Bagama’t madalas nabubulagan dito, tayong lahat ay naiimpluwensiyahan ng ating mga tradisyong panrelihiyon. Kung hindi tayo mag-iingat, maaari nating silipin ang mga bagay sa mga maling lente ng mga tradisyong ito. Isang halimbawa ay kung paano natin iinterpreta ang ilang mga salita sa Biblia, na hindi kinukunsidera kung paano ginamit ang mga salitang ito.
Kunin natin halimbawa ang salitang kundemnasyon sa Judas 4. Maraming Cristiano ang naririnig ang salitang ito at awtomatikong iniisip ang lawa ng apoy. Naririnig natin ang maraming mangangaral na nagbabanggit ng kundemnasyon sa impiyerno. Sa Judas 4, ang hating-kapatid ng ating Panginoon ay sumulat tungkol sa mga “di banal na tao.” Sa marami, ito ay sumusuporta sa pangkaraniwang pananaw na ang tinutukoy ni Judas ay mga taong itatapon sa walang hanggang impiyerno. Ang ilan ay pinupuntong nagbabanggit si Judas ng mga huwad na gurong namumuhay nang hindi banal na pamumuhay. Ang lawa ng apoy ay ang lugar kung saan ang mga hindi banal na tao, lalo na ang mga hindi banal na mga guro, tutungo.
Ang ilan ay dadalhin pa ito sa mas malayo, na sumasalamin sa isa pang tradisyong panrelihiyon. Sinabi ni Judas sa kaparehong sitas, na ang mga taong ito ay “tinalaga” ng Diyos para sa kundemnasyon “nang una pa.”Ito ay sumusuporta sa maling pananaw na ang Diyos ay pumipili- kahit bago pa sila ipanganak- kung sino ang nasa kaharian at kung sino ang itatapon sa lawa ng apoy. Ang mga hindi banal na taong ito, kung gagamit tayo ng terminong panrelihiyon, ay “tinalaga” sa kundemnasyon ng walang hanggang impiyerno.
Nakahahanga, na base sa tradisyong panrelihiyon ng isang tao, ang interpretasyon ng isang salita ay tutungo sa iba’t ibang pagkaunawa. Ngunit si Judas ay hindi nagbabanggit ng alin man sa mga bagay na ito. Ito ay dapat maging babala sa ating lahat na mas maging maingat na mag-aaral ng Biblia. Dapat tayong maging maingat na huwag nating hayaang ang ating naunang tinanggap na mga tradisyon na siyang magdetermina nang walang pagsusuri kung paano interpreta ang Biblia.
Ang sinuman ay maaaring gumawa nang mabilisang pagsiyasat ng Griyegong salita para sa kundemnasyon sa Judas 4 (krima). Ito ay isang kumon na salitang BT, at malinaw na maraming beses na hindi tumutukoy sa “pagtungo sa impiyerno.” Maging sa ilang sitas lang na masusumpungan ito- 1 Cor 6:7; 11:29, 34; at San 3:1- makikita ito. Ang mga pasaheng ito ay nagbibigay sa sinumang mag-aaral na ang diwa ng salita ay mas mainam na isaling “kahatulan.”
Ano, kung ganuon ang uri ng “kahatulang” nasa isip ni Judas? Malinaw na ito ay “kahatulan” sa buhay na ito. Nagbigay siya ng tatlong halimbawa sa v5-7. Ang mga Judiong sumuway sa Diyos sa Kadesh-Barnea ay hinatulan at namatay sa ilang. Sa Genesis 6 ang mga nahulog na anghel na nagkasala ay hinatulan at tinapon sa kulungan- na hindi maaaring mangahulugang impiyerno, dahil sa ngayon ay wala pang sinumang nilalang ang nasa lawa ng apoy. Ang mga anghel na ito ay nasa kulungan na. Ang mga taga-Sodoma at Gomorrah ay hinatulan at pinatay ng Diyos dahil sa kanilang kasalanang sekswal.
Ang punto ni Judas ay dinetermina na ng Diyos sa nakaraang eternidad na parurusahan Niya ang mga tao sa mga kasalanan nila sa buhay na ito. Ang mga lalaki at babaeng gumagawa ng makasalanang mga gawain ay binubuksan ang kanilang mga sarili sa kahatulan. Totoo ito pareho sa mananampalataya at hindi mananampalataya. Ang mga huwad na gurong tinutukoy ni Judas ay delikadong humarap sa kahatulan anumang oras. Maaari itong bumagsak anumang oras. Sa kaso ng mga Judio sa Kadesh, marami sa kanila ay mga mananampalataya. Ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos ay nagresulta sa taon ng pagkakalat- at sa hulihan ay kamatayan- sa ilang. Hindi sila nakapasok sa mga pagpapala ng Lupang Pangako.
Malaking pagkakaiba ang makikita sa kung ano ang pakahulugan ni Judas ng salitang “kundemnasyon”! Ang ating mga tainga, na sinanay ng ating mga tradisyon, ay maaaring kunin ang salitang iyan at gawin itong halimaw sa tradisyon. Maaari nating ituro na ang ilang tao ay pinili ng Diyos para sa walang hanggang lawa ng apoy at wala silang magagawa tungkol dito.
Kasabay nito, ang mga tradisyong ito ay maaaring maging dahilan upang hindi natin makuha ang aktuwal na puntong gustong gawin ni Judas. Ang kasalanan sa buhay ng parehong mananampalataya at hindi mananampalataya ay nag-iimbita ng kahatulan ng Diyos. Ang pagpasok sa kaharian ay isang regalo na ibinigay sa lahat ng nanampalataya kay Jesus para rito. Si Judas ay bumabanggit ng ibang isyu. Pinaaalalahanan niya ang lahat na makikinig na ang Diyos ay isang banal na Diyos.
Nawa ang Judas 4 ay muling magpaalala sa atin na ang Salita ng Diyos mismo ang nagdidikta sa atin kung paano ito iinterpreta.