Sa katapusan ng isang kumperensiya na aking dinaluhan noong 2006, ang iglesiang nag-isponsor ay nagkaroon ng isang libreng piging ebanghelistiko. Maraming bisita ang dumating para sa libreng piging, na nagtapos sa isang maikling mensaheng ebanghelistiko. Naagaw ang aking pansin ng panalagin ng isang pastor sa pagtatapos ng kaniyang mensahe. Sinabi niya, “Hindi ko nauunawaan ang lahat ng bagay. Ngunit sa pinakamainam kong pagkaunawa, nilalagay ko ang aking pagtitiwala kay Jesucristo bilang tangi kong pag-asa ng langit.”i Nagulumihanan ako nang marinig ko ito. Naisip kong hindi ito malinaw.
Kamakailan habang tinitingnan ang mga nakaraan naming artikulo, nadaanan ko ang isang makailang ulit gumamit ng ekspresyong ang tangi kong pag-asa ng langit. Ang may-akda ay nagbanggit ng pangangailangan ng “…ganap na pagtitiwala kay Jesucristo bilang tanging pag-asa ng isang tao ng langit.” Binanggit niya ang isang lalaking hindi pa lumalakad kasama ng Panginoon ngunit nagsabing, “Siya ang tangi kong pag-asa ng buhay na walang hanggan.” Ako ang editor ng artikulong iyan at wala akong nakitang mali diyan nang panahong iyon.
Ano ang nagbago sa mga taon sa pagitan ng artikulong iyan at sa panahong narinig ko ang kaparehong ekspresyon noong 2006?
Ang pagbabago ay napagtanto ko na ang mga salitang tangi kong pag-asa ng langit ay tumutukoy sa isang bagay na malayo sa pananampalataya. Ang ekspresyong iyan ay hindi nangangahulugang, “SI Jesus ang aking garantiya na ako ay nasa langit kapag ako ay namatay.” Ito ay nangangahulugang, “Hindi ko tiyak kung saan ako tutungo kapag ako ay namatay. Ngunit nagtitiwala ako kayJesus na tangi kong pagkakataon na makarating sa langit.”ii
Ang ekspresyong tanging pag-asa ng langit ay hindi masusumpungan saan man sa Biblia. Ganuon din hindi masusumpungan saan man sa Kasulatan ang ekspresyong ang tangi kong pag-asa ng buhay na walang hanggan.
Ang salitang Ingles para sa pag-asa ay tumutukoy sa isang bagay na hindi tiyak. Umaasa akong makakuha ng A sa eksam. Umaasa akong mapananatili ng mga Democrats ang kontrol sa House at sa Senado (O, umaasa akong mapananatili ng Republicans ang kontrol sa House at sa Senado.) Umaasa akong makakakuha ng dagdag sa susunod na taon. Umaasa akong mananalo ang Cowboys sa Linggo. Wala sa mga ito ang ekspresyon ng katiyakan. Ang mga ito ay ekspresyon ng ninanais na katapusan.
Wala tayong umaasang pananampalatya. Mayroon tayong nakasisigurong pananampalataya (1 Juan 5:13). Hindi tayo nagtitiwala kay Jesus bilang tangi nating pag-asa ng langit. Nananampalataya tayo sa Kaniya bilang Taga-garantiya ng buhay na walang hanggang hindi maiwawala.
Umaasa akong iwawaksi natin ang nakalilitong lenggwahe pagdating sa usapan tungkol sa ano ang dapat gawin ng isang tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
________
- Ito ang aking pagkaalala ng sinabi. Bagamat wala akong rekording, kumbinsido akong ito ay tiyak na sumasalamin sa kaniyang sinabi.
- Posible, palagay ko, na magbanggit kay Cristo bilang kaniyang tanging pag-asa ng langit at mag-apirma rin ng kasiguruhan ng kaniyang eternal na kalagayan. Maaaring sabihin ng isang tao ang kagaya nito: Alam kong ako ay ligtas minsan at magpakailan man sa pananampalataya kay Cristo, hiwalay sa mga gawa. Siya ang aking tanging pag-asa ng langit sa diwang Siya ang naggagarantiya ng aking eternal na paninirahang kasama Niya at wala nang iba pa. Subalit, sa tingin ko, kapag ginamit ng maraming tao ang ekspresyong ito nang walang dagdag na paliwanag, pinahahayag nila ang kawalang kasiguruhan ng kanilang eternal na kalagayan at matindi nilang ninanasa na dadalhin sila ni Jesus sa kaluwalhatian.