Lahat tayo ay nasabihang sa isang diwa, ang kasalanan ay kasalanan. Ang lahat ng kasalanan ay hindi pag-abot sa kaluwalhatian ng Diyos. Kung malabag natin ang isa sa mga utos, nalabag na natin ang lahat ng mga ito dahil nilabag natin ang kautusan ng Diyos (San 2:10).
Subalit, kinikilala rin nating ang mga konsekwensiya ng ilang kasalanan ay mas malaki kaysa sa iba. Sa diwang iyan, ang pagpatay ay mas masahol kaysa pagsinungaling.
Ngunit totoo ring ang isang kasalanan ay maaaring humantong sa ibang kasalanan. Marahil masasabi nating ang kasalanan ay lumalago patungo sa ibang kasalanan (San 1:15). Binanggit ito ni Juan bilang paglalakad sa kadiliman. Kapag tayo ay nagkasala, tayo ay naglalakad sa kadiliman, at kapag tayo ay naglalakad sa kadiliman, walang makasasabi kung paano tayo nadadapa, at lalong nagkakasala (1 Juan 1:6; 2:9-11).
Si Pedro ay isang halimbawa nito. Batid nating lahat kung paano niya itinatwa ang Panginoon ng maikatlong beses. Sinabihan siya ng Panginoong itatatwa Siya sa ganitong paraan, ngunit sa kaniyang kapalaluan at kasapatan sa sarili, hindi Siya pinaniwalaan ni Pedro.
Ang hindi masyadong halata tungkol sa mga pagtatatwa ay ang bawat isa ay palala nang palala. Ang kaniyang pagtatatwa ay higit na nagiging empatiko. Habang naglalakad sa kadiliman si Pedro, siya ay paulit-ulit na nadadapa. Mayroong leksiyon dito para sa ating lahat. Ipinapakita sa atin ni Pedro kung saan hahantong ang kasalanan.
Ang unang pagtatwa ang pinakamarahan sa tatlo. Isang tao lang ang sangkot dito, at ang nais lamang ni Pedrong palayain ang sarili mula sa sitwasyon. Isang binibini ang lumapit sa kaniya at sinabihan siyang kasama siya ni Jesus (Marcos 14:66-67). Sinabihan siya ni Pedro na hindi niya alam ni nauunawaan ang kaniyang sinasabi. Lumakad siyang palayo, umaasang ito na ang katapusan ng bagay na ito.
Ngunit idinagdag ni Marcos na nang lumayo si Pedro tumilaok ang tandang (v 68). Ito sana ay isang babala dahil nauna nang sinabi ng Panginoon kay Pedro na bago ang tandang tumilaok nang makalawa, tatlong ulit na itatatwa ni Pedro ang Panginoon (14:30). Ang tunog ng tandang ay isang malaking pagkakataon kay Pedro upang magdili-dili sa kung anong nangyayari. Sa halip, si Pedro ay naglalakad sa kadiliman at hindi nakikita na siya ay patungo sa mas higit na kadiliman.
Ang ikalawang pagtatwa ay naganap nang may panahon si Pedro na magdili. Siya ay may kasamang higit na malaking grupo ng tao, at sa harap ng grupo ang parehong binibini ay inakusahan siya bilang isa sa mga alagad ni Cristo. Ang itatwa ang Panginoon ngayon ay ang itatwa Siya sa harap ng maraming tao. At ganito ang kaniyang ginawa. Sinabi ni Marcos na tinatwa niya Siyang muli, ngunit ang pandiwa sa “pagtatwa” ay nasa aspetong imperpektibo. Paulit-ulit niya itong sinasabi. Paulit-ulit na itinatatwa ni Pedro ang Panginoon habang higit na dumarami ang sumasang-ayon sa sinabi ng binibini. Hindi siya basta makakalad palayo gaya ng unang pagtatwa.
Muli, may panahon si Pedro upang magdilidili sa kung ano ang kaniyang ginagawa matapos niyang ipahayag sa napakaraming taong hindi siya alagad ni Jesucristo. Subalit, hindi malaon, ang nasa palibot niya ay nagdesisyong tanungin siyang maikatlo. Muli ito ay sa harap ng maraming tao. Nais ni Pedro na mamahinga na ang bagay kaya sa madiing lenggwahe muli niyang itinatwa si Cristo. Naglagay siya ng sumpa sa kaniyang sarili kung siya’y nagsisinungaling. Hinihiling niya sa Diyos na sumpain siya kung siya’y alagad ng Panginoon. Ang kaniyang pagtatwa ay empatiko. Hindi lamang niya hinayag na siya ay hindi disipulo, siya rin ay nanumpang ni hindi niya kilala si Jesus. ito ay mas masahol kaysa pagsabing hindi niya alam ang kanilang pinagsasabi.
Kung ating mamarkahan ang mga kasalanan, ang pagtatwang ito ay higit na masahol kaysa ikalawa. Ang ikalawa ay mas masahol kaysa sa una. Nang marinig ni Pedro ang tandang sa ikalawang beses, nahimasmasan siya at naunawaan ang kaniyang nagawa. Ang mga salitang kaniyang isinigaw sa mga tao ay nasa kaniya pang tainga. Tumungo siya mula sa “Hindi ko alam ang inyong sinasabi,” patungo sa “Ni hindi ko kilala ang Lalaking iyan!” Nagtungo siya mula sa pag-iwas sa isang binibini patungo sa pagbagsak ng sumpa sa kaniyang sarili sa harap ng madla sa kaniyang pagmamadaling ilayo ang kaniyang sarili sa Panginoon. Ang pagbabang ito sa kadiliman ay mabilis at makahulugan. Mayroong mga babala, lalo na ang mga salita ng Panginoon. Sinabi Niya kay Pedro eksakto kung anong ginawa ni Pedro.
Ang paglalakad sa kadiliman ay isang seryosong bagay sa buhay ng isang mananampalataya. Wala itong kinalaman sa pagkawala o pagpanatili ng buhay na walang hanggan. Sa sandaling mayroon tayong buhay na walang hanggan, taglay natin ito magpakailan pa man. Ngunit kung ang isang mananampalataya ay naglalakad sa kasalanan, siya ay naglalakad sa kadiliman. Kung tayo’y hindi nakikinig nang maingat sa Salita ng Diyos at naghahanap na sundin ito, matutunan natin sa ating karanasan kung gaano kadilim ang kadiliman. Kaya nating gawin ang mga bagay na iniisip nating hindi mangyayari. Ang kasalanan ay mabilis lumago.