Sa Pahayag 21:9-21, nilarawan ni Juan ang Bagong Jerusalem. Ito ang tirahan ng mga mananampalataya sa walang hanggan kaharian. Tinutukoy ito ni Jesus nang Kaniyang sabihin sa mga alagad na Siya ay lilisan upang maghanda ng isang lugar para sa kanila (Juan 14:3). Ito ay isang malaging lunsod, at sinabi ni Juan na mayroon labindalawang pintuan sa mga haligi nito. Ang mga pintuan ay malalaking perlas. Ito ang pinagmula ng pariralang “pintuang perlas” na minsa’y ginagamit ng mga tao na pantukoy sa eternidad.
Ang pangitain ng Bagong Jerusalem ay may malaking epekto kay Juan. Sinabi niyang lahat ng tao sa buong kaharian ay tutungo sa lunsod, dala ang “kapurihan at kaluwalhatian” ng mga bansa (v27).
Ang larawan, kung ganuon, ay lahat ng tao sa kaharian ng Panginoon ay papasok sa Bagong Jerusalem. Maaari natin itong tawaging ang kabisera ng kaharian ng Panginoon. Ito ay magiging lugar nap uno ng kagandahan at saganang aktibidad.
Subalit sa pagtatapos ni Juan ng Aklat ng Pahayag, may dinagdag siyang isang bagong gusot patungkol sa pintuan ng lunsod na ito. Sinabi niyang ang mga makapapasok sa mga pintuang ito ay ang mga sumunod sa kautusan ng Panginoon. Ang pribilehiyo ng paggamit ng mga ito ay nakasalalay sa pagsunod. Ito ay isang gantimpala.
Tila may salungatan dito. Sinabi ni Juan na lahat ng mga bansa ay papasok sa lunsod, ngunit sinabi niya ring tanging ang mga sumunod sa Panginoon ang makapapasok sa pintuan. Ang ilan ay nagsasabing lahat ng mananampalataya ay sumunod sa Panginoon at kung ganuon lahat ng mananampalataya ay makapapasok sa lunsod sa pamamagitan ng mga pintuan. Ang pananaw na ito ay tinatangging may mga gantimpala sa darating na kaharian dahil nakikita nito ang lahat ng mga mananampalataya bilang mga tapat.
Subalit, malinaw ang BT na hindi lahat ng mga mananampalataya ay masunurin. Hindi lahat ng mananampalataya ay gagantimpalaang pantay-pantay. Mas maiging makita ang Pah 22:14 bilang paglalarawan ng gantimpalang ibibigay sa iilan lamang na mananampalataya.
Ngunit ano ang ibig sabihin nito? Lumalabas na ang kahanga-hangang lunsod na ito ay maraming paraan upang makapasok rito. Ngunit mayroong labindalawang pintuang nakalaan lamang para sa mga tapat na mananampalataya. Isang malaking karangalang makagamit sa mga ito.
Nang ako ay nasa hukbong sandatahan pa, may ilang mga gusaling may espesiyal na pintuan. Madalas may nakapaskil sa taas ng mga ito na “Pintuan ng Pinuno.” Nangangahulugan itong tanging ang boss at ilang piling kagawad niya ang makagagamit ng pintuang ito. Ang mga pintuang ito ay magbibigay ng pagkakataon sa gagamit na iwasan ang mga lugar na masikip sa sobrang gamit at mas mabilis na makapasok sa kaniyang opisina. Ang ilan ay kailangang umikot sa gusali para makapasok. Ang paggamit ng pintuang ito ay isang pribilehiyong ibinigay lamang sa mga taong nasa kapangyarihan. Minsan ang mga pintuang ito ay dumidiretso sa silid-pulungan. Sa silid na ito, ang kumander ang ang kaniyang kawani ay nagpupulong upang pag-usapan kung ano ang gagawin ng yunit.
Sa LT, ang pagpupulong ay ginagawa sa mga pintuan ng lunsod. Ang mga matatanda ay magtitipon dito upang magbigay ng mahahalagang desisyon. Ang mga pintuan ay mga lugar ng kapangyarihan.
Nilalarawan ni Juan ang kaparehong sitwasyon. Ang mga pintuang perlas na ito ay ang paraan upang ang mga mananampalatayang ginantimpalaan ay makapapasok sa kahanga-hangang lunsod. Ito ay isa sa maraming paraan upang ipahayag ng Panginoon ang katapatan ng mga mananampalatayang ito.
Ang aking hula ay ang mag pintuang ito rin ang mga lugar kung saan ang mga maghaharing kasama ni Cristo ay magpupulong upang talakayin at planuhin ang mga bagay na gustong ipagawa ng Panginoon. Maraming bagay na kailangang gawin at maraming desiyong dapat gawin. Ang Hari ay magbibigay ng kapangyarihan sa mga gagawa ng desisyong ito. Madalas, ang mga desisyong ito ay mga talakayang gagawin sa pintuang perlas ng Bagong Jerusalem.
Ano ang magiging itsura nito? Maraming mga katanungan. Ang paglalarawan ni Juan ng lunsod at ng mga pintuan nito ay nagpapasilip sa atin ng kung ano ang magiging itsura nito. Gayun pa man alam nating ito ay isang malaking pribilehiyong para sa mga binibilang na karapat-dapat.