Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ano Ang Ibig Sabihin Ni Moises Nang Hilingin Niya Sa Diyos Na Burahin Sa Kaniyang Aklat (Exod 32:32?)

Ano Ang Ibig Sabihin Ni Moises Nang Hilingin Niya Sa Diyos Na Burahin Sa Kaniyang Aklat (Exod 32:32?)

November 26, 2021 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Ngayon nakatanggap ako ng isang sulat na naka-type. Mula ito kay Martin. Tinatanong niya ang sikat na sitas sa Exodo 32:32.

Ang kabanatang iyan ay patungkol sa gintong guya. Habang si Moises ay nasa itaas ng Bundok Sinai at nakikipagpulong sa Panginoon (ang Panginoong Jesu-Cristo bago ang Kaniyang pagsasalaman) at tumatanggap ng Kautusan, si Aaron, sa pamimilit ng bayan, ay gumawa ng dalawang gintong guya para sambahin ng Israel. Dahil dito winasak ni Moises ang dalawang tipak ng bato kung saan isinulat ni Jesus ang Sampung Utos. Pagkatapos sinugo niya ang mga Levita sa katipunan. Tatlong libong tao ang napatay, marahil ang mga pinuno ng kaguluhan.

Pagkatapos, nakiusap si Moises sa Diyos na patawarin ang mga tao. Idinagdag niya, “Gayon ma’y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan-; at kung hindi, ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na isinulat mo” (Exod 32:32).

Ayon kay Martin, “Maraming tao ang pinapareho ang aklat ng buhay sa Aklat ng Pahayag.” Sa tingin ko ang ibig niyang sabihin ay maraming tao ang nag-aakala na ang aklat ng Diyos sa Exod 32:32 ay kapareho ng aklat ng Buhay na anim na beses binanggit sa Pahayag (3:5; 13:8; 17:8; 20:12, 15; at 21:27). Ang nag-iisang ibang banggit sa aklat ng buhay ay nasa Fil 4:3.

Sa pitong banggit ng Bagong Tipan sa aklat ng buhay, ito ay tumutukoy sa mga mayroong buhay na walang hanggan, maliban marahil sa Pah 3:5 kung saan maaaring ito ay hindi tumutukoy sa mga may buhay na walang hanggan kundi sa mga mananagumpay. Silipin ang 13 minutong podcast na aming nirekord ni Shawn patungkol sa Pah 3:5.

Martin, mahalagang kilalanin mo na ang Exod 32:32 ay hindi tungkol sa aklat ng buhay. Sa halip ito ay tumutukoy sa aklat ng Diyos. Sa sumunod na sitas, ang sabi ng Diyos, “”Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat (Exod 32:33). Ang ibig sabihin niyan ay nilinaw sa v 35: “At sinaktan nga ng Panginoon ang bayan, sapagka’t kanilang ginawa ang guya na ginawa ni Aaron.” Ang isyu sa vv 32-33 ay pisikal na kamatayan, hindi walang hanggang paghatol. Ang aklat ng Diyos sa mga sitas na ito ay ang aklat ng mga nabubuhay. Ang parehong ideya ay masusumpungan sa Awit 69:28.

Sa iyong pagbabasa ng Biblia at may nasumpungan kang mga sitas na tila sinasalungat ang Juan 3:16 o iba pang malinaw na mga sitas, pinapayo ko ang mga sumusunod:

  1. Tanggihan ang ideya na may salungatan. Ang Salita ng Diyos ay hindi sinasalungat ang kaniyang sarili.
  2. Kumapit sa katotohanan ng Juan 3:16 at ibang malilinaw na mga pangako ng buhay.
  3. Hingiin sa Diyos na ipakita sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng mga mahirap na sitas na ito.
  4. Konsultahin ang libreng search bar sa aming website (faithalone.org) at tingnan kung amin nang natalakay ang sitas o paksa na iyan.
  5. Kilalanin na ang mga salita at parirala ay may iba’t ibang kahulugan at maaaring ang problema ay binibigyan mong kahulugan ang mga salita o parirala na hindi tama para sa pasahe na iyong binabasa.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...
December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram