Noong Hunyo 26, sa aming channel sa Youtube, may pinoste kaming video ko na may titulong “Can Miracle Faith Save?” (Makaliligtas Ba ang Pananampataya sa Milagro?). Makikita ninyo and 7-minutong video rito.
Isa sa mga komento sa ibaba ng video ang umagaw sa aking atensiyon. Sinulat ni S. P. “Ang pananampalataya ay hindi nagliligtas ng isang tao. Walang tinatawag na ‘nagliligtas na pananampalataya’. Si Jesus ang nagliligtas. Ang sinasampalatayahan ng isang tao ang nagliligtas sa tao. Ako ay nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Sa huling pangungusap, Ako ang paksa, nanampalataya ang pandiwa at si Jesus ang layon ng pandiwa. Kung ang layon ng pananampalataya ay hindi si Jesus, ang isang tao ay hindi ligtas. Tigilan mo ang pagsabi ng ‘nagliligtas na pananampalataya.’”
Una, nagagalak akong hindi iniisip ni S. P. na ako ay tumatalakay ng isang espesyal na tipo ng pananampalataya. Ginamit ko ang ekspresyong nagliligtas na pananampalataya para sa tinatawag “ang sinasampalatayahan ng tao ang nagliligtas sa tao.” Sa madaling salia, kung ang isang tao ay nanampalataya sa nagliligtas na mensahe, siya ay ligtas. Walang espesiyal na uri ng pananampalataya. ang lahat ng pananampalataya ay pagkakumbinse.
Ikalawa, bahagya akong nagulat nang sabihin ni S. P. na ang pananampalataya ay hind nagliligtas sa tao. Nagpatuloy siyang isulat, “ang sinasampalatayahan ng isang tao ang nagliligtas sa tao.” Sinabi niyang ang sinumang nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay ligtas. Kailangan nating manampalataya kay Jesucristo, ang Tagapagbigay, para sa regalo ng Diyos, ang buhay na walang hanggan. Kapag ginawa natin ito, mayroon tayo ng regalo.
Siyempre, totoong si Jesus ang nagliligtas. Ngunit totoo ring inililigtas Niya lamang ang mga nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan.
Tama bang sabihing nililigtas ni Jesus ang lahat ng nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan? Oo,
Nagliligtas si Jesus. nagliligtas ang pananampalataya kay Jesus. Walang salungatan dito.
Marahil ang tinutukoy ni S. P. ay ang pananampalataya, sa pangkalahatan, ay hindi magliligtas sa sinuman. Ito ay kailangang espisipikong pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Sang-ayon ako diyan. Ang pananampalatayang si Jesus ay nabuhay, namatay, nalibing at bumangon muli ay hindi nagreresulta sa buhay na walang hanggan. Ang pananampalatayang sinugo ng Diyos si Jesus ay hindi magreresulta ng Bagong Kapanganakan. Kailangan ang taong manampalataya sa Tagapagbigay para sa Regalo (Juan 3:16; 4:10-14; Ef 2:8-9; Pah 22:17).
Isa sa mga tugon kay S. P. sa seksiyon ng mga komento ay nagbanggit ng isang partikular na mangangaral. Hinanap ko ang mangangaral at nasumpungan siya ay pinupuna dahil sinabi niyang tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa at hindi tayo maliligtas sa panalangin ng kung isang panalangin o pag-iyak sa Diyos. Nakita ko ang dalawa sa mga sermon ng mga mangangaral na pumupuna sa kaniya. Sila ay matigas na upang maligtas, ang isang tao ay kailangang tumawag sa pangalan ng Panginoon at manalangin ng panalangin ng makasalanan, na ayon sa kanila ay kabilang ang pagsisisi at pagtatalaga.
Bagama’t hindi ko ganap na maintindihan kung bakit matigas si S. P. sa kaniyang utos, “Tigilan mo ang pagsabi ng ‘nagliligtas na pananampalataya,’” sa tingin ko ito marahil ay dahil sa ang ekspresyon ay hindi nagbabanggit ng Panginoong Jesucristo at ng buhay na walang hanggan- ang Tagapagbigay at ang Regalo. Kung ganuon, sana maunawaan ninyo na kapag aking sinulat na nagliligtas na pananampalataya, iyan ang ibig kong sabihin. Narito ang mas mahabang paraan upang sabihin ito: “Ang sinumang nanampalataya sa Panginoong Jesucristo, ang Tagapagbigay, para sa Regalo ng Diyos, ang buhay na walang hanggang hind maiwawala, ay may regalong iyan ngayon at magpakailan man.”
Si Jesus ay nagliligtas. Tsek.
Nililigtas ni Jesus ang lahat ng nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan. Tsek.
Ang lahat ng nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay ligtas. Tsek.
Ang pananampalataya sa Tamang Layon, ang Panginoong Jesucristo- at sa buhay na walang hanggang Kaniyang ipinangako- ay nagliligtas. Tsek.