Sa iglesia nitong nakaraang Linggo, nakarinig ako ng isang mainam na sermon sa Lukas 18:9-14, ang Parabula ng Pariseo at Publikano. Nakita nang malinaw ng mangangaral ang saloobing mapagmatuwid sa sarili sa parte ng Pariseo at saloobing mapagkumbaba sa publikano. Iminungkahi niyang ang maniningil ng buwis ay inaring matuwid nang araw na iyon. Ang kaniyang kapakumbabaan ay nagpapakita nang kaniyang pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walan g hanggan.
Nanghawak ako sa pananaw na ito hanggang 2008, taon matapos kong magtapos mula sa DTS ng aking masteral (1982) at doctoral (1985). Ang pananaw na iyan ay ortodoks kung ang maniningil ng buwis ay inaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Ngunit hindi na kao naniniwalang iyan ang tinuturo ng pasahe.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Dr. Rene Lopez. Tinatapos ni Al Valdes ang kaniyang komentaryo sa Lukas at Gawa. Mahabang oras ang naubos nila Rene at Al sa pagtalakay ng Lukas 18:8-14 at sa pag-aaring matuwid na nabanggit dito.
Naninindigan si Rene na ang Panginoon ay hindi nagtuturo ng porensikong pag-aaring matuwid sa harapan ng Diyos nang sabihin Niyang umalis mula sa templo ang maniningil ng buwis na inaring ganap.
Inabot siya nang mahigit kalahating oras nang masigasig na debate bago niya ako nakumbinse na siya ay tama. Matigas ang aking ulo. Ngunit kung kilala niya si Rene, alam ninyong isa siyang mahusay na debatista.
Ito ang mga ebidensiyang kaniyang binanggit:
- Kailan man ay hindi nakabanggit sa apat na Evangelio ng kahit anong maipapaliwanag bilang pagtuturo ng pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
- Ginamit Niya lamang ang salitang inaring matuwid (dikaioo) nang anim na beses sa Evangelio. Sinabi Niyang ang karunungan ay inaaring matuwid o pinatutunayan ng “kaniyang mga anak” (Mat 11:19; Lukas 7:35). Ang Panginoon ay nagbanggit ng paghuhukom sa hinaharap sa Mat 12:37, na marahil ay pantukoy sa parehong Bema at Dakilang Puting Luklukan, na nagsasabing ang mga mananampalataya at hindi mananampalataya ay hahatulan ayon sa ating mga gawa, na an gating mga salita ay may mahalagang bahagi sa antas ng ating gantimpala (mga mananampalataya) o pagdurusa (hindi mananampalataya). Ang Diyos mismo ayon sa Panginoong Jesus ay inaring ganap ng mga maniningil ng buwis (Lukas 7:29). Isang abogado ang lumapit kay Jesus na nagnanais na ariin ang sariling matuwid sa pagtatanong, “Sino ang aking kapwa?”. Sinaway ni Jesus ang mga Pariseo sa pagsabing, “Kayo ang mga nagsisikap na ariin ang inyong mga sariling matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang inyong mga puso” (Lukas 16:15).
- Ang Panginoon ay hindi kailan man nabanggit sa Evangelio na gumamit ng pangngalang pag-aaring matuwid (dikaiosune).
- Hindi Niya ginamit ang salitang inaring-matuwid sa Evangelio ni Juan, ang tanging aklat evangelistiko sa Biblia (Juan 20:30-31).
- Sa kabilang banda nagbanggit ang Panginoon ng buhay na walang hanggan nang dalawampu’t anim na beses sa Evangelio (labimpito rito ay mula sa Evangelio ni Juan). Ginamit Niya rin ang salitang buhay bilang pantukoy sa buhay na walang hanggan nang limang beses sa Mateo at Marcos (Mat 7:14; 18:8; 19:17; Marcos 9:43, 450 at labimpitong beses sa Juan (1:4, dalawang beses; 3:36; 5:21, 24, 40; 6:33, 35, 48, 53, 63 dalawang beses; 8:12; 10:10; 11:25; 14:6; 20:31).
- Sa Lukas 18:9-14, ang kundisyon ng pag-aaring matuwid ay hindi pananampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. Sa halip ito ay kababaang loob: “sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ng kaniyang sarili ay itataas.” Hindi kahit minsan nabanggit sa Evangelio ni Juan o sa mga epistula nabanggit na ang isang taong nagpapakababa ng kaniyang sarili ay may buhay na walang hanggan. Sa halip, sinabihan tayong kinakalaban ng Diyos ang mga palalo at nagbibigay ng biyaya sa mga mapagkumbaba, na may kinalaman sa ating kasalukuyang sirkumstansiya ng pagpapala o sumpa, hindi ng ating walang hanggang kapalaran (cf San 4:6; 1 Ped 5:5).
- Ang malinaw nap unto sa Lukas 18:14 ay ang publikano ay may saloobing nakapapasiya sa Panginoon, at hindi ang Pariseo. Pumunta siya sa kaniyang bahay na inaring matuwid sa harap ng Panginoon dahil sa kaniyang saloobin. Ang kaniyang eternal na kapalaran ay hindi isyu. Ang panghinaharap na aprubal o pagtakwil ni Cristo ang punto.
Ang paghiyaw sa Diyos para sa awa ay hindi makapagbibigay sa kaninuman ng buhay na walang hanggan. Ito ay isang mabuting gawa na dapat gawin. Maaaring dalhin nito ang isang taong hanapin ang Panginoon bilang tugon sa Kaniyang paghahatak. Maaaring magresulta ito upang kalaunan siya ay maipanganak na muli (siyempre maaari ring humiyaw ang isang ipinanganak nang muli sa Diyos ng gawa). Ngunit upang maligtas, kailangan ng isang taong manampalataya sa Tagapagbigay para sa regalo ng Diyos, ang buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 4:10-14). Ang regalo o ang Tagapagbigay-regalo ay parehong hindi nabanggit sa Lukas 18:9-14.