SI Toby ay dalawang magandang mga tanong:
Tila isang laganap na aral ang manampalataya (o magtiwala) sa natapos na gawa ni Cristo sa krus para sa kaligtasan. Nanghahawak ako sa posisyung tayo ay dapat manampalataya sa pangako ni Jesus na buhay na walang hanggan. Ang nauna bang pananaw ay tama? Paano ko kakausapin ang mga taong naghahawak sa posisyung ito?
Salamat.
Unang tanong: Ang nauna bang pananaw ay tama? Ayon sa pagkakasaad ni Toby, ang sagot ay hindi. Hindi totoong ang lahat ng nanampalataya sa natapos na gawain ni Cristo sa krus ay naipanganak na muli. Maraming tao ang nananampalatayang binayaran ni Jesus ang lahat nating mga kasalanan sa krus, ngunit naniniwala ring kailangan nilang magtiis sa mabubuting gawa upang matamo ang pinal na kaligtasan. Naniniwala silang kapag sila ay nahiwalay, tutungo sila sa impiyerno.
Sa madaling salita maraming tao ang naniniwala sa 1 Cor 15:3-4 ngunit hindi naniniwala sa Juan 3:16.
Naniniwala ako pareho sa 1 Cor 15:3-4 at Juan 3:16. Ngunit ako ay kumbinsidong naipanganak na muli dahil naniwala akong totoo ang Juan 3:16. Kung naniwala lamang ako sa 1 Cor 15:3-4, ako ay hindi pa ring naipanganak na muli. (Para sa pagtalakay ng mga salitang “sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinagaral ko sa inyo” (1 Cor 15:2), tingnan ang artikulong ito at makinig sa podcast na ito. Ang sitas na ito ay patungkol sa sanktipikasyon, hindi kapanganakang muli.
Ikalawang tanong: Paano ko kakausapin ang mga taong naghahawak sa posisyung ito? Iminumungkahi kong gamitin ito bilang pagkakataon upang talakayin ang katiyakan ng buhay na walang hanggan. Maaari mong sabihin ang kagaya nito: Ako, rin, ay naniniwala sa magandang balitang inalis ni Jesus ang hadlang ng kasalanan sa krus. Ang Kaniyang natapos na gawa ang nagkumbinse sa aking ang Juan 3:16 ay totoo. Nakasisiguro aking hindi ako mapapahamak at ako ay may buhay na walang hanggang hindi maiwawala. Ikaw? Nakarating ka ba sa puntong ikaw ay siguradong hindi ka mapapahamak at mayroon kang buhay na walang hanggang hindi maiwawala?
Ito ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong maibahagi ang pangako ng buhay na walang hanggan sa iyong kaibigan sa paraang hindi kumprontasyunal. Inapirma mo ang kaniyang paniniwala at nabanggit mo ang isyu ng katiyakan.
Ngayon, maaari niyang sabihing naniniwala siyang kailangan mong magtiis upang makamit ang pinal na kaligtasan. Kung oo, maaaaari mong maibahagi ang katotohanang ang kaligtasan ay pinal kapag ikaw ay nanampalataya sa Panginoong Jesucristo.
Maaari niyang sabihing sigurado siya ng kaniyang eternal na hangtungan, ngunit iniisip niyang ang katiyakan ay hindi kailangan upang maipanganak na muli. Maaaring naniniwala siyang maraming nagpapahayag na Cristiano ay naipanganak nang muli. Kung oo, maaari mong ibahagi na tinatawag ng Gal 1:6-9 (ganuon din ang Juan 6:28-29) na tinatawag ang kaligtasan sa gawa na isang huwad na ebanghelyo. Binahagi mo ang ebanghelyo sa mga naniniwala sa kaligtasan sa gawa. Ang kaibigan mo ay hindi sapagkat iniisip niyang siya ay naipanganak nang muli.
Mahusay na tanong, Toby.