Isa sa pinakakilalang sitas sa BT ay Roma 6:23, kung saan sinabi ni Pablo na, “… ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Samantalang karamihan sa mga tao ay iniisip na ang binabanggit ni Pablo ay ang kasalanang nagtatapon ng isang tao sa lawa ng apoy, hindi ito ang kaso rito. Sa kabanata 6 tinatalakay ni Pablo kung ano ang magagawa ng kasalanan sa buhay ng isang mananampalataya. Ang pahayag ay eksaktong nangangahulugan sa kung ano ang kaniyang sinasabi. Ang kasalanan sa buhay ng isang mananampalataya nagdadala ng kamatayan. Ang kamatayan dito ay maaaring mangahulugan ng pagkawala ng pakikisama sa Panginoon, pisikal na kamatayan, o iba pang uri ng pagkawasak na daladala ng kamatayan. Dumarating ito kapag ang isang mananampalataya ay lumalakad ayon sa kaniyang laman- sa kaniyang sariling kapangyarihan- na tinalakay ni Pablo sa kabanata 7. Ang buhay ay ang karanasan ng isang mananampalataya na lumalakad sa pagsunod sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Natanto ko na mayroong grapikong paglalarawan ng katotohanang ito sa isang hindi masyadong kilalang pasahe sa Jeremias (Jer 41:1-10). Ang isang lalaking nagngangalang Ismael ay hindi natutuwa sa nangyayari sa bansa ng Judah. Galing siya sa angkan ni David at inisip niyang ang hari ay dapat na isang galing sa angkan ni David, ayon sa 2 Samuel 7:12-16. Tinalo pa lang ng mga taga-Babylonia ang Judah, winasak ang templo at sinunog ang mga kabahayan sa Jerusalem. Nilagay nila bilang pinuno sa buong bansa ang isang lalaking Judio na hindi galing sa angkan ni David. Hindi natuwa si Ismael sa ginawang ito ng mga taga-Babylonia at inisip na dapat maghimagasik ang mga Judio laban sa kanila.
Ang problema ay nilinaw na ng propeta Jeremias na ang Diyos ang nasa likod ng ginawa ng mga taga-Babylonia, at ang bagong gobernador ay dapat sundin. Ngunit si Ismael ay mas maiging ideya: sa kaniyang sariling laman sisikapin niyang ayusin ang lahat ng bagay.
Ang una niyang ginawa ay patayin ang bagong gobernador. Samantalang ginagawa niya ito, siya, kasama ang ilang kasabwat, ay pumatay din ng maraming sundalong Babylonian at ang mga Judiong sumusuporta sa bagong rehimen. Sa huli, pinatay niya ang 70 Judiong dumating sa guho sa Jerusalem upang sambahin ang Panginoon sa lugar na dating kinatatayuan ng templo. Ito ay magtuturo ng aral sa lahat ng mga Judio sa Judah na iniisip ni Ismael ay mga taksil sa gawain ng Panginoon. Nayayamot siyang ang kaniyang mga kababayan ay tinatanggap kung ano ang nangyayari sa kanila. Mas marami siyang alam kaysa sa propetang sinugo ng Diyos.
Gumawa si Jeremias ng matinding komento tungkol sa 70 lalaking pinatay ni Ismael. Tinapon ni Ismael ang kanilang mga katawan sa isang inabandonang hukay, o balon. Ang hukay na ito ay pinagawa maraming taon na ang nakalilipas ng isang haring nagngangalang Asa, na tinawag ng LT bilang mabuting hari (1 Hari 15:22; 2 Cro 14:1-5). Ang balon ay ginamit upang imbakan ng tubig. Gaya ng ibang balon, ito ay pinagkukunan ng buhay.
Ngunit nakikita natin kung ano ang ginawa ni Ismael. Ito ay naging lugar ng kamatayan. Maiisip ng isang tao kung ano ang itsura ng isang balong puno ng bangkay ng 70 tao. Ito ay nangangamoy ng kamatayan. Ang mga katawang ito ay nagsisimula nang mabulok. Ito ang ginawa ni Ismael sa mga lalaking dumating upang parangalan ang Panginoon. Kung umaasa siyang parangalan ang Panginoon mismo, nagkakamali siya.
Ito ang nagawa ni Ismael sa pagkilos sa kapangyarihan ng kaniyang sariling lakas at laman. Kahit sabihin pa nating ang kaniyang motibo ay pasiyahin ang Diyos, ang kaniyang mga aksiyon ay nagresulta sa kamatayan. Kailangan nating ilarawan sa ating mga isipan kung ano sana ang kalagayan ng balon. Maiisip ng isa na kung hindi naghimagsik si Ismael laban sa Panginoon, ang balon sana ay mapupuno ng tubig at ang mga tao ay pagpapalain ng Panginoon sa kanilang pagsunod. Ito sana ay magiging balong puno ng buhay. Mailalarawan natin ang isang bayan ng mga taong nasa paligid ng balong ito upang kumuha ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan ng tubig- tubig na magbibigay-buhay sa kanilang mga pamilya at mga hayop.
Ngunit hindi iyan ang larawan sa Jeremias 41. Sa halip, ang balon ay puno ng kamatayan. Sa anumang panahon, iyan ang kabayaran ng ating kasalanan.