Minsan naririnig nating sinasabi ng mga taong hindi tayo dapat mag-alala sa pagkakaibang teolohikal. Na ang mga pagkakaibang ito ay hindi mahalaga. Ngunit ang ating teolohiya ay may epekto sa kung paano natin minamasdan ang mundo at ang mga tao sa mundong ito, kahit hindi natin ito namamalayan.
Ito ay aking naalala kamakailan habang nagbabasa ng isang Southern Baptist magazine. Isang artikulo ng isang lider ng denominasyong iyan ang umagaw sa aking atensiyon dahil binanggit nito si Peter Rose. Hindi ako sa kasalukuyang tagahanga ng beysbol, pero nang ako ay tinedyer ay oo. Ang aking lolo ay isang masidhing tagahanga ng Cincinnati Reds at nakikinig sa mga laro. Mahina ang kaniyang pandinig kaya ang kaniyang radio ay napakalakas. Kung ikaw ay nasa bahay, wala kang magagawa kundi makinig sa laro.
Si Peter Rose ay isang bituin nang mga panahong iyon. Hindi maglalaon siya ay magiging isa sa pinakadakilang manlalaro ng beysbol sa lahat ng kapanahunan. Sa katotohanan, siya ay may higit na tama kaysa sa sinumang manlalaro sa kasaysayan, na babasag sa rekord na tinala ilang dekada na ni Ty Cobb. Siya ay garantisadong mapabibilang sa Bulwagan ng Katanyagan ng Beysbol.
Ngunit hindi ganito ang nangyari nang basagin niya ang isa sa pinakakardinal na alituntunin ng beysbol. Nang matapos na ang panahon ng kaniyang paglalaro, siya ay naging coach. Ngunit bilang isang coach, siya ay tumataya ng bet sa ilang mga laro. Pinagbawalan siya habambuhay sa beysbol at hindi na karapatdapat maipasok sa Bulwagan ng Katanyagan. Marami ang nagsalita nang masasakit sa kaniya, na sinasabing isa siyang sanggano. Kalaunan napatunayang nagdadaya siya sa kaniyang buwis at nakulong.
Sa artikulong aking binasa, ang may-akda ay nagmuni-muni sa buhay ni Pete Rose. Isinaad niya ang kita ng lahat: si Rose ay “may ilang seryosong mantsa sa pagkatao.” Ngunit siya ay humugot ng ilang konklusyong hindi halata sa lahat. Malinaw na ang mga konklusyong ito ay nanggaling sa teolohiya ng may-akda. Sinabi niyang sa loob ng maraming taon, pinanalangin niyang si Rose “ay tatakbo palapit sa pagsisisi at pananampalataya sa Hari ng mga Hari” (The Courier, June 2023 edition, p. 3).
Nagitla ako ng pahayag na ito. Malinaw na nakikita niya si Rose bilang isang hindi mananampalataya. Sanay na akong makarinig ng pananaw na upang maligtasa kailan pa man ang isang mananampalataya ay kailangang tumalikod sa kaniyang kasalanan (magsisi) at magkaroon ng “tunay” na pananampalataya. ngunit ang teolohiya ng may-akdang ito ay dinala ang lahat sa lohikal na konklusyon. Si Pete Rose ay hindi maaaring maging mananampalataya dahil sa pananaw ng may-akda, walang mananampalataya ang magdaday ng kanilang buwis o gagawa ng ilegal sa kanilang trabaho, gaya halimbawa ng paglalagay ng bet ng isang coach sa isang larong beysbol.
Mahirap para sa aking isipin ang hatulan ang walang hanggang kapalaran ng tao- kahit pa ng taong hindi ko kilala- gamit ang pamantayang ito. Hindi ba nakikita ng may-akda ang kasalanan sa kaniyang sariling buhay? Paano niya nalaman kung si Pete Rose ay nanampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan o hindi? Aaminin ko, sa aking palagay napakaliit ng mga kasalanan ni Peter Rose!
Paano nangyari, na ang manunulat ng Southern Baptist, kabilang sa isang denominasyong nanghahawak sa eternal na seguridad ng isang mananampalataya, ay nanghawak ng ganitong pananaw tungkol sa isang taong napapanood niya lamang sa telebisyon? Hindi niya hayag na sinabi ngunit siya ay nagbigay ng matibay na tanda. Nilista niya ang ilan sa kaniyang paboritong manunulat teolohikal. Kabilang dito sila John MacArthur, R. C. Sproul, John Piper, Albert Mohler, John Calvin at Martyn Lloyd-Jones. Sa katotohanan, sinabi niyang ang eksegesis ni MacArthur ng Kasulatan ay nakaimpluwensiya sa kaniyang sariling eksegesis higit sa kaninumang tao.
Marami sa mga mambabasa ng blog na ito ay nakikilalang ang mga taong ito ay nanghahawak sa teolohiya na nagsasabing ang tunay na mananampalataya ay dapat manatili sa mabubuting gawa at hindi dapat mahulog sa matinding kasalanan. ang isang taong gaya ni Pete Rose kung ganuon ay hindi maaaring maging anak ng Diyos.
Nakakahilakbot ito. Hindi ko alam kung mananampalataya o hindi si Pete Rose. Ngunit alam kong ang pagdaya ng buwis, paglabag sa alituntunin ng iyong trabaho, o ang pagkakulong ay hindi nagdidiskwalipika sa isang tao na maging anak ng Diyos.
May babala rito. Kailangan nating maging maingat kung kanino tayo nakikinig para sa ating teolohikal na pag-unawa. Ito ay may epekto sa kung paano natin nakikita ang sanlibutan. Wag nating isiping hindi mahalaga ang teolohiya. Ito ay maaaring maging dahilan upang baluktutin natin ang evangelio ng biyaya. Maaari nitong bulagin an gating mga mata sa lalim ng ating kasalanan at kung ganuon ay humatol sa iba nang may kabangisan. Maaari itong magtulak sa ating ipanalangin sa loob ng mahabang panahon para sa kaligtasan ng taong hindi pa natin nakikita. Ang ating teolohiya ay maaaring maging dahilan upang tayo ay magmataas at hindi maisipan na marahil kahit si Pete Rose ay naligtas ng biyaya ng Diyos.