Sa Marcos 6:12-13, sinugo ni Jesus ang labindalawang alagad sa bansang Israel. Eksayting ang maging bahagi ng grupong ito. Itinuro nila ang parehong mensaheng tinuro ni Juan Bautista at ipinangaral ng Panginoon. Si Jesus ang Cristo. Ang nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan ay tatanggap nito. Kung ang bansa, sa kabuuan ay nagsisi ng kanilang kasalanan, ang kaharian ng Diyos ay darating sa henerasyong iyan.
Nangaral si Juan at si Jesus sa maraming mga tao. Ganuon din ang Labindalawa. May pribilehiyo silang pumunta sa maraming lunsod Judeo dala ang mabuting balitang ito.
Ngunit mayroon pa. Sa pamamagitan ng kapangyarihang binigay ng Panginoon, nakagawa sila ng mga himala. Nakapalayas sila ng mga demonyo at nagpagaling ng mga may karamdaman.
Wala akong alinlangang maraming nakarinig sa kanilang magturo at nakakita ng kanilang mga himala ang napahanga sa mga lalaking ito. Kumpiyansa rin akong may mga sandaling ang Labindalawa ay nagmamapuri sa kanilang mga nagawa. Madali para sa kanilang isiping sila ay matagumpay na mga alagad. Ang resulta ay nagsasalita sa kanilang mga sarili. Paano ba susukatin ng isang tao ang tagumpay maliban sa pagkakaroon ng at paghanga ng maraming tao?
Ngunit ang ganitong pananaw ng tagumpay ay nagreresulta sa kapahamakan. Aakalain ng isang alagad na natamo ang tagumpay kapag ang mga tao ay hanga sa kaniya. Kung maraming tao ang napahanga sa kaniyang mga kaloob at sa kaniyang pananalita, mabuti ang kaniyang ginagawa.
Ngunit hindi ito ang lumilikha ng matagumpay na alagad. Kahit sa Marcos 6, makikita natin kung paano sukatin ang tagumpay. Sa v30, bumalik ang mga alagad mula sa kanilang ministri sa bansa. Hindi natin alam kung gaano sila katagal sa kanilang pangangaral pero nang bumalik sila sa Panginoon, ikinuwento nila ang lahat sa Kaniya. Hindi nakapagtatakang, sinabi nila “ang lahat ng kanilang ginawa… at tinuro.”
Ang tunay na sukat ng kanilang ginawa ay makikita sa mga susunod na sitas. Sa v31, nirekord ni Marcos na maraming tao ang dumating upang pakinggan si Jesus. Sinabi ng mga alagad sa libo-libong tao na si Jesus ang Cristo. Ginawa nila ang mga himalang kanilang ginawa dahil sila ay kaniyang mga embahador. Dumating ang mga tao upang masdan ang tunay na bagay.
Anumang pagmamapuring naramdaman ng Labindalawa nang sila ay nangaral at nagpagaling ng maraming tao sa mga lunsod ay namamali ng lagay. Ang trabaho ng isang alagad ay hindi ang pahangain ang mga tao. Ito ay ang ituro ang mga tao kay Cristo. Nang dumating ang mga tao upang pakinggan ang Isang pinag-uusapan, ma-himala Niyang pinakain sila. Pinakita Niyang Siya ang kanilang Pastol (Marcos 6:39-43). Wala ang Labindalawa kung wala Siya.
Napapaisip ako kung ano ang pumasok sa isipan ng Labindalawa nang dumating ang mga tao upang pakinggan ang Panginoon. Nainis ba sila- kahit kaunti- na ang pokus ay nasa Kaniya? O taglay ba nila ang saloobin ni Juan Bautista- “Siya ay kailangang dumakila, at ako ay bumaba?”
Madaling maunawaan kung makaranas sila ng kaunting selos. Ngunit kumpiyansa akong ang ganitong damdamin ay lumipas nang sila ay magtamo ng espirituwal na maturidad.
Maaari tayong mahulog sa parehong bitag. Maaari nating isiping tayo ay mga tagumpay na alagad ni Cristo kapag ang mga tao ay hanga sa anumang maaari nating gawin. Ngunit ang tunay na sukatan ng tagumpay ay kung tinuturo natin ang mga tao sa Kaniya.