Isang kaibigan ko ang kamakailan ay may mahusay na paraan ng paglalarawan ng pananampalataya. Sinabi niyang ito ay isang estado. Hindi ito kwantitatibo.
Bihira nating gamitin ang ganitong mga pananalita upang ilarawan ang pananampalataya, ngunit akma lamang ang mga ito. Marami ang iniisip na ang pananampalataya ay kwantitatibo; iniisip nilang masusukat natin kung gaano tayo manampalataya sa isang bagay. Halimbawa, sinasabi nating, “Talagang nananampalataya siya,” o “Kailangan mong lumago sa iyong pananampalataya” o “Hindi sapat ang kaniyang pananampalataya.”
Marami akong naiisip na halimbawa kung saan gumagamit tayo ng ganiyang uri ng lenggwahe sa pagpapahayag ng ating pananaw sa pananampalataya. Maaaring ang isang tao ay nananalangin paa sa isang bagay, halimbawa isang bagong trabaho. Kung hindi niya makuha ang trabaho, maaaring sabihin ng iba na hindi sapat ang taglay niyang pananampalataya. Kung mas nanampalataya pa siya, makukuha niya sana ang trabaho.
Isang trahikong halimbawa ng pananaw na ito ay kapag ang isang tao ay pumupunta sa mga serbisyo ng pagpapagaling. Ang mga manlolokong nangunguna sa serbisyo ay sasabihin sa mga taong sila ay gagaling kung ang kanilang pananapalataya ay sapat. Napakakumbinyente para sa mga manggagamot dahil sa pananampalataya. Kapag hindi gumaling, hindi kasalanan ng manggagamot. Ito ay dahil ang kwantidad ng pananampalataya ng taong nagnanais gumaling ay hindi sapat.
Ngunit hindi ganito ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang pagkakumbinse na ang isang bagay ay totoo. Ito ay isang estado. Kumbinsido ka o hindi ka kumbinsido. Kapag pinaniwalaan mo ang isang bagay, maaari nating sabihing ikaw ay nasa estado ng pagkakumbinse. Kumbinsido akong si George Washington ang una nating pangulo. Hindi ako lumago sa aking paniniwala tungkol diyan. Kahit pa magkaroon ako ng Ph. D. sa kasaysayan, hindi nito madadagdagan ang aking paniniwala.
Ngunit may mga lugar kung saan ang BT ay nagbabanggit ng “malaking” pananampalataya. Ano ang gagawin natin sa mga sitas na ito (Mat 8:10; 15:28)? Sa mga kasong ito, ang mga taong nananampalataya ay nananampalataya sa bagong bagay. Hindi sila lumalagao sa dati na nilang sinampalatayahan. Ang bagong bagay ay iba. Ito ay nilarawang “malaki” dahil ang karagdagang bagay ay hindi karaniwang sinasampalatayahan.
Sa sandali ng pananampalataya, ang isang hindi mananampalataya ay nakumbinseng si Jesus, sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan bilang isang libreng regalong hindi maiwawala. Hindi ka na mas makukumbinse kaysa sa puntong iyan. Nananampalataya ka o hindi.
Ngunit matapos mong sampalatayahan ito, masusumpungan ng isang mananampalataya sa BT ang maraming karagdagang aral ni Jesus. habang dumarami ang mga aral na itong nakukumbinse kang totoo, lalong lumalaki ang kaniyang pananampalataya. Halimbawa, maaaring mabasa ng isang mananampalataya ang pagtatago ng kayamanan sa langit, at bilang resulta, ay nagbigay ng bahagi ng kaniyang sweldo para sa isang simbahan o ministering Free Grace. Kumbinsido siyang totoo ang sinabi ni Jesus. Ang isa namang mananampalataya ay maaaring hindi maniwalang sinabi ng Panginoon ang bagay na ito. Hindi siya kumbinsidong karunungan ang mag-imbesta sa isang kahariang hindi niya nakikita. Ang unang mananampalataya ay may mas malaking pananampalataya hindi dahil sa mas higit siyang naniniwala sa gantimpala kaysa sa ikalawang mananampalataya. Ang ikalawa ay walang pananampalataya sa gantimpala. Ang una ay may malaking pananampalataya dahil siya ay naniniwala sa isang bagay na hindi pinaniniwalaang ng ikalawa.
Ang aplikasyon ay malinaw. Hindi tayo dapat gumamit ng mga pariralang gaya ng, “Talaga bang naniwala ako?” o “Sapat ba ang kaniyang pananampalataya?” Tinatrato nito ang pananampalataya bilang isang bagay na kwantitatibo. Sa halip, dapat nating tanungin kung nananampalataya ba tayo sa mga bagay na tinuturo ng Kasulatan. Kumbinsido ba tayong ang mga ito ay totoo? Kapag oo. Mayroon tayong pananampalataya. mas maraming turo tayong sinasampalatayahan, mas malaki ang tsansang ang Panginoon ay titingin sa atin at magpapahayag na tayo ay may malaking pananampalataya.