Nagtanong si PC:
Batid ko na si Bob Wilkin ay may sinulat na artikulo tungkol sa malahiningang (maligamgam) mga Kristiyano, ngunit lubos akong magagalak sa karagdagang mga komento, kung maaari.
Sa Pahayag 3, binanggit ni Jesus na alam Niya ang kanilang (mga taga-Laodicea) mga gawa. Bakit Siya hindi nasisiyahan sa kanilang mga gawa? Ito ba ay dahil sila ay nakasalalay sa kanilang sariling mapagkukunan upang gumawa ng mabuting gawa? O dahil ba nalimutan nila ang kanilang pangangailangan sa Kaniya upang makagawa ng anupaman? O dahil nakalimutan nila ang kanilang tunay na kalagayang espiritwal? Nabanggit Niya na ang malamig at ang mainit ay mabuti, nangangahulugan ba ito na ang malamig at ang mainit ay… kapaki-pakinabang? Ang mainit ay maigi sa paghanda ng pagkain/tsaa, at ang malamig na tubig ay nakakapanariwa, atbp.
Ito ang apat na mga punto na makatutulong upang mas maunawaan ang sulat sa mga taga-Laodicean, at sa katotohanan, ang pitong sulat na nabanggit sa Pahayag 2-3:
- Ang lahat na pitong sulat ay nakasulat sa mga simbahan. Ang mga simbahan ay grupo ng mga taong pinanganak nang muli, mga mananampalataya.
- Ang mga salitang “Alam ko ang inyong mga gawa” ay matatagpuan sa lahat na pitong sulat (Pah 2:2, 9, 13, 19; 3:1, 8, 15). Ang isyu na hinaharap ng Panginoon ay ang mga gawa ng pitong simbahang ito.
- Wala kahit isa sa pitong sulat ang may panawagan para manampalataya. Dalawa sa mga sulat ay may banggit sa katotohanan na ang mga mambabasa ay may pananampalataya sa Panginoon (“hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya”, Pah 2:13 at “Nalalaman ko ang iyong…pananampalataya,” 2:19).
- Ang lahat na pitong mga sulat ay naghihimok sa mga mambabasa na maging (o manatiling) mapagtagumpay, samakatuwid, mga matagumpay na mananampalatayang maghaharing kasama ni Kristo sa buhay na darating, Pah 2:7, 11, 17, 26; 3:5, 12, 21). Ang isyu sa mga sulat na ito ay walang hanggang gantimpala, hindi ang kanilang walang hanggang hantungan.
Ngayon, sa ikapitong sulat at upang tugunan ang mga tanong ni PC:
- Ang Panginoon ay hindi natutuwa sa kanilang mga gawa sapgkat ang kanilang mga gawa ay hindi kaaya-aya sa Kaniya. Gaya ng nabanggit ni PC, ang mainit na tubig at ang malamig na tubig ay mabuti. Ngunit ang maligamgam na tubig ay hindi mabuti. Ang maligamgam na tubig ay nagpapakita ng mga gawa-at pag-uugali- na hindi nakasisiya sa Panginoon.
- Inisip ng mga mananampalataya sa Laodicea na sila ay mayaman espiritwal at hindi na nangangailangan ng anupaman (Pah 3:17). Ngunit, sa katunayan, sila ay mga espiritwal na pobre, bulag at hubad. Ang kanilang mapagmataas na pag-uugali, dagdag pa sa kanilang mahinang mga gawa, ay hindi nakalulugod sa Panginoon.
- Ang punto ni PC patungkol sa mga mapagkukunang kanilang sinasandigan ay nasa tamang direksyon. Ang mga mananampalataya ay may buhay ng Diyos sa loob natin at mayroong kapangyarihang sumunod (2 Ped 1:3). Ngunit maisasabuhay lamang natin ito kung tayo ay may tamang pag-iisip (Rom 12:2; 2 Cor 3:18). Ang teksto ay nagpapahiwatig na sila ay bulag espiritwal sa katotohanan ng kanilang kalagayan. Kailangan nila ang Diyos na gumawa sapamamagitan nila. Ang solusyon na binigay sa teksto ay pagsisisi: “Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga’y magsikap, at magsisi” (Pah 3:19). Dapat nilang talikuran ang mga maling gawain at pag-uugali, at maging masikap na pasiyahin ang Diyos. Ang sumunod na sitas, Pah 3:20, ay isang panawagan sa pakikisama sa Diyos para sa lahat ng nagbukas ng pinto sapamamagitan ng pagsisikap at pagsisisi.
Ito ang link (insert html) sa isa kong artikulo na tungkol sa ikapitong sulat sa pitong simbahan. Tingnan ito para sa karagdagang detalye.