Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; old things have passed away; behold all things have become new (NKJV).
Therefore, if anyone is in Christ, the new creation has come: The old has gone, the new is here! (NIV)
So if any one [be] in Christ, [there is] a new creation; the old things have passed away; behold all things have become new (Darby).
Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago. (Ang Biblia)
Sinasabi ba ni Pablo na kapag ang isang tao ay ipinanganak na muli, huminto na ang lahat ng pagnanasang magkasala? Sinasabi ba niyang sa sandali ng pananampalataya, ang isang tao ay naging sakdala espirituwal?
Hindi. Tingnan ang testimonyo ni Pablo sa Roma 7:13-25 tungkol sa kaniyang paglaban sa mga layaw ng laman sa pasimula ng kaniyang Cristianong karanasan.
Ganuon din basahin ang dalawang epistula ni Pablo sa mga taga-Corinto. Ang kanilang gawi ba ay biga at radikal na nabago? O kailangan ba nilang lumago? Tingnan ang mga epistula ni Pablo sa mga taga-Tesalonika at mga taga-Galatia. Ang paglago ay kumakain ng oras at hindi garantisado.
Ang Griyego ng unang bahagi ng 2 Corinto 5:17 ay: Hoste ei tis en Christo kaine ktisi. Mahalagang pansining walang mga salita para sa siya o mayroon sa orihinal na teksto, na maaaring magkaroon ng signipikanteng epekto sa ating interpretasyon.
Ang mga saling NIV at Darby ay naglagay ng there is (mayroon) bago ang “bagong nilalang.” Ganuon din ang The New Geneva Study Bible.
Sinasabi ni Pablo na ang ating pananaw ay nagbabago kapag tayo ay pinanganak na muli. Bigla nating natanto na tayo ay bahagi ng bagong mundo. Ang iba ay may buhay na walang hanggan at bahagi ng walang hanggang pamilya ng Diyos. Lahat tayo ay magkakasama magpakailan man. Ang iba ay walang buhay na walang hanggan, at malibang makarating sa pananampalataya bago sila mamatay, gugugulin nila ang eternidad na hiwalay sa atin at sa kaharian at pamilya ng Diyos.
Hindi ang ating gawi o pagnanasa na nagbao nang tayo ay ipinanganak na muli. Ito ay ang pagkatantong ang Diyos ay may ginawang bago. Bagama’t ang kaharian ay hindi pa dumarating, ang mga mamamayan ng kahariang iyan ay narito na, at ang Panginoong Jesus ay malapit nang dumating upang itatag ito.
Ang mga sitas bago at pagkatapos ng 2 Corinto 5:17 ay sumusuporta sa interpretasyong ito. Sa v16, sinabi ni Pablo na hindi na nila kinikilala ang sinuman nang ayon sa laman. Ang mga tao ay hindi na kinikilala bilang Judio o Gentil, mayaman o mahirap, o lalaki o babae. Sila ay nasa pamilya ng Diyos o hindi. Sa v20, si Pablo ay nakikiusap sa mga hindi mananampalatayang makipagkasundo sa Diyos.
May ganito ba kayong karanasan nang kayo ay makarating sa pananampalataya? Nagkaroon ka ba ng pag-aalala sa kaligtasan ng iyong mga kaibigan at minamahal sa buhay? Nagsimula ka bang manalanging sila ay makarating sa pananampalataya? Nag-aabang ka ba ng malapit na pagbalik ni Cristo? Kung oo, nararanasan ninyo ang bagong paglalang.
Si Furnish ay may magandang komento:
Ang Griyego ay mayroon lamang kaine ktisis (isang bagong kalalangan), kaya kailangang dagdagan ng paksa at pandiwa; maaaring “siya ay” (gaya nang karamihan sa mga saling Ingles) o mayroon (gaya ng Mof., NEB, JB). Ang huli ay mas kinikilingan dahil ang konteksto, ganuon din ang background ng ekspresyong kaine ktisis sa apokaliptikong Judaismo, ay nagmumungkahing higit pa sa kabaguhan ng indibidwal; tingnan ang KOMENTO. Sa mga sulat ni Pablo, ang ktisis ay halos laging patungkol sa kabuuan ng kalalangan (Roma 1:20, 25; 8:19, 20, 21, 22; ang tanging eksepsiyon ay Rom 8:39), at maling sundan ang Vulgata sa pagsalin nitong “nilalang” (hal. KJV, ASV, Wes). Ginamit ni Pablo ang parehong parirala, isang bagong kalalangan, sa Gal 6:15, at tila siya ang nagpasok nito sa bokabularyo ng Simbahang Cristiano (II Corinthians, pp. 314-315).
Sang-ayon si Garlang, na nagsasabing, “Sa konteksto binanbanggit niya ang pagbabago ng pananaw sa mga bagay; at ang pagbabagong ito ay nagaganap sa kumbersiyon, isang subhetibong karanasan” (2 Corinthians, p. 286). Sa tingin ko nang sinabi niyang subhetibong karanasan ibig niyang sabihin ay iba iba ang pagkaunawa ng mga indibidwal na mananampalataya sa bagong kalalangan na ito. At ang ating pagkaunawa ng bagong kalalangang sumakop sa ating mundo ay dapat lumago sa pagdaan ng panahon.
Komento ni Lenski, “’Ang kalalangan’ ay nagtutulak sa ating isipin ang ginawa ng Diyos nang Kaniyang lalangin ang sanlibutan” (1-2 Corinthians, p. 1039). Ang bagong kalalangang ito ay hindi pa kumpleto. Ito ay nagsisimula pa lamang. Darating pa ang Rapture, ang Tribulasyon, ang Hukuman ni Cristo, ang Dakilang Puting Luklukan , at ang bagong langit at bagong lupa. Lahat ay bahagi ng bagong kalalangan. Ang sinimula ng Diyos sa Hardin ng Eden ay nasa proseso ng restorasyon sa bagong kalalangan.
Kung ang sinuman ay na kay Cristo, mayroong bagong kalalangan. Ito ay mabuting balita. May bagong mundong darating.
Manatiling nakatuon sa biyaya.