa paraang ito ng pag-iisip, karamihan sa sangkatauhan ay mapapahamak, dahil ang mga halal ay nauunawaang isa lamang maliit na porsiyento ng sangkatauhan.
Ang Calvinismo ay deterministiko, patalistiko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggan ako ay mamatay. Umaasa akong namatay si Cristo para sa akin. Pero oo nga ba?
Pakinggan ang paliwanag ni John MacArthur ng limitadong pagtubos sa isang artikulong may pamagat na “The Doctrine of Actual Atonement, Part 1” (Ang Doktrina ng Aktuwal na Pagtubos, Unang Bahagi):
Hindi ko madala ang aking sariling maniwala na ang impiyerno ay puno ng milyong mga taong ang mga kasalanan ay binayarang buo ni Cristo sa krus. Hindi ko makita ang Amang pinarurusahang buo ang Anak sa krus para sa mga kasalanan ng mga taong paparusahan para sa mga kasalanang iyan sa impiyerno.i Ano ang punto? Ang ginawa ni Cristo sa krus ay isang totoo, buo at kumpletong pagtubos para sa mga kasalanan ng lahat na nanampalataya, at dahil walang makasasampalataya malibang ang Diyos ay magbigay sa kanila ng pananampalataya, ang mga ito ay ang mga kasalanan ng mga hinalal ng Amang tawagin sa Kaniyang sarili (tingnan dito).
Kung ako ay naniniwala sa biblikal na katuruang si Cristo ay namatay para sa mga kasalanan ng buong sanlibutan, ako kung ganuon ay maaari at dapat lamang na makumbinseng ang kasalanan ay hindi na hadlang sa pagitan ko at ng Diyos (Juan 1:29; 1 Juan 2:2). Matitiyak ko ang aking eternal na kapalaran dahil maaari kong malaman nang may katiyakang ako ay nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan (Juan 11:27; 1 Juan 5:13). Maibabahagi ko ang pangako ng buhay na walang hanggan nang malinaw ay may kumpiyansa sa aking pamilya at mga kaibigan.
Ang mensahe ng walang limitasyong pagtubos ay isang mahalagang katotohanan. Ito ay mabuting balita. Ito ay katotohanang ebanghelyo. Nagagalak akong namatay si Jesus para sa akin! Ikaw din ba?
____________
- Ito ay kumon na posisyung Calvinista. Ngunit ang Kasulatan ay hindi nagtuturong ang krus ni Cristo ay nag-alis ng paghukom para sa ating mga kasalanan. Kahit ang mga taong ipinanganak nang muli ay hahatulan para sa kanilang mga kasalanan sa buhay na ito. At sa Bema, ang ating masasamang mga gawa ay hahatulan (2 Cor 5:10). Ang krus ay nag-aalis ng hadlang ng kasalanan, hindi lahat ng konsekwensiya ng ating mga kasalanan. Malinaw ang Kasulatan na ang anumang inihasik ng isang tao, mapa mananampalataya man o hindi, iyan din ang kaniyang aanihin (Gal 6:7-9; cf. Mat 16:27).