Si MG ay may tanong,
Akin pinag-aaralan ang 1 Tesalonica 4:13-14, at ayon dito ang pananampalataya sa kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Jesus ang tanging kailangan upang maibangon mula sa libingan. Subalit ang Kasulatan ay malinaw na ang pananampalataya kay Jesus para buhay na walang hanggan ang tamang kundisyon (Juan 3:16; Juan 5:24, atbp). Tama bang sabihing tinutukoy ni Pablo ang magaganap sa Juan 11:25-27? Ang pananampalataya bang si Jesus ay muli kang bubuhayin mula sa mga patay upang mkapiling Niya magpakailan man ay isang paraan ng pagpapahayag ng walang hanggang kasiguruhan?
Oo at oo.
Ang 1 Tesalonica 4:13-18 sa kaniyang pinakadiwa ay isang paraang ng pagsang-ayon sa katotohanan ng Juan 11:25-27. Sinulat ni Pablo, “Sapagka’t kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya” (1 Tesalonica 4:14). Ang punto niya ay ang pananampalataya natin sa Kaniyang kamatayan at muling pagkabuhay ay pagsang-ayon sa katotohanan ng pre-trib rapture. Bagama’t maaaring manampalataya sa una at hindi sa huli, ito ay isang illohikal na posisyon. Ang Juan 11:25 ay pangako ng pagkabuhay na mag-uli: “Ang sumampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya.” Iyan ang paliwanag ni Jesus sa katotohanang “Ako ang pagkabuhay na maguli…” Dahil sa Siya ay bumangon, ibabangon Niya ang lahat ng nanampalataya sa Kaniya. Iyan ay magaganap sa Rapture, bagama’t yan ay hindi malinaw sa Juan 11:25-27.
Kung ako ay nakatitiyak na ako ay muling ibabangon upang makapiling ang Panginoong Jesus magpakailan man (“At sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man,” 1 Tes 4:17), nangangahulugan itong ako ay tiyak na mayroon akong walang hanggang kasiguruhan.
Ang katotohanan ng rapture ay katotohanan ng walang hanggang kasiguruhan.