Kamakailan nakausap ko ang isang kaibigang nagtatrabaho sa isang ministring tinatawag na Young Life. Ito ay isang samahang nakatuon sa mga kabataan. Ang tagapagtatag ay si Jim Rayburn. Sinabi ng kaibigan kong malimit simulan ni Rayburn ang kaniyang mga mensahe nang pahayag na umaagaw ng kanilang atensiyon. Sasabihin niyang, “Si Jesucristo ang pinakanakabibighaning Personang nabuhay kailan man.”
Ang hula ko ay nasosorpresa ang mga kabataang nakikinig sa mga panimulang salitang ito. Ang mga nasa edad nila ay malimit na nag-aalala sa kanilang anyo, at hindi pa nila narinig ang pahayag na ito dati. Marahil nakikita nila Siya bilang isang punong panrelihiyon mula sa nakalipas at hindi “cool.” (Okey, iyan ang terminong ginagamit namin nang bata pa ako. Marahil ang mga kabataan nang panahon ni Rayburn ay hindi.) Hindi Siya ang iisipin nilang kabighabighani.
Ngunit kahit ang mga matatanda ay maaaring magtaka kung ano ang ibig pakahulugan ni Rayburn. Wala sa BT na pahiwatig na si Jesus ay isang gwapong Lalaki. Higit sa lahat, marami sa atin ang pamilyar sa sinabi ng Propeta Isaias tungkol sa Kaniya:
“Walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan SIya ay walang kagandahan na magnanais tayo sa Kaniya (Is 53:2, dinagdagang diin).
Siyempre iba ang pananaw ni Rayburn kung ano ang kahulugan ng kabighabighani. Hindi niya tinutukoy ang malinaw na balat, mala-silkang buhok o magagandang mata ng Panginoon.
Kamakailan, nabasa ko ang isang aklat ni Ian McFarland tungkol sa Persona ni Cristo. Ito ay pinamagatang The Word Made Flesh: A Theology of the Incarnation. Tinatalakay ng aklat ni McFarland kung paanong si Jesus ay buong Diyos at buong Tao at paano ang sinaunang iglesia ay nakibaka kung paano ilarawan ang kahulugan nito. 400 taon matapos bumangong muli ang Panginoon, ito ay kinodigo sa Konseho ng Chalcedon. Tinalakay ni McFarland kung ano ang ibig sabihin ng ortodoks na doktrina ng Persona ni Cristo.
Iminungkahi ni McFarland na maraming Cristiano ngayon ang hindi nauunawaan ang sinabi ng iglesia sa Chalcedon. May sinasabi tayong mga eretikal nang hindi natin namamalayan. Halimbawa, pinaghahalo natin ang dalawang kalikasan ni Criso kapag sinasabi nating nakapaglakad Siya sa tubig o naibangon Niya ang mga patay dahil Siya ay Diyos. Sa halip, dapat nating makita ang mga ito bilang mga gawa ng Taong Jesucristo. Hindi natin nakikita ang Diyos (Juan 1:18), kaya kapag nakikita natin ang mga kilos ni Jesus, hindi nating nakikita ang Diyos kundi ang isang Tao.
Aaminin kong maraming bagay sa aklat na hindi ko nauunawaan. Kapag tinatalakay ng may-akda ang ilang bagay, sumisisid siya sa mga konseptong pilosopikal at ilang mga pagtatalo sa unang iglesia na hindi ko man lang narinig pa. Hindi ko nauunawaan ang nakaraan o ang konsepto. Malinaw na si McFarland ay may mas mataas na IQ kaysa akin. Minsan napapaisip ako kung ilang mga eretikal na kaisipan ang aking nasabi tungkol sa Panginoon nang hindi ko nalalaman.
Ngunit isang bagay ang alam ko: si Jesus ay mas dakila kaysa aking kayang unawain. Too, masasabi kong Siya ay buong Diyos at buong Tao, iisang Persona magpakailan man. Ngunit ang mga salitang ito ay isang mahinang pagsisikap na ilarawan Siya. Sino ang makakatingin sa Kaniya sa mga pahina ng BT at mag-aakalang naunawan na Siyang lubos? Siya ay sadyang napakadakila. Kung masasabi ko ito sa ibang paraan- Siya ay napakaganda. Marahil ito ang tinutukoy ni Rayburn.
Kapag ang mga hindi mananampalataya ay tumitingin sa Kaniya, makikita nila ang Isang nagbigay sa kanila ng buhay na walang hanggan bilang isang regalong hindi maiwawala kung sila ay sasampalataya sa Kaniya para rito. Gaano kaganda ito? Ang isang mananampalataya ay tumitingin sa Kaniya at nauunawang nais nating maging kawangis Niya (2 Cor 3:18). Kung tayo ay marunong makikita nating may kagandahan tungkol sa Kaniya’t na sadyang kabighabighaning hindi mailalarawan ng mga salita. Nais nating maging kawangis Niya. Mas madalas natin Siyang namamalas sa mga pahina ng Kasulatan, mas lalo tayong umaasa para sa araw na makikita natin Siyang mukhaan.
Tiyak ito ang pinakahuhulugan ni Rayburn. Ang ating Tagapagligtas ay napakadakilang hindi nating mauunawang lubos kung gaano ba talaga Siya kadakila. Gayon pa man, sa buong eternidad sasang-ayon tayo- Siya ang pinakanakabibighaning Personang nabuhay kailan pa man. Ngunit sa tingin ko isang bagay pa ang kailangang masabi. Siya ay mas lalong magiging kabighabighani sa atin habang gumugulong ang eternidad.