Si Chris ay may magandang tanong:
Kung ako ay manampalatayang si Jesus ay may kapangyarihang magbigay sa akin ng buhay na walang hanggan, iyan ba ay kapareho nang pananampalatayang Siya ang Tagapagbigay ng buhay na walang hanggang (dahil nananampalataya akong Siya ay may kapangyarihang magbigay sa akin ng buhay na walang hanggan)? Ang Kasulatan ay nagsasabing ang sinumang sumampalatayang si Jesus ang Tagapagbigay ng byhay na walang hanggan ay may buhay na walang hanggan, hindi ba? Kaya napapaisip ako kung ako ay may buhay na walang hanggan dahil si Jesus ay may kapangyarihang magbigay sa akin ng buhay na walang hanggan.
Marami na akong narinig na iba’t ibang anyo ng tanong na ito. Ito ay bumababa sa mga isyu kung kailangan ba nating manampalatayang si Jesus ay makapagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan dahil nanampalataya tayo sa Kaniya o kung Siya ay nagbigay sa atin ng buhay na walang hanggan dahil sumampalataya tayo sa Kaniya. Sa unang kaso, hindi natin alam kung saan tayo tutungo kapag tayo ay namatay, ngunit alam nating maliligtas tayo ni Jesus kung gugustuhin Niya. Sa ikalawang kaso, sigurado tayong makapipiling natin Siya magpakailan man dahil kaya Niyang iligtas ang lahat ng sumampalataya sa Kaniya at ginagarantiyahan Niyang gagawin ito. Ang Kaniyang garantiya ay mas maigi pa kaysa sa garantiya ng FDIC pamahalaang US.
Si Chris ay walang katiyakan ng kaniyang walang hanggang kapalaran: “Kaya napapaisip ako kung ako ay may buhay na walang hanggan.…”
Siya ay sumipi mula sa Juan 4:10 nang kaniyang banggitin si Jesus bilang “Tagapagbigay ng buhay na walang hanggan.” Kailangang pansinin ni Christ na sa Juan 4:10 ay may dalawang elementong dapat sampalatayahan, hindi lamang iisa. Hindi lamang kailangan nating sampalatayahang si Jesus ang Tagapagbigay; kailangan din nating manampalatayang si Jesus ay nagbibigay ng Regalo ng Diyos, at iyon ay ang buhay na walang hanggan, sa lahat ng uminom ng buhay na tubig- samakatuwid sa lahat ng sumampalataya sa Kaniya para sa regalong ito (Juan 4:14).
Inisip ng babae sa balon na si Jesus ay nag-aalok ng espesyal na uri ng tubig na nangangahulugang hindi na niya kailangang sumalok o uminom muli ng pisikal na tubig (Juan 4:15). Naunawaan niyang permanenteng aspeto ng buhay na tubig. Ngunit hindi niya pa nauunawaang ang tinutukoy Niya ay ang Kaniyang sarilin g buhay (Juan 11:25; 14:6), na Kaniyang ibinibigay sa mananampalataya. Ang buhay na iyan, kapag tinanggap, ay hindi maiwawala kailan man. Upang magkaroon ng Regalo ng Diyos- ang buhay na walang hanggang hindi maiwawala- kailangan niyang sumampalatayang ito ay ginarantiyahan sa lahat ng mananampalataya.
Hinihimok ko si Chris, at ang lahat ng walang katiyakan, na hilingin sa Diyos na giyahan sila sa katotohanan. Huwag kang minsanan lang humiling. Humiling ka nang paulit-ulit (tingnan ang Lukas 18:1-8; tingnan din ang Mate Mat 7:7-11). At samantalang ginagawa mo ito, basahin mo ang Evangelio ni Juan, ang natatanging aklat evangelistiko sa Biblia (Juan 20:30-31). Ito ay dinsenyo upang dalhin ang tao sa katiyakan ng kanilang walang hanggang kapalaran (hal. Juan 3:16; 5:24; 6:35, 37, 39-40, 47; 11:25-27).
Ang pananampalatayang si Jesus ay may kapangyarihan, awtoridad, at abilidad na magbigay ng buhay na walang hanggan ay mahusay. Ngunit ito ay hindi kapareho ng pananampalataya sa Kaniya para sa regalo ng Diyos. Kailangan mo ring sumampalatayang Siya ay naggagarantiya ng buhay na walang hanggan sa lahat ng sumampalataya sa Kaniya para rito.