Ang ekspresyong bunga [karpos, pang-isahan sa parehong lugar] ng Espiritu ay masusumpungan lamang nang makalawa sa Biblia- Gal 5:22 at Ef 5:9.
Ang ibang kaparehong ekspresyon ay bungang mapayapa [karpon, pang-isahan] ng katuwiran (Heb 12:11), ang bunga [karpos] ng katuwiran (San 3:18), ang mga bunga [karpon, pangmaramihan ng karpos sa MT at pang-isahan sa CT] ng katuwiran (Fil 1:11), ang mga bunga o mga ani [genemata, pangmaramihan ng genema] ng inyong katuwiran (2 Cor 9:10), ang bunga [karpon] sa kabanalan (Roma 6:22) at mabunga [mula sa karpophoreo] sa bawat mabuting gawa (Col 1:10).
Kung hindi tayo sinabihan kung ano ang kahulugan nito, iisipin nating ito ay isang simple at madaling maunawaang ekspresyon. Ito ay isang bungang binunga sa atin ng Espiritu Santo. Kailangan nating tingnan ang konteksto at ang turo ng natitirang bahagi ng Kasulatan upang masumpungan natin kung PAANO ang bungang ito ay makikita sa ating mga buhay, at ANO ang bungang ito. Ngunit ang ekspresyon mismo ay simple.
Ang malungkot, maraming pastor at teologo ang ginawa ang simpleng ekspresyong ito na isang sikreto sa Cristianong pamumuhay. Maraming kalituhang umiiral kung ano ang bunga ng Espiritu at kung paano matatamo ng mananampalataya ang bungang ito.
Sa isang artikulong online sa LifeTrainingCounseling.org na may pamagat na, “The Fruit of the Spirit is Singular” (Ang Bunga ng Espiritu ay Iisa), iminungkahi ni David Ralstong ang mga “may Espiritu sa loob nila,” ay sa nesesidad nagmamanipesta ng bunga ng Espiritu. Idinagdag niyang, “kung ang Espiritu ay tunay na nasa atin, makikita natin ang ebidensiya sa presensiya ng kabuuan ng ‘bunga’… hindi isa o dalawang katangian, kundi lahat [siyam] sila,” Tingnan dito.
Maaaring ganito ang pagkaunawa ng mga Calvinista dahil para sa mga Calvinista, lahat ng “tunay na mananampalataya” ay magpapatuloy sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang kamatayan.
Si Enid Oa ay may isang artikulo sa theGospelCitizen.com na may pamagat, “The Fruit of the Spirit” (Ang Bunga ng Espiritu). Iminungkahi niyang ang taong nakikita ang bungang ito sa kaniyang sarili ay “isang taong nakikisalamuhang paulit-ulit sa Espiritu Santo.” Tingnan dito.
Ang kaniyang paliwanag ay tila karismatiko at malamang na Arminiano.
Tatlong susi sa bungang ito ay ito ay isang bagay na (1) nabubuo sa atin (2) korporal (3) kapag tayo ay nananahan kay Cristo.
Ang mga birtud na ito ay korporeyt. Kung ang simbahan ay lumalakad sa kalayaan, ang punto ng Galatia 5, ang siyam na birtud na ito ay makikita. Pansining ang lahat ng siyam ay korporeyt. Hindi natin nakikita ang mga bagay gaya ng panalangin, paghihikayat, pagkumpisal kay Cristo, pag-aabuloy, pagmumuni, pagbabasa, atbp bilang ginagawa ng mga mananampalataya bilang mga indibidwal. Ito ay mga karanasang pangrupo.
Ito ang binubuo ng Espiritu sa katawan ng mga mananampalatayang lumalakad sa kalayaan.
Ito ang sinulat ni Hodges sa Santiago 3:18:
Ang mga taong ang gawi ay gaya ng nilarawan ng v17 ay kabilang sa mga nagsisigawa ng kapayapaan. (Ang saling “sa mga nagsisigawa ng kapayapaan… Ang kaniyang gawi (ang kaniyang binhi) ay may ultimong bunga sa katuwiran, dahil ang katuwiran sa mga mananampalataya ay lumalago at nananagana kapag sila ay nananahan sa kapayapaan. Sa liwanag ng diin ni Santiago sa kapayapaan sa kongregasyon (cf 4:1-3), marahil ang pariralang sa kapayapaan, ay mas maiging kasama ng pariralang bunga ng katuwiran, sa halip na natatanim gaya ng NKJV (ie, ang sugnay ay dapat basahing, “ang bunga ng katuwiran sa kapayapaan ay natatanim ng…”). Ang punto ay ang katuwirang ito ay naranasan sa isang atmospera ng kapayapaan kapag ang naghahasik ng kapayapaan ay naisagawa na ang gawa ng paghahasik at ang ani ay inani na sa simbahan.
Ang Fil 1:11 ay mababasang “mga bunga ng katuwiran” sa MT at “bunga ng katuwiran” sa CT. Naniniwala akong tama ang pangmaramihan.
Ang mga ito ay mga bungang “nagmumula sa katuwiran” (Moule).
Ang salungatan sa pangkalahatan sa Gal 5, at espisipiko sa Gal 5:19-24, ay sa pagitan ng laman at ng Espiritu.
Ngunit ang Espiritu ay hindi nalilikha ang bungang ito dahil lamang tayo ay ipinanganak nang muli o “nakikisalamuhang paulit-ulit sa Espiritu Santo,” anumang kahulugan nito.
Sa Biblia, ang ating mga buhay ay nababago sa pagkakaroon ng kaisipan ni Cristo (Roma 12:1-2; 1 Cor 2:14-16; 2 Cor 3:18), hindi sa pananalangin ng kung anong panalangin, pagsuko sa Espiritu Santo, pakikisalamuha sa Espiritu, atbp.
Sinabi ni Pablo sa Galatia 5 na ang paghahangad na ariing matuwid ng kautusan (Gal 5:4) ay ang paraan kung paano magkaroon ng mga gawa ng laman. Ang legalismo ay gumagawa ng mga gawa ng laman. Ang isyu rito ay hindi ang alkohol, marijuana, o ang mga social media ang gumagawa ng mga gawa ng laman. Ang gumagawa nito ay ang kaisipang legalistiko.
Ang paraan upang magkaroon ng bunga ng Espiritu ay ang paglakad sa kalayaan kung saan tayo ay pinalaya ni Cristo (Gal 5:1). Ito ay isang kaisipan. Narito ang ilang sa mga praktikal na halimbawa kung ano ang itsura nito:
- Pagkakaroon ng katiyakan ng eternal na seguridad.
- Pagiging mapagmatiyag sa nalalapit na pagbabalik ni Cristo.
- Pagiging bahagi ng isang maibiging simbahan kung saan ang Salita ng Diyos ay malinaw na tinuturo, na siyang nagpapabago ng aking isipan.
- Pagkakaroon ng halimbawa ng maka-Diyos na mga mananampalataya.
Kung ikaw ay nasa isang simbahang nagkakagatan at naglalapaan ang mga miyembro (Gal 5:15), lumabas ka na diyan. Tumakbo, huwag maglakad! Kung ang iyong simbahan ay mailalarawan ng siyam na birtud sa Gal 5:22-24, samyuhin mo ang mga aral at ang pakikisama.


