Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ang pagsisisi ni Simong Manggagaway (Gawa 8:24)

Ang pagsisisi ni Simong Manggagaway (Gawa 8:24)

September 9, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Si Simon, isang manggagaway sa Samaria, ay isang interesanteng karakter sa Gawa. Wala akong maalalang kahit sino sa kasaysayan ng simbahan ang inalimura gaya ng pag-alimura sa lalaking ito. 

Bagamat sinabi ng tekstong siya ay isang mananampalataya, ang mga teologo ng lahat ng guhit ay determinadong itapon siya sa lawa ng apoy. Kahit ilan sa mga mananampalatayang teologo ay bahagi ng grupong ito. 

Sinabi ni Lukas na sinampalatayahan ni Simon ang mga bagay na pinangaral ni Felipe patungkol kay Cristo (Gawa 8:13). Ngunit hindi ito katanggap-tanggap sa maraming guro ng Biblia. Sinasabi nilang hindi talaga nanampalataya si Simon. Matapos manampalataya sa mensahe ni Cristo, publikong hinayag ni Simon ang pakikipag-isa kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapabautismo. Sa unang siglong Samaria, ito ay isang malaking hakbang. Ngunit maraming gurong nagsasabing hindi tapat si Simon sa kaniyang pagpahayag sa Panginoon. Marahil ay mayroon siyang ibang motibo bagamat walang indikasyon ang Kasulatan kung ano ang mga ito. 

Ninais ni Simong pahangain ang iba sa pamamagitan ng paggawa ng milagro. Minsan pa, sinabihan tayong ito ay patunay na si Simon ay hindi tunay na mananampalataya. Pinananatili nilang walang tunay na Cristianong magiging arogante gaya nito. Kung siya ay tunay na ligtas, siya ay magiging mapagkumbaba. Hindi ba at walang pinanganak mula sa itaas ang kikilos na gaya ng sanlibutan. Kahit ang mga batang Cristiano ay namumuhay ng banal na pamumuhay. Wala kahit isa sa ating nakasalamuha ng isang mapagmapuring mananampalataya. (Ang huling linya ay sarkastiko, kung sakaling hindi ito naunawaan ng sinumang mambabasa.)

Siyempre, ang ganitong mga ideya tungkol sa kung paano ang mga tunay na mananampalataya ay kikilos o hindi ay kahangalan. Ganuon pa man, ang makalamang saloobin ni Simon ay hindi katanggap-tanggap sa maraming guro ng Biblia. Ayon sa kanila, ang isang katulad ni Simon ay hindi akma para sa kaharian ng Diyos. Kung nakarinig ka ng sermon tungkol sa kaniya, o nakabasa tungkol sa kaniya sa isang aklat, ang mensahe ay malamang na nagsasabing si Simon ay masusunog sa lawa ng apoy magpakailan man.

May narinig akong ganitong mensahe nitong linggo. Binigay ng nagsasalita ang isang rasong -isang anggulo hindi ko pa narinig dati- nagpapatunay na si Simon ay hindi talaga mananampalataya: si Simon ay humingi ng tawad sa kaniyang inasal. Nagsisi siya ng kaniyang kasalanan. Sabi ni Lukas na nang sawayin siya ni Pedro, hiniling ni Simon kay Pedrong ipanalangin siya. Takot siyang disiplinahin ng Diyos dahil sa kaniyang kasalanan.

Ngayon, iisipin mong ang pagsisisi ay isang mabuting bagay. Umaasa tayong gagawin ito ng isang mananampalataya kapag siya ay sinaway ng isang apostol ng Panginoon. Ngunit kahit dito, sabi ng marami, mali si Simon. Sinabihan tayong pinakita niya ang kaniyang tunay na kulay dahil hindi siya nanalangin sa Diyos. Sa halip, hiniling niyang ipanalangin siya ni Pedro. Sinabi ng nagbigay ng mensaheng aking napakinggang ang pagsisisi ni Simon ay hindi tunay. Hindi niya ito ginawang personal. Ang tunay na Cristiano ay hindi hihiling sa ibang taong magsisi para sa kaniya; siya ay magsisisi para sa kaniyang sarili. Gusto ni Simong magsisi si Pedro para sa kaniya. 

Nagagalak akong hindi ako pinananagot sa pamantayang nais ng maraming panagutin si Simon. Hindi ko natantong ang humiling sa ibang manalangin para sa iyong kahinaan ay mali. Tiyak akong kung ako ay isang mananampalataya noong unang siglong sinaway ng isa sa mga apostol ng Panginoon dahil sa aking makalamang pita, makikiusap ako sa kaniyang ipanalangin ako. Gugustuhin ko ang lahat ng tulong na aking makukuha! Hindi papasok sa aking isipang ang ganitong hiling ay patunay na ako ay hindi tunay na ligtas.

Milyon ang nagsasabing kahit pa nanampalataya si Simon, hindi siya tunay na nanampalataya. Kahit nais niyang ipahayag ang kaniyang bagong pananampalataya sa pamamagitan ng bautismo, ang pagnanais na iyan ay hindi tapat. Siya ay nakikibaka sa pagmamapuri, at walang mapagmapuring tao ang papasok sa kaharian ng Diyos. Nagsisi si Simon, ngunit hindi ito tunay.

Napapahanga ako kung paano tratuhin ng kasaysayan at ng simbahan si Simon. Milyong milyon ang ginawa ang kanilang magagawa upang itulak siya sa lawa ng apoy. Ang aking posisyun ay minoridad, ngunit tiyak na tiyak akong ang mayoridad ay mali.

Ito ang katotohanan tungkol kay Simon: siya ay nanampalataya at tumanggap ng buhay na walang hanggan. Nais niyang ipahayag ang kaniyang bagong pananampalataya sa pamamagitan ng bautismo. Siya ay isang batang mananampalatayang nakikibaka sa kasalanan ng pagmamapuri. Nang siya ay sawayin ni Pedro at binalaan siya na ang ganitong asal ay tatanggap ng disipina ng Diyos, tumugon si Simon sa kapuripuring bagay. Humiling siya sa mas maturong mananampalatayang ipanalangin siya.

Ang lahat ng nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay tumanggap nito. Ito ang ginawa ni Simon. Ang mga mananampalatayang marahas siyang hinatulan at pinapanagot sa isang pamantayang sila mismo ay hindi kayang tuparin, ay magugulat na makita siya sa kaharian. Aminin mong ang isipin ang ganitong pagkikita ay nakakatawa. 

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...
December 3, 2025

Disunity: Not a Minor Problem 

Israel was at war. The Midianites and their allies had severely afflicted the nation for seven years (Judg 6:1). However, God raised up Gideon to defeat those enemies...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram