Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ano Ang Gantimpala Sa Pagtapos Ng Karerang Cristiano?

Ano Ang Gantimpala Sa Pagtapos Ng Karerang Cristiano?

February 22, 2024 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

“At ang bawat tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira, ngunit tayo’y niyaong walang pagkasira” (1 Cor 9:25).

“Nagtutumulin ako sa hangganan sa gantingpala ng dakilang pagtawag ng Diyos na kay Cristo Jesus” (Fil 3:14).

Ang mga Cristiano ay tinakdaang tapusin ang karera ng Cristianong pamumuhay (1 Cor 9:24-27; 2 Tim 4:6-8). Ang lahat ng makatapos sa karera ay magtatamo ng gantimpala (1 Cor 9:25; Fil 3:14).

Ngunit ano ang gantimpala sa pagtatapos ng Cristianong karera?

May dalawang pananaw.

Ang una, na pinanghahawakan ng karamihan sa mga pastor ebangheliko at ng karamihan sa mga Arminiano at mga Calvinista, ay ang gantimpala sa pagtitiis ay ang pinal na kaligtasan. Kung ikaw ay magtitiis, gugulin mo ang eternidad na kasama si Cristo sa Kaniyang kaharian. Kung hindi ka makatiis, gugulin mo ang eternidad sa Lawa ng Apoy.

Ang ikalawang pananaw ay ang gantimpala ay paghaharing kasama ni Cristo. Ang mananampalatayang nakatiis ay maghaharing kasama ni Cristo magpakailan pa man at tatanggap ng mga tiyak na gantimpalang kaakibat ng paghahari (natatagong mana, bunga ng puno ng buhay, espesyal na puting damit, puting bato na may espesyal na ukit). Ang mananampalatayang hindi makatiis ay hindi maghahari. Subalit, siya ay nasa kaharian magpakailan pa man dahil ang kaligtasan ay pinal sa sandaling tayo ay manampalataya kay Jesus (Juan 3:16).

Ano ba ang kaibahan kung iniisip mong ang langit ay isang gantimpalang dapat mapanalunan?

Ito ay isang bagay ng buhay o kamatayan, ng langit o impiyerno.

Halimbawa ikaw ay kumbinsidong ang iyong walang hanggang kapalaran ay nakadepende sa pagtitiis sa pananampalataya at mabubuting gawa. Sa kasong ito, hindi ka naniniwala sa pangako ng Juan 3:16. Maliban na lamang kung ikaw ay naniwala sa pangako sa nakalipas o kaya ay naniwala sa hinaharap, ikaw ay mahihiwalay kay Cristo magpakailan pa man.

Kung ikaw ay isang mananampalatayang nalinlang ng mga huwad na aral sa bagay na ito, ang iyong paglilingkod kay Cristo ay may maling mga motibo. Hinahadlangan mo ang iyong pangkasalukuyan at eternal na mga pagpapala sa iyong pagtanggap ng huwad na evangelio.

Kung ikaw ay isang mananampalatayang nananatiling sigurado sa iyong kaligtasan at naghihintay sa nalalapit na pagbabalik ni Cristo, ikaw ay nagnanasang marinig na sabihin Niya, “Mabuti, tapat na lingkod” (Lukas 19:17). Naghihintay ka ng Kaniyang pagsang-ayon (1 Cor 9:27). Ang iyong buhay ay may kapunuan dahil ikaw ay “naglalakad sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa pamamagitan ng paningin” (2 Cor 5:7).

Ang buhay na walang hanggan ay isang regalo (Juan 4:10; Ef 2:8-10). Ito ay walang bayad (Pah 22:17). Ito ay hindi gantimpalang matatamo sa pamamagitan ng pakikibaka ng mabuting pakikibaka, ng pagtapos ng karera o ng panghahawak ng pananampalataya.

Mabuting nakatuon ang iyong mga mata sa gantimpala. Ngunit tiyakin mong tamang gantimpala.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...
December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram