Ang aklat ng Roma ay madalas makita bilang isang aklat na nagsasabi sa mga tao kung paano ang tao maligtas mula sa lawa ng apoy. Maraming mga ebanghelistikong tracts ang gumagamit ng iba’t ibang sitas mula sa aklat upang sabihin sa isang hindi mananampalataya kung paano maligtas. Kapag ito ay hinalo mo sa tendensiya ng maraming taong makita ang buong BT bilang sinulat para sa ganitong layunin, hindi nakapagtataka na maraming Cristiano ang iniinterpreta ang malaking bilang ng mga sitas sa Roma bilang nagbabanggit ng walang hanggang kaligtasan.
Lehitimong itanong kung ito ba ang tamang panimula sa pagdetermina ng tinuturo ng BT. Halimbawa, ang aklat ng Roma ay sinulat sa iglesia sa Roma (Roma 1:7). Nakakasorpresa kung si Pablo ay susulat ng isang aklat sa mga mananampalataya na nagtuturo sa kanila kung paano maging mananampalataya!
Gusto kong silipin ang isang partikular na sitas sa Roma upang makita kung paano ang madalas na tendensiyang ito ay nagreresulta sa nakalilito at maging walang saysay na interpretasyon. Ang sitas ay mas magiging makabuluhan kung ito ay uunawain bilang nangungusap sa mga dati ng Cristiano.
Sa Roma 5:16, sinabi ni Pablo, “Sapagkat ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa datapuwat ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.” Madalas marinig ang mga taong magsabi na ang sitas na ito ay nangangahulugang bago tayo manampalataya tayo ay nasa ilalim ng kahatulan. Na ang kahatulan ay kundenado tayo sa impiyerno. Ngunit sa sandaling manampalataya, tayo ay tumanggap ng libreng regalo ng buhay na walang hanggan matapos matanggap ang pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang resulta ay tutungo ang mananampalataya sa langit.
Maraming problema sa madalas na interpretasyong ito. Una sa lahat, ang Roma 5-8 ay tungkol sa Cristianong pamumuhay. At kahit pa na sa partikular na sitas na ito, ay sinasabi lamang ni Pablong ang mananampalataya ay tutungo sa langit at ligtas mula sa impiyerno, siya ay magiging paulit-ulit. Sasabihin niyang bilang hindi mananampalataya tayo ay nasa ilalim ng kahatulan (patungo sa impiyerno), at ang kahatulang ito ay nagresulta sa kundenasyon (patungo sa impiyerno). At tayo ay tumanggap ng buhay na walang hanggan (patungo sa langit) at ito ay nagresulta sa pag-aaring ganap (patungong langit). Sa akin, ito ay walang saysay.
Mayroong mas maiging paraan ng pagtrato sa sitas na ito. Si Zane Hodges ay may mahusay na pagtalakay nito sa kaniyang aklat na Romans: Deliverance From God’s Wrath, na mabibili sa GES website. Pinunto niyang ang salitang kahatulan at kundenasyon ay dalawang magkaibang salita sa Griyego (at maging sa Ingles at Filipino rin!). natural lamang na isiping hindi sila tumutukoy sa parehong bagay. Ang kahatulang binabanggit ni Pablo ay ang kamatayang pisikal kay Adan. At ang kundenasyon ay bilang mga hindi mananampalataya tayo ay alipin sa kasalanang gumagawa sa ating mga patay na katawan. Kailangan nating paglingkuran ang kasalanan. Ganiyan ang epekto ng kasalanan sa atin ngayon.
Ang libreng regalong tinanggap natin sa pananampalataya ay ang ating pag-aaring matuwid o ganap (Roma 3:24). Ang salitang Griyego na ginamit para sa pag-aaring matuwid sa 5:16 ay iba sa salitang ginamit ni Pablo para sa pag-aaring matuwid sa unahang bahagi ng aklat. Nangangahulugan itong matuwid na mga gawa o gawi. Ang salita ay nangangahulugang matapos nating ihayag na matuwid ng Diyos (ariing matuwid), ang mananampalataya ay maaari nang magbunga ng matutuwid na mga gawa.
May parallel dito. Bilang hindi mananampalataya, tayo ay nasa ilalim ng kahatulan ng kamatayang dala ng kasalanan. Ito ay nagresulta sa pagiging alipin ng kapangyarihan ng kasalanan. Nang tayo ay manampalataya, tayo ay hinayag na matuwid bilang regalo mula sa Diyos. Ito ay nagbigay sa atin ng pahintulot na mamuhay nang matuwid. Ito ay nagresulta sa pag-aari sa ating matuwid.
Siyempre hindi ito awtomatiko. Ang mananampalataya ay kailangan munang lumakad sa kapangyarihan ng Espiritu. Ngunit ito ang paksa ng Roma 5-8 (Roma 8:12-13). Anong pagkakaiba ang binibigay nito sa pag-intepreta ng sitas na gaya ng Roma 5:16 kapag ating naunawaang ang Roma ay sinulat sa mga mananampalataya upang turuan sila kung paano mamuhay. Hindi sinasabihan ni Pablo ang mga mananampalataya na sila ay papuntang langit (alam na nila iyan); sinasabi niya sa kanila na mararanasan nila ang buhay na iyan ngayon at dito.
Nagpapakita si Pablo ng malalim na mga katotohanan dito. Kay Cristo, ang mananampalataya ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan (kundenasyon). Hindi na niya kailangang paglingkuran ito. Dahil, bilang libreng regalo, mayroon tayo ng Kaniyang Espiritu at tayo ay hinayag na matuwid ng Diyos, magagawa natin ang mabubuting gawa sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan sa atin.
Ito ay hindi isang maliit na bagay. Matagal nang dapat hatiin nang matuwid ng mga gurong Cristiano ang Salita ng Diyos. Kapag iniisip nating ang aklat na gaya ng Roma ay nagsasabi sa mga tao kung paano takasan ang impiyerno, ninanakawan natin sila ng kahanga-hangang doktrina para sa mga mananampalataya. Sa halip, maaari nating sabihin sa kanila kung paano takasan ang kapangyarihan ng kasalanan, na pamilyar tayong lahat.