Ang mga Saduceo ay ang pinakamakapangyarihang grupong politikal sa Israel nang unang siglo AD. Sila rin ang pinakamayaman. Ang mga punong saserdote ay galing sa kanilang hanay.
Ang mga Saduceo, kung ganuon, ay mga pangunahin sa mga punong panrelihiyon nang panahon ng ministeryo ni Cristo. Sa Evangelio, ang mga pinunong ito ay responsable sa pagtakwil ng bansa kay Jesus, na nagresulta sa pagkamatay ng Panginoon sa mga kamay ng mga Romano. Ang mga Saduceo ay may mahalagang ganap sa mga pangyayaring ito.
Madalas akong tanungin kung paano nabulagan ang mga Saduceo. Hindi ba nila nakikita ang mga himala ni Cristo? Hindi ba ito sapat upang kanilang makita si Jesus bilang pinangakong Mesiyas?
Madalas, ang ibinibigay na sagot ay hindi si Jesus ang uri ng Mesiyas na inaasahan ng mga Saduceo. Hindi sila sang-ayon sa ilang mga turo ni Cristo, gaya ng piskal na pagkabuhay na maguli mula sa mga patay.
Ilang mga bagay ang ipinahihiwatig ng ganitong uri ng pagkaunawa. Nilalarawan ang mga Saduceo bilang mga lalaking kinunsidera ang mga pag-aangkin ni Cristo ngunit tinakwil ang mga ito. Ang kanilang pananaw teolohikal ay hindi matatanggap na si Jesus ng Nazareth ang hinihintay ng buong bansa. Nakikita sila bilang mga lalaking binulag ng kanilang tradisyong panrelihiyon. Matigas ang kanilang mga puso dahil hindi nila kinunsidera ang posibilidad na ang kanilang mga paniniwalang panrelihiyon ay mali. Kuntento sila sa kanilang kaisipang ang tunay na Mesiyas ay darating sa huli. Ipinapalagay na ang mga Saduceo ay naniniwalang ang kaharian ng Diyos ay tiyak na darating. Hindi lang sila naniniwalang si Jesus ng Nazareth ang magdadala nito sa bansang Israel.
Wala akong dud ana may ilan sa mga Saduceong, at maging sa ibang punong panrelihiyon, ganito ang tingin kay Jesus. Naniniwala silang ang pinangakong Cristo at ang pinangakong kaharian ay darating isang araw. Ang ilan sa kanila ay naghihintay na matupad ang mga pangakong ito. Umaasa silang mangyayari ito sa kanilang buhay.
Maliwanag na ang mga lalaking ito ay gumawa ng malaking kasalanan sa kanilang pagtakwil kay Jesus. Ang kanilang pinatigas na posisyung teolohikal ay hindi paliwanag sa kanilang ginawa. Ngunit kumbinsido ako na kahit ito ay isang malarosas na paglalarawan sa mga lalaking ito.
Ang ilang sa mga Saduceong ito ay may ibang dahilan sa pagpapatay kay Jesus. Sa simpleng salita, ang ilan sa kanila ay hindi naniniwala sa darating na Cristo. Ang ilan ay hindi naniniwala sa Kasulatan ng LT tungkol sa darating na kaharian. Tumatayo sila bilang pinunong panrelihiyon ng mga tao, ngunit iniisip nilang ang karaniwang taong naghihintay ng katuparan ng mga matandang propesiyang ito bilang mga hangal.
Sa kanilang isipan, ang mga pamahiing panrelihiyon ng mga tao ay isang paraan upang ang mga pinunong panrelihiyong ito ay magkakamit ng yaman at katanyagan. Pinatatakbo nila ang korap na templong nagbibigay sa kanila ng malaking kapangyarihan at kayamanan para sa kanilang mga sarili. Mahal nila ang mga bagay sa sanlibutang ito at hindi na humahanap ng mundong darating. Sila ay suportado ng Roma, ang pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.
Tinakwil ng mga lalaking ito si Cristo dahil Siya ay banta sa kanilang posisyun ng kapangyarihan. Ang mga sentimyentong panrelihiyon ng mga tao ay maaaring magresulta sa paghihimagsik sa bayan, na sisira sa malambot na kalagayang tinatamasa ng mga Saduceo. Nang marinig ng mga Saduceo ang mga kwento ng mga ginawa ni Jesus, ang ilan sa kanila ay iniisip na ang mga kwentong ito ay umiikot upang pagsamantalahan ang kamangmangan ng karaniwang tao na madaling malinlang.
Masyado ba akong marahas sa kanila? Sa tingin ko hindi. Tingnan na lang natin ang klimang panrelihiyon sa ating panahon. Mayroon tayong mga mangangaral at mga punong panrelihiyong hindi naniniwalang si Jesus ay sinugo ng Diyos. Nagtuturo sila sa mga seminaryo, at nangangaral sila sa mga pulpito ng lahat na uri ng iglesia. Hindi sila naniniwala sa pagkabuhay na maguli. Hindi sila naniniwalang muling babalik si Jesus. Hindi sila naniniwala sa walang hanggang kaharian. Naniniwala silang ang mga Kasulatan ay isang kalipunan ng mga pabula.
Kapag tiningnan natin ang mga pinunong panrelihiyon ng araw ni Cristo sa ganitong paraan, tayo pinapaalalahanan ng isang unibersal na katotohanan: Maraming dahilan kung bakit ang madla ay hindi handang sampalatayahan si Jesus bilang Cristo. Maraming dahilan ang mga tao kung bakit ayaw nilang manampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan. Hindi tayo maaaring tumingin sa isang grupo ng tao at magpalagay na sila ay naniniwala sa parehong bagay. Bakit karamihan sa mga Judio tumakwil kay Jesus? Maraming iba’t ibang dahilan.
Totoo ito sa panahon ni Jesus. Totoo rin ito sa ating panahon.