“At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:18-19).
Karaniwang hindi ako naghahanda nang husto sa pagsagot ng mga tanong sa mga podcast. Dahil sa hindi ako naghahanda nang pauna, ang mga sagot ay tila agad-agad. Iyan ay dahil totoo iyan.
Ngunit nang sagutin namin ni David Renfro ang isang tanong nang nakaraang araw tungkol sa Mateo 16:18-19, nagdesisyon kaming kailangan naming huminto at maghanda nang kaunti.
Nakasumpong ako ng dalawang sipi mula sa dalawang komentarista na aming ibinahagi sa podcast.
Sinulat ni R. T. France,
Ang metapora ng “pagtatali” at “pagkakalag” ay nagbabanggit ng administratibong awtoridad. Ang mga termino ay ginamit sa mga literaturang rabiniko sa paghahayag nang alin ang maaari o hindi maaaring pahintulutan. Nang ang kaparehong kasuguan ay ibinigay sa buong grupo ng mga disipulo sa 18:18, ito ay espisipikong nasa konteksto ng pag-aayos ng kasalanan sa kanilang komunidad (tingnan ang komento rito). Ang awtoridad na ito kung alin ang maaari o hindi maaaring ipahintulot ay may personal na konsekwensiya sa taong hinatulang nagkasala, ngunit ang nakaraang kahatulan ang sa prinsipyo ay layon ng metapora ng “pagtatali, at doon, at ganuon din dito, ang layon ng parehong pandiwa ay nahahayag bilang neuter, hindi panlalaki; mga bagay, mga isyu, ang tinatali o kinakalagan, at hindi tao… (Matthew, p. 626).
Sumasang-ayon si Leon Morris:
Ang metapora ng pagtatali at pagkalag ay ginamit ng mga rabbi sa paghahayag ng binabawal o pinapahintulutan. May malakas na opinyon na ang mga Cristiano ay may kaisipan kung sino ang papapasukin o papaalisin sa komunidad Cristiano. Maaaring tama ito, ngunit dapat nating ilagay sa isipan na ang [salitang] anuman ay neuter sa parehong beses at ito ay mas maiiging lumalapat sa mga bagay kaysa sa mga tao. Kung seryoso natin itong panghahawakan, ang kasabihan ay nagsasabing ang iglesiang kinakasihan ng Espiritu ay magagawang ihayag nang may awtoridad ang mga bagay na maaaring ibawal at ang mga bagay na maaaring pahintulutan (Matthew, p. 426).
Marami ang nagmumungkahi, gaya nang binabanggit ni Morris, na si Jesus ay nagsasabing si Pedro at ang iba pang mga apostol (ikumpara sa Mateo 18:18) ay may awtoridad na idetermina kung sino ang nasa loob at wala sa sa loob ng kaharian (base kung sila ay nanampalataya kay Jesus o hindi). Ngunit hindi iyan ang isyu rito. Sa halip, ang Panginoon ay nagbabanggit sa kung anong mga gawi ang pahihintulutan at aling mga gawi ang ibabawal sa lokal na iglesia.
Sa isang diwa, ginagawa pa ito ng mga apostol. Ang kanilang mga sulat (kabilang na ang kanilang ulat ng mga turo ng Panginoong Jesus) ay nagsasabi sa atin kung ano ang pwede o hindi pwedeng gawin ng mga mananampalataya.
Sinabi ni Pablo sa Efeso 2:20 na ang iglesia ay nakatayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta (at si Cristo ang panulukang bato). Ang mga apostol ay hindi lamang bahagi ng unang henerasyon ng mga Cristiano, kundi sila ay nangungunang miyembro ng pundasyon ng iglesia. Ginamit sila ng Panginoon upang bigyan tayo ng mga turo na kailangan natin upang mapasiya ang Diyos.