Ito ay natanong sa aking Sunday School class nitong nakarang Araw ng Panginoon. Iminungkahi kong ang pagpapahayag ng ating mga kasalanan ay nangangahulugang pag-amin sa Diyos na tayo ay nagkasala kapag ating natanto ito.
Ngunit kailangan ba nating makaranas ng kalungkutan para sa ating mga kasalanan? Kung oo, gaano kalungkot ba tayo? At paano natin malalaman kung sapat na ang ating kalungkutan?
Ngayon ko lang napagtanto na hindi ako nakagawa ng pag-aaral sa salitang sinaling ipahayag. Ito ay ang salitang Griyegong homologeo.
Ito ay ginamit ng dalawampu’t anim na beses sa BT. Pinag-aralan ko ang lahat ng mga ito bilang paghahanda sa blog na ito.
Ito ay minsan lang may layon na mga kasalanan, sa 1 Juan 1:9.
Sa ulat ng Kasulatan tungkol sa ministerio ni Juan Bautista, isang kamag-anak na pandiwa, exhomologeo, ay makalawang ginamit na pantukoy sa pagpapahayag ng mga kasalanan (Mat 3:6; Marcos 1:5).
Ang homologeo ay ginamit sa Dakilang Puting Luklukan nang sabihin ni Jesus na, “Ipapahayag ko sa kanila….” (Mat 7:23).
Ito ay ginamit din sa Mat 10:32 at Luk 12:8 sa pagkilala, bilang kabaligtaran ng pagtanggi, kay Jesus bilang Cristo. Ang parehong diwa ay masusumpungan sa Juan 9:22; 12:42; 1 Juan 2:23; 4:2, 3, 15; 2 Juan 7; Pah 3:5; at marahil 1 Tim 6:12. Ang iba pang gamit kung saan ang diwa ay pagkilala ay Gawa 23:8; 24:14; Heb 11:13.)
Ginamit ito sa Mat 14:7 bilang pantukoy sa pangako ni Herodes.
Sa Juan 1:20 ito ay tumutukoy sa deklarasyon o patotoo ni Juan Bautista, “Hindi ako ang Cristo.”
Ito ay sinaling sinumpa (KJV, NKJV) o dineklara (NET) sa Gawa 7:17.
Sa Roma 10:9-10, iminungkahi ni Hodges na ang homologeo ay may parehong diwa ng pagtawag sa Kaniyang pangalan (Romans, p. 299).
Karamihan sa mga salin ay sinalin ito bilang pagpahayag sa Tito 1:16.
Ito ay sinalin na pagbibigay ng pasasalamat sa Heb 13:15 (NKJV at NASB; ang NET at ESV ay may pagkilala; ang NIV ay may paghayag; ang ilan ay may pagkumpisal).
Ano kung ganuon ang kahulugan ng homologeo sa 1 Juan 1:9? Sa Ingles ang mga salitang lalapat ay: pagkilala, pag-amin o pagdeklara.
Kapag pinahayag natin ang aitng mga kasalanan, kinikilala natin ang mga ito. Ang kabaligtaran ng pagpahayag ng ating mga kasalanan ay ang itanggi ang mga ito (1 Juan 1:10).
Tayo ay nasa madula na tungtungan kong imumungkahi nating ang pagpapapahayag ay may kasamang kalungkutan sa ating mga kasalanan. una, ang salitang homologeo ay walang kinalaman sa pagiging malungkot. Ikalawa, ang kalungkutan ay isang subhetibong karanasang may iba’t ibang karanasan. Maaari tayong bahagyang malungkot, may katamtamang kalungkutan o nalulungkot nang husto. Hindi posibleng ikwantidad ang ating kalungkutan. Ikatlo, hinihingi ng Diyos na ating kilalanin ang ating mga kasalanan, hindi ang malungkot para rito.
Sa pagsasabing ito, ang 1 Juan 1:9 ay hindi pormulang mahikal. Ang pagkilala n gating mga kasalanan ay epektibo lamang kung tayo ay lumalakad sa liwanag (1 Juan 1:7). Ang mananampalataya na kasama ng Diyos ay lumalakad sa liwanang. Ang ganitong tao ay kailangang kilalanin ang kaniyang mga kasalanan kapag ito ay kaniyang natanto upang manatiling kasama ang Diyos. Ngunit ang isang mananampalatayang wala sa pakikisama- siyang nasa espirituwal na malayong bansa- ay kailangang magsisi ng kaniyang mga kasalanan (Lukas 15:11-32) upang makabalik sa pakikisama.
Sa kaniyang komentaryo sa 1-3 Juan, si Hodges ay may nakatutulong na pahayag:
Dapat bigyang pansing ang salitang pagsisisi ay hindi ginamit dito, o kahit saan man sa epistula. Ang dahilan para rito ay napakasimple. Sa gamit ni Juan, ang Cristianong pagsisisi ay akma kapag may isang pardon ng kasalanang paulit-ulit at kailangan ng pagbabago (Pah2:5, 16, 21, 22; 3:3, 19). Sa ating teksto, si Juan ay nangungusap tungkol sa mga nadiskubre ang kasalanan habang sila ay may pakikisama sa Diyos, hindi ng mga nalayo mula sa Kaniya o naiwala ang dating taglay na espirituwal na kalagayan. Iyan ay hiwalay na isyu. Ang mambabasa ng Unang Juan ay espirituwal na natatag at walang dapat ipagsisi (tingnan ang 2:12-14, 21). Ang kanilang trabaho ay ang “manatili,” o “manahan” kay Cristo at sa Kaniyang katotohanan (tingnan ang 2:24, 28), at hindi “ang bumalik” sa Kaniya (p. 63).
Samantalang totoong habang tayo ay lumalakad sa liwanag ay may ilang antas ng kalungkutan sa ating mga kasalanan, ang paglalakad sa liwanag ang lumilikha ng kalungkutan, hindi ang pagkilala ng mga kasalanan.
Naalala ko si Zane Hodges na sinasabing ang puso ng pagpapahayag ng kasalanan ay ang pusong tapat sa Diyos. Huli nito nang mainam ang ideya.
Hinihikayat ko kayong magkaroon ng oras upang aralan ang lahat na dalawampu’t anim na gamit ng BT sa homologeo. Ito ay isang masayang pag-aaral.