Kahit ang mga hindi dispensasyunalista ay kinikilalang ang mga utos ng BT ay hindi kapareho ng mga utos sa ilalim ng Kautusan ni Moises at ang mga utos bago ang Kautusan ni Moises ay iba rin.
Si Scofield, sa kaniyang study Bible, ay nagmungkahing mayroong kabuuang pitong dispensasyon, at ang isa sa mga ito, ang tinatawag niyang kaharian, ay nasa hinaharap. (tingnan dito)
Kalaunan, ang mga tradisyunal na dispensasyunalista ay may nakikitang tatlong dispensasyon pagkatapos ng panahon ng simbahan: ang Tribulasyon, ang milenyal na kaharian at ang eternal na estado sa bagong lupa.
Ang bilang ng mga dispenasasyun ay hindi mahalaga. Ang susi ay ang kilalaning may iba’t ibang dispensasyon sa Kasulatan.
Marami sa mga hindi dispensasyunalista (hal, maraming mga teologong kobenantal) ang hindi naniniwalang magkakaroon ng Rapturo, ng Tribulasyon o ng Milenyo. Karamihan sa Sangkristiyanuhan ang naniniwalang ang susunod na dispensasyon ay ang panghuli at ito ay ang Eternal na Estado.
Gaano man karaming bilang ng dispensasyon ang nakikita ng isang tao, ang Diyos ay nagbago ng Kaniyang mga utos sa iba’t ibang panahon. Halimbawa:
- Bago nagkasala si Adan at si Eva, hindi inutos ang pananamit.
- Hanggang sa panahon ng Kautusan ni Moises, ang pag-asawa sa kapatid na babae, o hating-kapatid sa halimbawa ni Abraham, ay hindi pinagbabawal.
- Bago ang Baha, ang pagkain ng karne ay pinagbabawal (Gen 1:29; 2:16-17; 3:18-19). Tanging sa Gen 9:1-3 na sinabi ng Diyos na “bawa’t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo.”
- Sa ilalim ng Kautusan ni Moises, hindi na pagkain ang “bawa’t gumagalaw na nabubuhay” para sa bayan ng Israel. Ang mga hayop gaya ng baboy, hipon, sugpo, kuneho, daga, butiki, agila, lawin, pating at palos ay pinagbabawal para sa mga Judio.
- Sa panahon ng simbahan, ang mga karne ng mga hayop ay minsan pang legal muli.
- Ang mga handog na hayop ay hinihingi mula Genesis 4 hanggang Pentekoste, at kahit sa simula ng panahon ng simbahan, ang ilang halimbawa ng handog na hayop ay pinahihintulot.
- Ang pagtatrabaho ay pinagbabawal sa ikapitong araw hanggang sa Pentekoste, kung kailan ang utos ay binawi. Ang mga mananampalataya sa panahon ng Simbahan ay wala sa ilalim ng utos ng sabbat. Si Eric Liddell na bantog sa Chariots of Fire ay hindi dispensasyunalista.
- Sa ilalim ng Kautusan ni Moises ang mga pari ay mula sa tribo ni Levi. Ngayon, walang mga pari, mapa-Levita man o hindi. Ang mga grupong Cristianong may mga pari at altar ay hindi mga dispensasyunalista.
- Ang Kautusan ni Moises ay hindi umiiral sa panahon ng Simbahan.
- Ang Kautusan ni Moises ay iiral sa Tribulasyon at sa Milenyo.
- Walang templo sa panahon ng simbahan.
- Ang templo ay nakatindig hanggang AD 70, at magkakaroon muli ng templo sa panahon ng Tribulasyon at Milenyo. Ang mga Cristianong grupong may mga templo ay hindi dispensasyunalista.
Tila kumplikado ito. Ngunit hindi. Maaari ko itong ilarawan sa pagkukumpara nito sa presidensiyang Amerikano.
Tinatawag natin ang bawat termino ng presidente bilang kaniyang administrasyon. Ito ay isa pang termino para sa dispensasyon. May tinutukoy tayong dispensasyong FDR, dispensasyong Johnson, dispensasyong Reagan, dispensasyong Obama, dispensasyong Biden at dispensasyong Trump.
Ang mga taripa ni Trump, halimbawa, ay mga bagong utos para sa henerasyong ito. Ngunit may mga taripa noong mga naunang henerasyon. Ayon sa Wikipedia (tingnan dito), lumaki ang taripa mula dalawampu hanggang animnapung bahagdan, tapos bumalik sa dalawampu mula 1790 hanggang 1860. Mula 1861 hanggang 1933, ang US ay may mataas na mga taripa. Pagkatapos ng 1942, nagpanukala ang US ng tinatawag na malayang kalakal. Ngunit kahit sa nakaraang walumpung taon, mayroon tayong ilang mga taripa.
Ang mga dispensasyong Bush, Obama, Trump 1 at Biden ay lahat may taripa. Ngunit ang mga ito ay limitado. Ngayon, ang dispensasyong Trump 2 ay naglatag ng malawakang taripa.
Bawat pangulo ay gumagawa ng tinatawag na kautusang ehekutibo. Ang mga ito ay may pwersa ng isang batas. Kung minsan hinaharang ng mga hukom ang mga dikretong ito.
Ang lumang kasabihang, “mahalaga ang halalan” ay base sa konsepto ng mga dispensasyon. Bawat bansa sa mundo ay nagbabago ng kanilang batas kapag may bagong presidente o punong ministrong nahalal. Ang mga pagbabago ay maaaring maliit o malaki. Ngunit ang mga batas ay nagbabago.
Sa ikatlong bahagi, titingnan natin ang tatlong pangunahing pagtutol sa dispensasyunalismo.
Manatiling nakapokus sa biyaya sa pag-unawa ng nagbabagong kalikasan ng mga utos ng Diyos.


