Ang Christianity Today (CT) na inisyu nuong Setyembre 2022 ay may isang panayam sa isang manunulat, si Justin Ariel Bailey, na sumulat ng isang aklat tungkol sa teolohiya at kultura.
Ang titulo ng panayam, na siya ring pinanggalingan ng titulo ng blog na ito, ay galing sa sagot ni Bailey sa tanong na, “Paano ang malalim na pagkaunawa ng kultura makaaambag sa ating ebanghelismo at pag-aalagad?”
Ang sagot sa tanong na, “Ano ang mabuting balita para sa mga taong ito?” ay hindi naipaliwanag sa panayam. Nagpatuloy si Bailey sa susunod na bahagi, “Mayroon ngayong mas malaking sentitibidad sa katotohanang ang kultura ay hindi mapaliliit sa mga ideya, at ang kulturang nag-aalagad ay kailangang humigit pa sa simpleng pagbibigay ng impormasyon” (p. 74).
Pareho rin ba ang kaisipan ni Bailey tungkol sa ebanghelismo? I Ang kultura ng ebanghelismo ba ay dapat “humigit sa simpleng pagbibigay ng impormasyon?” Tila ganito ang kaniyang ipinahihiwatig.
May nasumpungan akong isang podcast (makinig dito) kung saan sinabi niyang tayo ay may kasiguruhan dahil “ang Diyos ay nangakong magiging tapat sa atin” at “dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin.” Maganda itong pakinggan. Ngunit kalaunan sa parehong panayam sinabi niyang hindi tayo nakasisiguro “dahil lamang sa taglay natin ang lahat ng kasagutan.”
May nadiskubre rin akong isang artikulong sinulat niya sa CT na may titulong “Doubt Be Not Proud” (Mag-alinlangan, Huwag Magmataas) (tingnan dito) kung saan kaniyang sinabi, “Ako ay pinalaki sa konteksto ng relihiyon na nagbibgay-diin sa katiyakan, sandali ng pagdedesisyon, at kalinawan ng Kasulatan sa ibabaw ng karanasan. Ang mga pagbibigay-diin na ito ay hindi naman mali ngunit kulang. Walang masama sa pagnanais na tumayo sa matibay na pundasyon o ang siyasatin ang sanlibutan mula sa isang matatag na basehan.” Matapos ay nagpatuloy siya, “Ngunit ang buhay ay puno ng matatalim na gilid na bubutas sa iyong ilusyon ng kontrol. Iyan ang aking nadiskubre nang ako ay pumasok sa kolehiyo sa isang malaking siyudad, magsimulang makipagbaka sa pag-aalinlangan, at magsimulang magtrabaho sa ministri.”
Hindi malinaw sa akin kung ano ang pinaniniwalaan ni Bailey tungkol sakung ano ang dapat gawin ng isang tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ito ay umuukilkil sa akin. Ang kaniyang tanong, “Ano ang mabuting balita para sa mga taong ito?” ay umuukilkil din sa akin. Ito ay tanong na hindi dapat tinatanong.
Ang Juan 3:16 ay isang mabuting balita para sa lahat ng tao, anuman ang kultura. Hindi natin kailangan ng isang mensaheng nagbabago depende sa kultura. Mayroon tayong kasiguruhang lumaki si Bailey hindi sa pag-aalinlangan, na ito ay kaniya lamang niyakap lamang nang siya ay nasa kolehiyo at seminaryo. Ang mabuting balita ay ang mga mananampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan at hindi mapapahamak. Samantalang kailangan natin ang sensitibidad sa kultura sa ating pamamahagi ng mensaheng iyan, hindi natin kailangang baguhin ang mensahe depende sa kultura. Ang mabuting balita ay hindi nagbabago.
_____
- Nang inedit ni Ken ang blog na ito, siya ay nagtanong, “Nasisiguro mo bang nakikita niya ang pagkakaiba ng ebanghelismo at pagiging alagad?” Ito ay isang mahusay na punto. Maaaring siya ay kapareho ng iba na pinag-iisa ang ebanghelismo at pagiging alagad.